Sumali na din sa pakikipag kwentuhan si Yenny sa amin ni Nanay. Inusisa din ng mama ko ang lovelife nito pero knowing her, wala pang seryosong relationship 'yan. Puro date date lang. Jusko. Hindi ko talaga alam kung kailan ito magseseryoso.

Night shift si Yenny ngayon habang day off ko naman. Ilang minuto pagkaalis ni Yenny ay may nag doorbell. Napakunot ang noo ko. May nakalimutan ba siya?

"May nakalimutan ka—." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko na ng tuluyan kung sino ang nag doorbell.

Umangat ang isang kilay ko at nilakihan ang bukas ng pinto. I even crossed my arms above my chest. Mabuti na lang at maayos ang itsura ko ngayon at hindi ako mukhang basahan.

I leaned my body against the door frame as I looked at him. Pinipigilan kong wag magtulo laway sa harapan niya. Ang gwuapo kasi ni Theo sa suot niyang kulay gray na business attire. Shit. Ang hot ng boyfriend ko.

Wag mong pagnasaan ang boyfriend mo, Aura! Tampo ka sa kanya 'diba? So bakit para kang teenager dyan na nakita ang crush niya?

"Himala at nagparamdam ka." Walang emosyon kong sabi sa kanya at seryosong tinignan siya. Akala niya hindi ako inis sa kanya?

Theo's eyebrows tangled at first pero agad din iyon napalitan ng isang nakakaasar na ngisi na para bang na gets niya kung bakit ganito ang arte ko ngayon.

"My baby is angry.. Let me kiss that anger away." He huskily said.

Nagulat ako ng bigla niya akong hapitin at bigyan ng isang matamis na halik sa labi. Hindi ako naka react agad sa bilis ng pangyayari. Nung una ay hindi ako gumaganti ng halik pero kinalaunan ay hinayaan ko na lang din ang sarili ko na malunod dito.

Hindi naman ako totally inis sa kanya. Nagtatampo lang naman.

I wrapped my arms around his nape as he pulled me closer. Ma eeskandalo siguro ang mga kapitbahay ko pag nagkataong nakita nila kaming dalawa ni Theo na gumagawa ng scandal sa may pintuan ng unit namin ni Yenny.

Pinutol ni Theo ang halik at nilagay sa harapan ng mukha ko ang isang bouquet ng red roses. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang ganito. Nakatago kasi ang isang kamay niya sa likod niya e.

"For you, my baby.. Happy monthsary." His lips rose into a smile.

My eyes immediately twinkled. Oo na, ako na ang mababaw ang kaligayahan. Ang saya kaya sa pakiramdam pag binibigyan ka ng bulaklak. Kahit na isang stem lang 'yan ay okay na okay na sa akin.

Bahagyang nanginig ang mga kamay ko sa pagkuha non. Namula ako at napakagat labi. "T-Thank you.. Happy monthsary din."

He chuckled lightly at my reaction. Nakakatawa naman kasi talaga.

Wala na. Finish na. Wala na ang tampo ko sa kanya. Akala ko ay tuluyan na niyang nakalimutan pero mali ako. Ayan kasi, Aura! Ang nega mo masyado! Baka busy lang talaga ang tao kanina!

Theo cleared his throat. "I prepared something for you at my place. Magbihis ka at pupunta tayo doon." He said in a low and deep voice.

Maiyak iyak ako pagkakita kung ano ang sinasabi niyang pinepare daw niya. Isa lang naman iyong simpleng candlelight dinner sa dining area niya pero para sa akin ay sobra sobra na'to.

My Billionaire Patient (TLS #1) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें