Hinila ko palabas ng bahay papuntang kotse si Sam dahil sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko. I just drove, pabalik ng ospital.

     “Sabi sayo eh.” Sam blurted.

     “Huh?” Bigla kasi siyang nagsalita. Hindi ko naman inaasahan na may sasabihin siya sa akin.

     “Na hindi nila ako matatanggap. Wala naman talagang pamilyang tumanggap sa akin eh.” She said in a sad tone.

     “I’m sorry. Sobrang business-minded lang kasi ng parents ko eh.” I assured her. Umiling siya.

     “Remember my Ex? Pati parents niya hindi ako tanggap. Turns out, may-ari pala ng rival ng RPH yung parents niya kaya ayaw sa akin kasi nga close kay pres. Ramirez at sa RPH pa ako nagtatrabaho.” Kiniwento niya.

     “No. It won’t be like that. Siya, may hadlang na nga, hindi pa niya alam yung meaning ng commitment. Pero ako, Sam, I’m willing to give up the company just to be with you… Nasa wastong edad na tayo para gumawa ng sarili nating desisyon kaya eto ang desisyon na pinipili ko.” I caressed her cheek. She gave me a faint smile.

     “Pero pano kung pilitin ka nila? They might even have an arranged marriage for you?” Pag-aalala niya.

     “Relax. Hindi ako papayag at hindi ako magpapapilt.” I assured her.

________________________

Sam

     Natatakot ako sa pwedeng mangyari in the future para sa amin ni Julius. Ayoko naman na meron akong in-laws na kagalit ko. Ang pangit naman nun. Mahirap din naman na hindi ko kasundo ang parents niya.

     But I’m still going to try my best. Papatunayan ko na business is just business at dapat wala itong kinalaman sa personal na buhay ng pamilya nila.

     “Doc? Ok ka lang ba? You’re not listening!” Jess reminded.

     “Huh?! Ah! Sorry. Ano ulit yun?” I asked him. May ineexplain siya kasi sa akin na situation ng pasyente.

     “Sus! Oh! Eto! Di ko sure pero yung symptoms kasi niya ay headaches, blurred visions, halos, redness. Glaucoma ata.” He said.

     Meron nga pala akong isang pang field dito sa ospital. Hindi lang ako ER doctor, ako din yung resident ophthalmologist or eye doctor. At merong isang pasyente ngayon na sinugod sa ER na may eye problem daw kaya ako agad ang tinawag ni Jess.

     Pagdating ko sa station, She was suffering from a headache.

     “Ok, ate wag masyadong magalaw. Titingnan ko lang yung mga mata mo.” Habang sinasabi ko yun kinukuha ko yung flashlight ko para macheck ko na yung mga mata niya.

     Sinunod niya yung sinabi ko and bear with the pain. May readness nga yung eyes niya at isa pa, sumasakit yung ulo niya.

     “Uhm, Jess kumuha ka ng wheelchair. Dalin natin siya sa office ko.” Utos ko kay Jess.

     Sa office chineck ko na lahat ng kailangan icheck para masigurado ko kung glaucoma nga. Intraocular pressure, optic nerve damage, visual field, cornea thickness, at kung open-angle glaucoma ba siya o angle-closure glaucoma.

     “Jess. Ipahanda mo yung operating room.” I quickly informed Jess after kong matingnan yung mga mata nung pasyente.

     “Bakit po Doc? Ano pong problema sa mga mata ko?” Agad-agad na tanong nung pasyente.

     “May acute angle-closure glaucoma kayo. Ibig sabihin mabilis tumaas yung pressure sa mata niyo at kapag hindi agad natin sinailalim yan sa surgery, mabubulag po kayo.” I told her.

     “Doc, gawin niyo na po lahat ng pwede para sa asawa ko.” Sabi nung lalaking kasama niya. He’s very sweet and loyal to his wife. He’s supporting his wife… Magiging ganyan din kaya si Julius?.... Argh! Ano bang iniisip ko! May medical emergency na nga ako puro paglalandi pa yung nasa isip ko!

___________________

Julius

     “Uh, nurse, si Doc Rose?” I asked dun sa nurse desk. 3 hours ko na siyang hindi nakikita. Hindi naman sa pagiging OA na hindi ko lang nakita ng 3 oras ay nagwawala na ako, Pareho kasi naming shift ngayon sa ER at hindi ko pa siya nakikita.

     “May on-going operation po siya.” Sabi nung nurse.

     “Ah, Ok. Thank You.” I said and bumalik na sa office ko.

     I waited for some more, pumupunta sa mga stations na may sinugod na pasyente, tinatanong yung mga nurse kung matagal pa ba yung operation, at kung ano-ano pa. At for the nth time pumunta ulit ako sa nurse desk para magtanong.

     “Kakatapos lang po. Nasa ward A po.” Sabi nung nurse na parang nang-aasar pa kasi kanina ko pa siya kinukulit.

     “Thank You.” Natatawa kong sinagot sa kanya.

______________

Sam

     Finally! After four hours, natapos din yung operation. Lumabas na ako ng OR at ininform na yung asawa niya tungkol dun sa operation.

     “So far, ok naman siya. Pero kailangan niyang magtake ng maintenance medicines para hindi lumala yung glaucoma niya.” I assured him.

     “Sige po. Thank you po Doc.” He said at sinundan na yung nurse para sa room assignment ng asawa niya.

     As I went ahead pabalik sa ER dahil hindi pa tapos ang araw ko…

     “BOO!”

     “AY TOKWANG BADING!!” Bigla kong naisigaw! Mukha kasing ewan si Julius! Nanggugulat!

     “Ahahahahahahaha!!! Tokwang bading? Anong klaseng expression yan?!” He laughed so hard.

     “Aish! Pagod ako eh! Ano ba?!” I snapped at him. Kapag pagod pa naman ako nagiging moody ako.

     “Hehehe. Sorry!” Paglalambing niya as he patted my head down. I can’t help but smile. First time niyang maglambing ng ganito kaya nakakatuwa siya na nakakakilig.

     “Oo na!” Patawa kong sinabi at nauna na sa ER. Sinundan naman niya ako papunta dun.

The Doctor Is InWhere stories live. Discover now