III. Black Day Friday

Start from the beginning
                                    


"Top of the Class? Wow, grabe yung goal mo, ha! Well, I wish you luck on that." Uminom siya ng juice at iniba ang usapan. "I was actually telling Dawn about the Themed-day Friday thingy that we have here in Monte Carlo."

"It was her idea." Hindi ko balak kausapin ang baguhan, pero gusto ko lang i-emphasize na maraming magagandang ideya si Miss Rachel noong SC President pa siya. Nakakalungkot lang kasi kailangan niyang matanggal sa posisyon na 'yon. If only that accident didn't happen...

"Naku, it was one of my crazy ideas then. Buti nga tinuloy pa rin nila kahit iba na ang nagpapatakbo ng SC."

"It only shows that you're ideas are worth keeping." Sabay kaming napatingin sa baguhan. Unang beses niyang magsalita simula pa kanina. At may punto ang sinabi niya, gusto ko 'yon. Tumunog na ang first bell.

"Wow. Ang bilis ng oras! Tara, punta na tayo sa Main Building. Alam kong itong si Red, hates lates." Tumawa siya ng mahina at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.


Magandang maganda ang pakiramdam ko nang pumasok ako sa klase. Breakfast with Rachel Reyes-- something worth marking on your calendar.

"Laway mo, tumutulo." Naputol ang pag-iisip ko nang may marinig akong bumulong sa tenga ko. Wala na talaga siyang ginawa kundi sirain ang araw ko. Lumingon ako at tinitigan siya.

"Excuse me?!" Ngumisi siya at sabay kibit-balikat. Nag-iwas siya ng tingin at dumungaw sa bintana. What an annoying girl! Tumunog na ang second bell at siya ring pagpasok sa classroom ni Mr. Fernandez.

***


Galing ako sa banyo at pabalik na sa klase nang mapansin ko si Dawn na dahan-dahang naglalakad at nakahawak sa pader para makakuha ng suporta. Hawak niya ang ulo niya, mukhang sumakit yata sa klase kanina sa English. Tsk! If I know, wala pa sa kalati ng IQ ko ang IQ niya, kaya hindi niya kinaya 'yong lesson kanina. Nilampasan ko siya at pumasok na sa loob ng klase.

Nakaupo naman siya sa pwesto niya bago tumunog ang bell. Pumasok na ang teacher at nag-check agad siya ng attendance.

"Dominador."

"Present!"

"Domingo."

"Present!' Pagsagot ko sabay taas ng kanang kamay.

"Dominguez."

"Dominguez?"


Lumingon ako at tumingin sa likuran ko. Alam ko nandito siya, eh. Nang makita ko siya, nakasandal siya sa upuan at nakapikit ang mga mata niya. Mukha siyang natutulog, pero napansin kong maputla siya at pawisan. May bote ng mineral water sa mesa niya katabi ang isang maliit na plastic bottle-- parang gamot.

"Are you okay, Miss Dominguez?" Dahan dahan niyang itinaas ang kamay niya at sumenyas ng 'okay' sa teacher namin.

"I think she's sick, Sir." Sabi ng isang kaklase namin.

"I'mokaaay." Sabi niya habang sarado pa rin ang mga mata niya. Sinubukan niyang umupo at idinilat ang mga mata niya. 

"You sure you're okay? Just tell me para maipadala kita agad sa Clinic." Tumango siya at nagpatuloy sa pag-check ng attendance ang teacher. 


"And to start our class today, let's have a  pop quiz!" Iba't-ibang reaksyon ang narinig sa klase. Karamihan sa kanila, ayaw ng pop quizz, pero hindi ako. Lagi akong handa sa mga ganitong sitwasyon. 

Wala nang nagawa ang klase nang magsimula na ang pagtatanong ni Sir. Ika-limang tanong pa lang ay nangangamote na ang ibang kaklase ko. 

Natapos na ang pop quiz at kasalukuyan nang chi-ni-check ni Sir ang aming mga papel. Kampante ako na ako ang pinakamataas sa pop quiz na ito. Who else will it be, right?

"And the highest scorer for the pop quiz, with a perfect score..." Alam ko na 'to, tatawagin na niya ako.

"Dominguez!" Tumahimik ang kwarto. Nawala ang ngiti sa mukha ko nang hindi ako ang natawag. At ang mas masama pa noon, siya ang nag-top sa pop quiz at perfect score pa! "Wala ba kayong mga kamay?" Pumalakpak kami at ibinalik na isa isa ang mga papel namin. I got 13/15. Damn it!

*** 


Palabas na ako ng Main Building pabalik sa dorm nang may humablot sa braso ko. Sa sobrang bilis, hindi ko nakita kung sino ang humatak sa akin. Naramdaman ko na lang na itinulak ako sa pader ng Main Building at may brasong nakadiin sa leeg ko. Nahulog ang salamin ko kaya hindi ko maaninag ang mukha ng tao sa harapan ko. 

"A-ano'ng kailangan mo sa akin?" Nahihirapan na akong huminga.

"Ano'ng kailangan? Alam mo kung ano'ng kailangan namin sa 'yo, Domingo!" At may biglang sumuntok na lang sa sikmura ko. Kilala ko na 'tong mga 'to. Ito 'yong mga Seniors na nagpapagawa sa akin ng finals report nila. 

"Nagbago na ba ang isip mo? Malapit na matapos ang taon, nauubos na ang oras namin." Sabi ng isa pang estudyante.

"H-hindi ko gagawin 'yon! Third year lang ako, ano'ng malay ko sa report niyo?" Isang suntok sa mukha naman ang natanggap ko. Nabitawan na ako ng lalaking nakasakal sa leeg ko kanina, pero napadapa na ako sa lupa dahil sa mga suntok na natanggap ko. Ito ang downside kapag hindi ka sporty na tao-- mahina ang resistance mo sa mga physical attacks. 

"Genius ka, di ba? Gawin mo na ang pinapagawa namin sa 'yo kung ayaw mong masaktan pa! Ibibigay naman namin sa 'yo lahat ng notes na kailangan mo, eh!" 

"Hin-di." At doon ko na naramdaman ang sunod sunod na suntok at sipa. Mamamatay na ba ako?


"Oy, kayo diyan." Tumigil ang mga Seniors sa pagbugbog sa akin nang makarinig sila ng isang boses ng babae. Isang pamilyar na boses.

"Ano'ng problema mo, Miss? Kung ako  sa'yo, aalis na lang ako at tatahimik sa kung ano'ng nakita mo dito, para hindi ka madamay."

Narinig ko ang mga yabag ng paa at huminto ito malapit sa akin. 

"Ang lalaki niyong tao, pinagtutulungan niyo ang isang lampayatot na tulad niya? Tsk! Nakakahiya kayo." Ano daw? Lampayatot?

"Miss, masyado ka naman yatang mapang-insulto magsalita. Hindi mo ba kami kilala?"

"Wala akong pakialam kung sino kayo o kung ano kayo sa eskwelahang ito. Ang problema ko, na-ingayan ako sa ginagawa niyo noong pababa ako dito, kaya ako tumingin. Hay naku! Kung alam ko lang na ito lang ang dadatnan ko, hindi na sana ako tumingin."

"Aba't sobra ka na, ha!" Narinig kong sumugod ang isang Senior papunta sa bagong dating at dumilim na lang ang aking paligid.


 ---edited 03.29.15

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now