Nakita kong sinulyapan lang niya ako at muling tumingin sa daan.

"Just hold on and any moment from now... makikilala mo na ako."

Nanlaki ang mga mata ko nang maisip na baka siya ang aswang? Na baka siya ang nagmumulto? O siya ba ang pinagmulan ng pagiging mambabarang ko ngayon?




               Akala ko'y nasa ibang lugar na kami pero nang lumingon ako'y nakita ko lang ang likuran ng SMU. Ang lapit lang pala namin pero hindi ko na pinansin 'yun. Natuon ang pansin ko sa kasama ko ngayon.

Bakit bigla na lang niya akong hinila kanina, parang may nakita eh. At bakit sabi niya'y mamaya lang ay makikilala mo na ako?

Hayyy, bahala siya diyan. Makikinig lang ako at 'pag antukin ako'y tutulugan ko talaga siya.

"Here c'mon." sabay lapag niya sa isang trapal o tarpuline yata. Nang tapikin niya ang kakaunting space ay napaupo na nga ako. "Let me tell you this, don't be scared at me ok." napakunot noo ako habang nakatingin lang sa kanya, seryuso ba 'to?

"Teka bago ka mantakot diyan, bakit hinila mo na naman ako dito?" inirapan ko siya at inayos ang doll shoes kong may mga tuyong dahon na. "Alam mo bang impyerno ang araw na'to sa akin ah, 'tos dadagdag ka pa." lingon ko sa kanya at natahimik ako nang nakakunot noo pala siyang nakatitig na sa akin. "S-sorry..." sabi ko na lang at tumahimik na nga.

Umayos siya nang upo at hinawakan ako sa pisngi para mapatingin sa kanya.

"Wag kang matakot... isa na rin akong mambabarang ngayon." sabi niya at napatingin naman ako. "First time in the history, may lalaking mambabarang at ako 'yun, I embraced that because of you and for my family..." patuloy na siya sa pagsasalita ngayon pero nakatingin lamang ako.

Isa rin siyang mambabarang?

"Huh... it's a long story but I'll make it short for you." sulyap niya sa akin. "I'm here to kill you but I was wrong with what I'm seeing you right now Agatha, hindi ka rin pala masama kagaya ng ibang mambabarang diyan... I just want you to help me ok." hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi habang ako'y hindi pa rin makapagsalita. Sumakit yata ang ulo ko sa mga naririnig ko ngayon. "Yung mga tinakasan natin kanina ay mga bantay ko na ipinadala ni Mama Celesti, help me to prove na mabuti kang tao, na hindi mo rin kagustuhan na maging mambabarang... sumama ka sa akin sa del Ovalles."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Kung sasama ako eh 'di mas mapapadali ang pagpatay nila sa akin.

"Nababaliw ka na ba, papatayin nila ako." tiningnan ko siya nang masama at tumayo. "Kung palabas man 'yan Christian eh ihatid mo na lang ako pabalik ok, gusto ko nang mahiga..."

Pero napaupo ako uli nang hilahin niya ang kamay ko.

"You don't wanna be free with that cursed Agatha, I know you killed Glenda kaya sumama ka na sa akin, I promise you'll be safe." muling nagtama ang mga mata namin pero hindi ko alam ang gagawin ko, nalilito ako. "With what I'm planning right now... mawawala sa'yo ang pagiging mambabarang and at the same time gagaling din ang lola ko, that's fair for both of us 'di ba?"

Nakatingin lang ako sa kanya at iniisip ang kanyang sinabi. Ang importante lang ay mabalik ako sa dati, isang normal na babae.

Sa huli ay pumayag na ako sa alok niya kaya mahina na akong sumagot.

"O-okay..."

Nakita kong napatango siya at bahagyang ngumiti. Nauna siyang tumayo ngayon at inilahad sa akin ang kaliwa niyang kamay. Tiningala ko muna siya bago kumapit doon.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoМесто, где живут истории. Откройте их для себя