Well, that's Gio! He would be willing to do anything just to please me and make me happy. And of course, I know I don't deserve it.

Our hands were tightly intertwined as we enter the function hall where our reunion was taking place. The party was already starting when we arrived and there were also a lot of our batchmates present. Marami akong mga pamilyar na mukha na nakikita pero hindi ko alam ang kanilang mga pangalan.

Marami sa kanila ang napatigil sa pagsasayaw at pagku-kuwentuhan nang mapansin ang pagdating namin ni Gio. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagbubulungan ng iba habang nakatingin sa amin. Some were wearing an amused look, but mostly were looking so intimidated with our presence.

I was planning to make friends and acquaintances tonight, but the intimidated looks of the majority made me be reminded of why I chose to keep my distance when we were in college. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung makikipagsalamuha pa ako sa iba o gaya noon ay hindi ako lalayo sa tabi ni Gio.

"Gio!"

Nilingon ko ang lalaking papalapit sa amin ni Gio. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang former president ng aming department. Naaalala kong madalas siyang nagsasalita noon tuwing mayroon kaming assembly. May malaking pagbabago sa kanyang hitsura ngayon kaya hindi ko nasisigurado kung siya nga ba 'yon talaga.

Sumulyap ito sa akin at nahihiyang ngumiti sa akin. Mukhang hindi pa siya sigurado kung dapat niya bang pansinin ang aking presensya.

"Dianarra... Buenviaje?" he slightly hesitated.

Nakangiti akong tumango sa aming presidente noon at naramdaman ko naman ang paghigpit ng kapit ni Gio sa aking kamay.

He relaxed when I smiled and nodded at him. Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin kay Gio.

"Maraming salamat nga pala ulit sa pagtulong para dito sa reunion natin Gio. Malaking tulong ang binigay ninyong pera ni Dianarra," pasasalamat nito sa amin ni Gio.

"Maliit na bagay, Lando," sabi na lang ni Gio.

"By the way, I reserved you and your wife a seat," he informed us. "Halika at ihahatid ko kayo roon."

Nang mag-umpisa kaming maglakad patungo sa mga lamesa ay mas marami kaming nakuhang atensyon ni Gio. Nagsisimula ang kanilang mga tingin sa mukha naming dalawa at saka bumababa sa aming magkahawak na kamay.

I didn't know if they already knew that I was already married with Gio who used to be just my best friend. Marami sa kanila noon ang inaakalang kaming dalawa ni Gio pero noong dumating si Silver ay humupa ang kanilang pag-iisip patungkol sa totoong relasyon namin. Siguro ngayon ay marami silang mga katanungan na nais masagot.

Gio pulled out a seat for me when we already arrived at our reserved table. Pati sa aking pag-upo ay inalalayan niya pa ako bago muling hinarap si Lando na nagpaalam na para puntahan ang iba pa naming mga kaklase dati.

Ngumuso ako at umayos nang upo habang nararamdaman ang nakakailang tingin ng aming mga kaeskuwela noon. May iilang napapadaan sa aming table at binabati kaming dalawa ni Gio pero hindi rin sila nagtatagal. Nakikita kong marami silang gustong itanong sa amin pero hindi nila naitutuloy ang kanilang nais na sabihin.

Iginala ko ang aking tingin sa bulwagan at natigil ang aking tingin sa mga nagsasayaw sa gitna. I didn't know if some of them were already a couple even before we were still in college, but it makes me happy seeing them so lovely while dancing. Ang sabi-sabi ng iba, kung sino man ang makarelasyon mo sa kolehiyo, most likely, sila rin ang makakatuluyan mo habang buhay. I'm happy that it might be the case for them.

Napatigil naman ako sa pagmamasid sa kanila nang maglahad ng kamay sa akin si Gio na nakatayo na sa aking harapan. He was executing a very gentleman move when asking a woman for a dance.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon