Muli ay tumingin siya sa mga taong nagkalat sa park habang ako'y napapaisip sa kanyang sinabi.

"B-bakit may gusto bang pumatay sa akin?" agad kong tanong, protektahan. Ibig sabihin ay may nagmamatyag sa akin, sa bawat kilos ko. "Anong dapat kong gawin, tulungan mo'ko..."

Umiling lang siya ng ilang beses at bahagyang lumingon.

"Sumama ka sa akin, 'yun lang ang alam kong paraan para mabantayan kita sa lahat ng oras..."

Tahimik akong naglalakad ngayon habang iniisip ang kanyang sinabi. Kung sasama ako sa kanya eh anong sasabihin ng taong makakaalam nito? Pero talagang magsasama lamang naman kami para sa kaligtasan ko. Kaligtasan ah pero 'asan siya ngayon, nagpaiwan. Susunod na lang raw eh makakarating na ako pero wala pa rin akong kasama, paano kung may nangyari sa akin sa daan?

Hayyy, nakakainis rin siya minsan.

Sa Dios na nga lang ako hihingi ng kaligtasan. Sa kanya ko na lang idedepende ang sarili ko pero wala na ba talaga akong gagawin? Kailangang may gagawin ako, lalo pa't ganito ang nangyayari sa akin.

Natigil ang pag-iisip ko nang matanaw ko na ang tinutuluyan ko. Nagmadali akong naglakad dahil gusto kong malaman ang nangyayari sa loob at nang makapagpahinga na rin ako.

Ang inaakala kong maraming tao, magulo at nag-iiyakan ay hindi ko naririnig ngayon. Sumilip muna ako kung may tao sa sala pero nang makita kong wala ay papasok na sana ako nang may marinig akong tumikhim sa likuran ko.

"Ehem!"

Natigilan ako at lumingon. Nang magtama ang mga mata namin ay sumilip uli ako at papasok na talaga nang hawakan niya ako sa kamay.

"Just for a minute... please."

Bumuntong hininga ako saka humarap sa kanya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at tumingin sa malayo. "Layuan mo na lang ako... hindi ba naiinis ka na ngayon sa ugali ko, mainis ka na lang... mas tatahimik ang buhay ko." sinulyapan ko siya dahil gusto kong makita ang reaksyon niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" narinig kong tanong niya.

Umiling lang ako ng ilang beses.

"G-gusto ko nang magpahinga." naiintindihan niya ang sinabi ko kaya napatango-tango siya. "Yung cellphone pala, ibabalik ko na sa'yo hindi ko naman nagagamit... saglit lang." agad na akong pumasok at patakbong lumapit sa sala.

Napakunot noo lang ako dahil napakatahimik ng paligid. Parang 'ni isang tao ay wala. Binuksan ko na ang kwarto ko at nagmamadaling hinanap ang nakabox uling cellphone. Nang makita ko'y agad rin akong bumalik sa labas pero wala na siya.

Napabuntong hininga ako habang nakatanaw pa rin sa pwede niyang daanan.

"Bakit kasi ginagawa mong complicated ang lahat Christian... ginugulo mo ang isip ko..." anas ko sa hangin at papasok na sana ako nang makita ko siyang bahagyang nakatago sa gilid ng gate. "C-christian?" pakunot noong tawag ko sa pangalan niya.

Sa isang iglap ay nahawakan niya ako at nahila. Ayuko mang sumama ay napatakbo na rin ako nang tumakbo siya at lumapit sa isang nakapark na sasakyan.

"Sakay bilis!" sigaw niya sa akin kaya napasakay naman ako. "They really did what they said, 'andito na sila!" sabi niya habang nagmamanaeho nang mabilis.

Napapatingin lang ako sa kanya at sa daan.

Sinong sila?

"S-Saan tayo pupunta?" tingin ko sa kanya.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoWhere stories live. Discover now