Cincuenta Y Siete

Start from the beginning
                                    

Anyway, speaking of Theo.. wala ba talaga siyang balak magparamdam? Kahit manlang hi o hello? I tried to text him pero wala man lang maski isang reply. Pag tinatawagan ko naman ay hindi niya ito sinasagot.

May problema ba kami? Kasi sa pagkakatanda ko, wala naman. Hindi kami nag away o ano. Ang bait ko kaya sa kanya these days.

"Pumunta kayo ni Theo dito pag hindi na kayo parehas busy, ha? Bisitahin niyo kami ni Abby."

Napangiti ako sa sinabi ni Nanay. Alam na kasi niya ang relationship status namin ni Theo. Medyo nahirapan ako nung una dahil first time kong magsasabi sa kanya na may boyfriend na ako pero nagulat ako sa naging reaction niya.

Tuwang tuwa ang Nanay ko sa balitang 'yon. Akala daw kasi niya e tatanda na akong dalaga. Twenty six pa lang naman ako grabe talaga siya.

"Opo, 'nay. Wag po kayong mag alala. Pag libre na kami parehas, bibisita kami dyan." Nakangiting kong sabi habang kausap siya sa phone.

Masaya si Nanay para sa akin. Sa wakas daw ay naka moved on na daw ako kay Migi.

Nailing na lang ako pagkasabi niya non. Kahit naman ako, natanggap ko na, na hindi kami ang para sa isa't isa dahil si Theo na ang alam kong para sa akin.

Four years is enough. Four years of waiting is really enough. Matagal na din na paghihintay iyon pero maski paramdam ay walang ginawa si Migi. Ngayon na may lalaking alam kong mahal na mahal ako ay palalagpasin ko pa ba 'yon? Syempre, hindi. Hindi ko na pakakawalan si Theo.

Okay siya sa pamilya ko at mahal niya ako. Sapat na sa akin iyon.

"Malaki ka na, anak. Alam mo na ang tama at mali pero wag ka munang papabuntis, ha! Kasal muna. Kung gagawin niyo man 'yon ay mag ingat kayo. Ang dali daling bumili ng proteksyon sa convenience store o hindi kaya sa labas na lang ilabas." Seryoso at matamang bilin niya.

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha. "Nay, naman! Para ka pong si Yenny! Grabe kayo." Napahawak ang isang kamay ko sa aking namumulang pisngi.

Rinig na rinig ko ang malutong na tawa nito sa kabilang linya. Grabe talaga sila. Para tuloy silang dalawa ni Yenny ang mag ina!

I groaned in embarrassment. "Si Nanay talaga, oo. Nahawa na talaga kayo sa kabaliwan ng kaibigan ko."

"Ayan nga din po ang sinabi ko sa kanya, Tita!" Biglang sabat ni Yenny na nasa likod ko na pala. Nagulat ako at agad na napatinigin sa kanya. Ningisihan ako ng babae at kinindatan.

Narinig niya siguro ang usapan namin ni Nanay dahil naka loud speaker ito. Nasa salas kasi ako habang kausap siya at nagsusulat ng something na ipapasa ko sa head nurse namin bukas. Akala ko ay naliligo pa ito. Ayun pala e tapos na. Kitang kita ko ang tuwalyang nakabalumbon sa ulo nito.

Sinamaan ko siya ng tingin at binato ko siya ng throw pillow sa mukha pero agad din itong nakaiwas.

"Si Yenny ba 'yon, nak?" Tanong ni Mama na mukhang hindi naman narinig ng mabuti ang sinabi ng baliw na 'to. Namukhaan lang niya siguro ang boses ng babae.

"Opo, 'nay. Iyong takas sa mental na may pangalang Yenny." Mapang asar kong saad.

Nag middle finger naman sa akin si Yenny. I stuck my tongue out in response. Oo na, kami na ang mga isip bata.

My Billionaire Patient (TLS #1) Where stories live. Discover now