Twenty Four || Win

Začať od začiatku
                                    

Me:

Waaaaah! Seryoso ka? Hahaha sige! Wala ng bawian yan ha!

Boss:

Of course.

Me:

Sige trabaho na ako ah, magtrabaho ka na diyan Boss!

Boss:

Ok, for you I will.


Namumula ang pisngi na itinago ko ang phone sa bag ko.

Thank you Lord, tinupad niyo ang kahilingan ko.

———

“Whoa! Where to?” tanong ni Aira habang nag aayos ng gamit. Lunch ngayon at kakatapos lang namin makipag meeting kay Ma'am Era. She said na we're going to repeat our power point next week. Yun 'yung time na may iba't iba ng CEO or Boss ang makakakita sa performance namin galing sa ibang company para pumayag na makipag business partner sa P'thy Company.

“I don't know eh. Kita na lang daw sa first floor.” which is yung sa entrance.

“Excuse muna hehe.” nginitian ako nila Aira, Mia at Charlie kaya lumayo ako ng konti and dialed Mamsie's number.

“Mamsie!”

[Oh Andrea? Napatawag ka?]

“Mamsie iIhave a good news! Sasabihin ko po pag dating ko diyan sa hosputal mamsie.”

[Sige anak.]

“Kamusta nga po pala si Papsie?” tanong ko.

[Kakakain niya lang Andrea at natutulog na. Ikaw ba? Nakakain ka na?]

“Kakain pa lang po Mamsie. Sige na po mamsie, kumain na din po kayo ah take care of Papsie po.”

[Oo naman anak sige, pakabusog ka anak.]

“Opo. Bye Mamsie!” binaba ko na ang phone at humarap na kila Mia.

“CR lang ako guys ah.” sabi ko at tumango naman sila. Tumungo ako sa CR nitong floor at pumasok doon. Dumeretso ako sa pinaka dulong cubicle at umihi.

“Like duh?! Hindi nila deserve 'yun!”

“Yes and sa tingin ko gawa lang yun nung Andrea Zheon na yun!”

Napantig ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ko sa mga babae na sa tingin ko ay kakapasok lang sa CR.

“What's with her?"

“Close siya sa Boss right? Baka naman she use it para manalo sila!”

“Oo nga no!”

Napatigil ako dahil sa narinig ko. What the hell! Walang kinalaman si Breydon dito!

“Tara na nga.”

“Let's go na gurl.” narinig ko ang hakbang nila at ang pagsara ng pinto. Agad na lumabas ako sa cubicle ko at lumabas sa CR.

Young BossWhere stories live. Discover now