“I'm gonna CR lang.”

“Ok.” umalis na si Mia at nagderetso sa comfort room. Nagpatuloy lang kami ni Charlie kumain, ako ng buko cake at siya naman ng mocha cake.

“Andrea.” napatingin ako kay Charlie ng tawagin niya ako.

“Why?” tanong ko habang nasubo.

“Nung lunch... Kasama mo ang boss, right?” napatigil ako sa pagsubo ng cake nung sabihin ni Charlie yun.

“H-hahaha! B-bakit ko naman makakasama ang boss? Ikaw talaga Charlie!” kunwaring tawa ko sa kanya, napatigil din ng seryoso ang mukha niya.

“C-charlie. Ikaw ba yan?” tanong ko. Parang iba kasi siya ngayon.

“Hmm, hahaha!” tawa niya kaya napakunot ako ng noo.

“Baliw ka na ba?” tanong ko sa kanya at nagpatuloy na lang sa pagkain.

“I'm just testing you haha.” nagpatuloy na rin siya sa pagkain. Tss baliw na to.

“I'm back!” bumalik na si Mia galing CR ng saktong tumunog ang phone ko.

*ring~*

“Excuse me.” kinuha ko ang phone ko at tumayo malayo sa kanila.

“Oh!” sagot ko agad.

[You're destroying my eardrums ate!]

Ang dami namang dada eh! Hindi na lang deretsuhin! “Ano ba kasi yun? Nakain ako Allen.” walang ganang sagot ko sa kanya.

[Well, you answered na kung ano ang itatanong ko. Sayang, adobong pork chop pa naman ang ulam ngayon.]

Feeling ko tumunog ang tiyan ko dahil doon. Adobo! Waaah!

“Oy! Tirhan niyo ko ah! Paalis na ako! Kakain ako diyan! Babye!” agad na binaba ko ang phone at bumalik sa table namin kanina.

“Guys I need to go.” sabi ko at kinuha ang bag ko, naglapag ako ng pera at walang sabing umalis na sa harap nila.

“Enjoy!” sigaw ko pa sa kanila at lumabas na sa shop na yun. Paglabas ko ay naghanap na agad ako ng taxi kaso walang dumadaan!

Ayos to ah! Timing na timing!

Lilipat na sana ako sa ibang kalye ng may tumigil na kotche sa akin.

T-teka!

Kay—

“Hey. Want a ride?”

“B-boss.” tanging nasabi ko. Oo, si Breydon to.

“Want a ride? It's already 7:00 pm you should go home.” sabi niya. Napatingin naman ako sa mga nadaan, bakit wala pa ring taxi?!

“Ayaw mo ba? Ok, it's alright.” akmang i-aandar niya na ang kotche kaya agad na sumakay na ako! No choice na ako! Nagmamadali ako.

“Paandarin mo na, dali!” pagsara ng pinto ay yan agad ang sabi ko. Tumawa muna siya bago paandarin ang kotche.

“Alam mo ba kung saan ako nakatira?” nung umaandar ay nagtanong ako sa kanya. Pansin ko ang suot niya na naka blue long sleeve na lang at naka loosen up na ang dalwang butones, aww! Napa iwas ako ng tingin at tinignan na lang ang mga ilaw sa daan.

“Of course, I stalked you.” napatingin ulit ako sa kanya. Ini-stalk niya ako? Saan? Sa FB? Insta? Twitter?

“Hahaha. On your profile form.” napahinga ako ng maliwag nung malaman ko yun. Ahh, doon? Pede naman sa fb hehe.

“It's quiet a long ride. Hindi ka ba nali-late?” takong niya at huminde naman ako.

“Hmm, 5 am pa lang kasi naghahanda na ako.” sagot ko at tumango naman siya. Grabe, bakit sobrang gwapo niya?

Matapos ang ilang minuto ay nandito na kami sa bahay namin. Bumaba agad ako.

Teka? Papapasukin ko kaya siya?

“Gusto mo bang puma—”

“Andreaaaaaa!” napa pikit ako ng marinig ko ang boses ni Mamsie. Ayan na naman siya.

“Buti naman at umuwi ka na, may pagkain pa sa loob—Uy, sino yang kasama mo...” bulong ni mamsie sa akin. Ngumiti muna ako kay Mamsie bago tumingin kay Breydon.

“Boss ko mamsie.” maikling sagot ko. Hinila ko na si mamsie palayo kay Breydon. “Tara na mamsie, gutom na ako hehe.” pagmamadali ko habang hila to pero hindi siya nagpapahila.

“H-hello po boss, gusto mo bang kumain?” napatingin ako kay Mamsie ng tanungin niya yun. “Mamsie...” bulong ko dito pero hindi niya ata ako narinig!

“O-ow. It's my pleasure madame.” magalang na sabi ni Breydon. Binigyan ko naman siya ng tingin.

“Wow madame! Oh siya tara na, pasok ka boss.” si Mamsie na ang humila kay Breydon papasok kaya wala na akong nagawa. Hayy!

———

“Boyfriend ka ni ate?”

“Allen ano ba...” inis na bulong ko sa kapatid ko. Nasa hapag kainan na kami at marami pang natitirang ulam.

“A-ah no. I'm her friend.” naka ngiting sagot ni boss.

“Ahh.. You look good.” sagot ng kapatid ko. Siniko ko naman ito dahil napaka ingay!

“Diba tapos ka na kumain Allen? Tumaas ka na sa kwarto mo, you need to do your assignments.” pagtutulak ko dito. Sumama naman ang mukha niya pero sinamaan ko siya ng tingin kaya sumunod na lang ito.

“Kain na boss. Wag mo pakelaman yang dalwang yan.” sabi ni Mamsie kay Breydon, aba nadamay pa nga ako.

“T-thanks t-tita.” oo, sabi ni mamsie tita na lang daw itawag ni Breydon sa kanya. Masyado daw sosyal ang madame.

Pagtapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila para ihatid si Breydon sa kotche niya. Malayo layo ng konti sa gate ang bahay namin eh.

“Thank you.” napalingon ako kay Breydon habang naglalakad kami. Naka shirt at jogging pants na lang ako.

“Saan? Sa pagkain? Nahihiya nga ako sayo.” pag amin ko. Napangiti naman siya.

“Why? Ako nga dapat ang mahiya, nakikain pa ako sa inyo.” sabi niya. Napa ngiti na lang ako at nag peace sa kanya.

“So? Are you ok now?” tanong niya kaya nangunot ang noo ko. “Saan?” tanong ko ulit.

“About kanina. Nadulas ka and nasambot kita. Are you ok now?” agad na namula ang pisngi ko ng maalala ko yun. Oh gosh!

“T-thanks for saving me B-breydon.” nahihiya kong sabi. Ngumiti lang ito.

“You're welcome. Hinihintay nga kita eh.” napatigil ako sa paglalakad ng sabihin niya yun at napaharap sa kanya.

“Huh?”

“Kanina.”

“B-bakit?”
















“Hinihintay kitang mahulog para ako ang sasalo sayo.”

Feeling ko tumigil ang lahat ng bagay at tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.

Unti unti lumapit ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.

“Goodnight, sweet dreams.” umalis na siya pagtapos noon at ako—







Again... I leave speechless.

Young BossWhere stories live. Discover now