Chapter Fifty-One - Card

Começar do início
                                    

Nang makarating sa apartment ko, nilapag ko na lang sa sahig ang bouquet na natanggap dahil wala na kaming gamit sa loob. Nailipat na namin. Mamaya nga, sa sahig na kami matutulog. Nag-iwan lang kami ng isang futon (mattress) para tulugan. Dinala naman ni Brian ang nabiling obento sa ibabaw ng lababo.

"Are you hungry? We could have dinner now if you want," sabi nito sa akin.

"I'm still full. We had some snacks in school before I left. If you're hungry, you can go ahead," sagot ko naman.

"No. We'll eat together later. Let's take a rest," at inakbayan niya ako. Magkaakbay kaming pumasok ng kuwarto.

Dahil wala nang kagamit-gamit sa loob, parang naging sobrang maluwag na. Kinuha ni Brian sa loob ng closet ang futon at nilapag sa sahig. Nauna itong humiga. Inunat ang isang braso at sinenyasan akong mahiga sa tabi niya. Tumalima naman ako. Tumagilid ako ng higa, payakap sa kanya. Pinatong ko pa ang isang hita sa ibabaw ng mga hita niya. Nilagay naman niya ang isang kamay sa ibabaw ng hita ko.

"Are you excited to go back home again?" tanong niya sa akin. Pabulong.

"Yeah. I can't wait to see Papa," sagot ko naman agad. Uuwi kasi kami sa April 1. Isang linggo lang kami dun dahil mag-uumpisa na ang klase sa unibersidad na papasukan niya sa second week ng April. Magpapakasal lang uli kami. Hindi ko na sinabi na excited din akong makasal uli kami doon.

Kahit papano may ideya na akong hindi civil wedding ang kasal. Kasi nagpabinyag pa para maging isang ganap na Katoliko ang mokong noong isang araw. Si Ate Beth ang kanyang ninang at sa church sa Kurashiki city ginanap ang binyagan. Yon pala ang dahilan kung bakit lagi silang nag-uusap sa telepono noong mga nakaraang araw. Excited na nga ako sa kasal namin. Hindi ko pa alam kung saan. Wala naman kasing sinasabi sina Tita. Pati si Yaya, tikom din ang bibig.

Ngumiti lang siya pero parang hindi umabot sa mga mata niya. Medyo malungkot ito. Bakit na naman kaya? Ano na naman ang problema?

"What's wrong?" tanong ko.

Umiling siya. "Nothing."

"You seem sad," komento ko.

Hindi na siya sumagot. Mayamaya ay tumunog ang kanyang cell phone. Kinuha niya ito sa bulsa ng pantalon at sinagot. Nang malaman kong dad niya ang kausap inalis ko na ang nakadagang hita sa mga hita niya. Mayamaya nga, tumayo na ito kaya inalis ko na ang ulo sa braso niya. Lumabas na naman ito ng kuwarto.

Mayamaya pa, bumalik uli ito at binigay sa akin ang telepono. Umiling ako at sinenyasan siyang siya na ang bahalang kumausap.

"Just say hello," mahina niyang sabi sa akin kaya napilitan akong abutin yon sa kanya at kausapin nga ang kanyang ama.

"Hello sir," bati ko sa dad niya.

"Call him Dad," narinig kong sabat niya sa likuran ko. Napasulyap ako sa kanya.

"Take care and have fun in the Philippines," sagot naman ng ama nito sa kabilang linya. Gaya ng dati, walang sigla ang boses nito habang kausap ako. Kaya nabatid kong napipilitan lang din siyang kausapin ako para kay Brian.

"Thank you, sir --- D-dad," sagot ko naman.

"Okay. May I speak with Brian again?" Parang wala namang reaksyon ang matanda nang tinawag ko siyang dad. Ganun pa rin siya. Malamig pa rin sa akin.

Binigay ko naman agad ang telepono kay Brian. "Your dad wants to speak with you now," sabi ko. Nakita ko siyang parang sumimangot dahil saglit lang kaming nag-usap ng kanyang ama. Nang siya na uli ang kausap ng ama, lumabas na naman siya ng kuwarto. Pagbalik niya, lalong lumungkot ang kanyang hitsura.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora