Nine || Lunch with him

Start from the beginning
                                    

Naiwan naman ako na nakatingin sa nilabasan niya.

Oh shet!

Kiss na naging nabato pa!

———

What do you want?” habang papasok kami sa restaurant na— ano ba to? Mahal na naman nito panigurado!

“Teka hehe.” pigil ko habang hawak ang longsleeve na suot niya sa braso hehe. Naka coat yan kanina eh tinanggal niya, it's so hot daw.

“What? I'm really hungry na Andrea.” naka pout niyang sabi at agad na nabitawan ko ang sleeve niya, hwaaangkyuut!

“B-baka kasi mahal you know, hehe.” nahihiya kong sabi at tumingin na lang sa mga tao pero nakatingin sila kaya sa iba na lang ako tumingin.

“Hahaha don't worry, my treat.” nagliwanag ata ang mukha ko ng marinig ko iyon.

“Sigurado ka?” tanong ko. Sure siya ah!

“Yes. Kaya tara na, gutom na gutom na ako.” hinila niya ang kamay ko papasok sa restaurant at agad namang nagsitinginan ang mga tao sa amin!

Hindi yun pinansin ni Breydon at naglakad na siya palapit sa counter, eh hila niya ako.

“Brad, that's Breydon Scherzy right? Son of Brian, CEO of P'thy Company?”

“Oo nga. It's him!”

Agad na hinila ako ni Breydon palabas sa restau na yun nung marinig niya ang bulungan na iyon. Dinala niya ulit ako sa kotche niya.

“Sh*t! I hope they didn't saw her face..” rinig kong bulong niya kaya kinulbit ko siya.

“Hey! Breydon! Bakit tayo umalis doon?” tanong ko sa kanya. Humarap naman siya at tumingin sa relo niya.

“20 minutes left. May alam ka ba na kainan na hindi ako kilala?” tanong niya sa akin.

Huh? Meron ba? Eh famous kaya to. “Wala ata— uhuh!” biglang may pumasok na idea sa isip ko! Napatingin ako sa kanya at napa ngiti.

“Tara! Kakain na tayo!” hinila ko na ulit ang kamay niya at dinala sa kotche niya.

“Bilisan mo! Mag drive ka na.” sabi ko at sinunod niya naman ako.

Here I come menudoooo!












“What is this place?”

“This place is called Karinderya!” proud ko pa na sabi sa kanya. Hinila ko siya pa upo doon sa upuan sa tapat ng table at nagtawag ng waiter.

“Kuya!” tawag ko at may lumapit naman sa amin. “Pa order po ng dalwang menudo, dalwang kanin, isang sinigang at dalwang buko juice!” excited na sabi ko. Unulit ni kuya yung order at saka umalis.

“W-wait? Are we going to eat here?!” medyo may kalakasang tanong ni Breydon at tinanguan ko naman siya ng pagka rami rami.

“Oo. Oh, diba? Walang nakakakilala sayo dito! Saka isa pa, tignan mo oh.” tinuro ko yung group of highschool girls na naka tingin sa kanya. Kinilig naman ang mga ito ng tignan sila ni Breydon.

“Na-gwapuhan sa'yo kaya naka tingin, hehe.” sabi ko. Tumingin naman ito sa akin.

“Are you sure, malinis ang pagkain dito?” tanong niya at tumango ulit ako.

“Oo naman! Si Ate Baby pa! Ate Baby!” tawag ko sa may ari nitong karinderya, matagal na ako nakain dito simula nung highschool palang ako. Kaya close ko na ang mga tao dito, lalo na si ate Baby.

“Oh! Andrea! Buti nakakain ka ulit dito.” lumapit siya sa amin kaya tumayo ako para akapin ito.

“Opo na miss ko po menudo at buko juice niyo eh, hehe.” naka ngiti kong sabi. Dumako naman kay Breydon ang mata niya.

“Ay oo nga pala. Si Breydon po, boss ko.” tumayo naman si Breydon at nag bow.

“Nice to meet you I'm Breydon.” in-ofer niya yung kamay niya kay ate Baby pero nahiya ito.

“Naku pogi! Galing ko lang sa pagluluto eh, nakakahiya naman sa beautiful hands mo.” nahihiya niyang sabi, ngumiti na lang si Breydon.

“Osya umupo na kayo, mukhang gutom na kayo eh. Parating na rin ang order niyo.”

“Sige po ate Baby.” umupo na ako at umupo na rin si Breydon pagka alis ni ate Baby.

“What did you order again?” tanong ni Breydon.

“Hmm menudo, kanin, sinigang at buko juice.”

“Buko juice? Do you like buko? I noticed kaninang umaga. Buko cake ang kinain mo, am I right?” tanong niya at tumango naman ako.

“Ansarap kaya ng Buko, hehe.” naka ngiti kong sabi.

“Ito na Andrea, Mr Pogi!” dumating na si kuya waiter dala ang mga in-order namin.

“Salamat po!” naka ngiti kong sabi at nag fist bomb pa kami bago siya umalis. Pag tingin ko kay Breydon ay ang sama ng tingin niya.

“Why?” tanong ko at hindi naman siya sumagot.

Ang topak ah? Tss.

Kumuha na lang ako ng kanin pagkatapos ko magdasal, nakakatuwa siya. He used to pray before eating. I like that hehe. Pagkakuha ko ng kanin sinunod ko ang menudo, kyaaaaa!

“Oh? Hindi ka pa kakain? Kain na!” sabi ko kay Breydon, hindi kasi siya nagsisimula. Hindi naman siya gumalaw kaya kinuha ko yung kanin at nilagyan ang plato niya tapos sinunod ko ang sinigang.

“Kainin mo yan, masarap pwaaamis!” sabi ko at nagsimula ng kumain.

Hmm! Ang sarap!

Napatigil ako sa pag subo ng makitang nakatitig siya sa akin, “Oy? Ano ba, kumain ka nga.” nakaka intimidate ang tingin niya grabe!

“Don't do that again.” seryoso niyang sabi at nangunot ang noo ko.

“Alin?” tanong ko, hindi siya sumagot at kinuha na ang spoon at dork niya.

“Tss.” sagot niya lang at kumain na. Nawala naman ata ang bad aura niya ng matikman ang pagkain niya.

“Hmm, I miss sinigang.” sabi niya kaya napatingin ako.

“Nakakain ka na ng sinigang?" tanong ko at tumango naman ito pagtapos sumubo.

“My yaya used to cooked this for me before.” sagot niya.

“Hindi na ngayon?” tanong ko at tumango naman ito. Hindi na lang ako nagtanong at kumain na lang.

Pagkatapos kumain ay siya na ang nagbayad ng lahat ng inorder namin at why is it mura? tanong niya pa kaya natuwa si ate Baby. Hayys, itong lalaki talagang to! Napaka rich kid!

Dumeretso na kami sa kotche niya at pasakay na sana ako ng hilahin niya ako sa kamay kaya napaharap ako sa kanya.

“Bakit?” tanong ko. Hindi naman ito sumagot at kinuha ang kaliwang kamay ko. Nagulat ako ng hawakan niya ito at pinunasan ang likod ng kamay ko gamit ang panyo niya.

“O-oy! Bakit?” tanong ko. Hindi ko mahila ang kamay ko dahil hawak niya.

“I'm erasing his fist bomb.” napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon ng seryoso.

Unti-unti biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

N-nagseselos ba—

“I'm jealous, huwag mo na ulit gagawin 'yun.” umalis na siya at pumasok na sa kotche niya at ako naman ay naiwan sa labas.

Oh my gosh!

KYYYAAAAAAAAAAA!!!

Young BossWhere stories live. Discover now