Chapter 27

491 13 0
                                    

Heaven's PoV

"W-what is it Momti? "Ang mga katagang unang lumabas sa bibig.

Ayaw ko mang malaman kung ano ang sasabihin ni Momti pero curiosity is killing me. Sinasabi ng utak ko na pakinggang si Momti kabaliktaran naman ng puso ko. Pero mas pinili ko pa din ang utak, malakas ang kutob ko. Good news ito.

"Heaven"hinawan ni momti ang dalawa kong kamay. "Huwag mo sanang papabayaan ang anak ko, huh? Bantayan mo siya alam mo namang aalis na ako diba. Huwag mo siyang iwan, mahalin mo siya Heaven. "Ang sabi ni momti na agad nagpangiti sa akin. Iyon lang pala, tama ang kutob ko. It was a good news.

"Momti I will. always, kahit hindi niyo po sabihin ay gagawin ko pa din. "Sabi ko ng nakangiti. Akala ko mangyayari ulit ang bagay na iyon.

Tumayo si Momti at niyakap ako, yumakap na din ako sa kaniya pabalik.

"Thank you heaven. "Sabi ni Momti habang hinahaplos ang mahaba kong buhok.

Agad naman akong napangiti sa sinabi niya.

"You are always welcome, Momti. "Sabi ko. Bumitaw na kami sa pagkakayakap.

"Anong drama yan? "Tanong ni Mace.

Hindi namin namalayan na nakababa na pala siya.
Halata sa mga mata niya na umiyak siya. Kahit naman siguro sino.

"Wala anak. Nagpaalam lang ako sa kaniya Mace. "Ang sagot ni Momti ng nakangiti.

Ngumiti nalang din ako kay Mace.

"Sige, magliligpit lang ako para Makaalis na tayo. Baka Malate pa ako sa Flight ko." sabi ni Momti.

"Tulungan ka na po Namin Ma. "Sabi ni Mace na nakangiti.

Gaya ng sabi ni Mace ay tinulungan nga namin si Momti.

Makaraan ang ilang minuto ay natapos na kami.

"Ma, T-tara na ho. Baka Malate po tayo sa flight niyo. "Ang sabi ni Mace na hindi makatingin kay Momti.

Siguro ay naiilang siya. Maging si Momti ay makikitaan ng pagkailang sa kaniyang Mukha.

Nauna ng pumunta sa sala si Mace. Ngumiti sa akin si Momti bago Sumunod kay Mace. Sumunod nalang din ako.

Totoo nga na mamimiss namin ng sobra si Momti. Lalo na ang mga luto ni Momti.

Hindi ko din makakalimutan ang payo niya sa akin dati.

Flashback

Nandito ako sa bahay nila Mace. Inaantay ko lang si Mace dahil naliligo pa raw ito. Gagawa kami ng Project dito sa bahay nila.

Umupo ako sa upuan ko dito. Remember the pink chair? Yes its mine. Momti's gift.

Naalala ko ang nangyare last year. Noong iniwan niya ako, at ipinagpalit sa mga bago niyang kaibigan. Kaibigan na nakilala niya sa bago niyang paaralan. Paaralan kung saan din ako nag aaral ngayon.

Nakita ko siya kahapon, ang saya saya niya. Nakita niya din ako, pero hindi niya ako pinansin. Nilagpasan niya lang ako na para bang hindi niya ako kilala. We were like strangers yesterday.

Talagang nakalimutan niya na ako. O nagpapanggap siya na hindi niya ako kilala. Yung dating bestfriend ko Strangers nalang ang turing sa akin ngayon. Simula ngayon ganoon na din ang trato ko sa kaniya. I'll treat her like I dont  know who she is.

Pero naisip ko lang, what Am I goin' to do if one day she want our friendship back. Ano ang sasabihin ko? Ano ang gagawin ko? Tatanggapin ko ba ulit siya? O hindi na.

"Heaven, anak? Okay ka lang ba? May problema ba? "Sabi ni Momti. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

Itanong ko kaya sa kaniya?

"Momti, Can I ask you a question? "Tanong ko.

Ngumiti muna siya bago magsalita. "Oo naman. Ano 'yon? "Sabi niya pa din habang nakangiti.

"Momti, paano kung iniwan ka ng taong hindi mo inaakalang iiwan ka. Tapos pinagpalit ka sa iba, it hurts. Momti what if one day she/he wants you back. Gusto niya ibalik yung dating kayo? Momti what will be your reaction. What are you going to do? "Paliwanag ko. Siguro ay tama lang na nailabas ko ito.

"Heaven, anak. Everyone deserves second chance. Anak lahat nagkakamali, nobody is perfect. "Iyon ang sagot ni Momti.

Naunawaan ko na agad ang ibig niyang ipahiwatig. Does she deserve the second chance?

Siguro nga tama si Momti, everyone deserves second chance. But the question is will she going to ask for the second chance?

"Heaven, anak. Tara na't baka Malate tayo. "Namalayan ko nalang na tapos na pala sila sa paghahanda ng mga dadalhin ni Momti.

Naalala ko na naman iyon.

Will she going to ask for it? If yes,then when? If no, then why?

"S-sige po. "Tanging naisagot ko.

Tinulungan ko na din sila sa pagbubuhat ng mga bagahe ni Momti palabas ng bahay.

Pinasok na namin ang mga bagahe sa loob ng sasakyan habang si Momti ay naglolock ng Pinto.
Matapos ang ginagawa niya ay sumunod nadin siya sa amin sa loob ng sasakyan. Pagkalabas ng sasakyan ay Lumabas ulit si Momti upang isara ang Gate. Matapos ang ilang minuto ay nasa byahe na kami.

"Momti, kailan kayo uuwi? "Tanong ko.
Natigilan naman si Momti sa tanong ko.

Siguro ay hindi niya inaasahan. Maging si Mace ay napatingin din sa amin na kanina ay nasa labas lamang nakatingin. Siguro ay gusto niya ding malaman. Teka? Hindi niya ba alam?

"Ah, hindi ko pa alam Anak eh. "Sagot ni Momti. Tumango nalang ako bilang sagot.

Katulad ni Mace ay tumingin nalang din ako sa bintana. Siguro ay sobrang lungkot ni Mace ngayon. Nilingon ko siya, ganoon pa din ang pwesto niya--nakatingin sa labas. Ano kayang iniisip niya?

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Airport. Bumababa na kami ng sasakyan, tinulungan naman kami ng driver ko na ibaba ang mga bagahe ni Momti.

Pumasok na kami sa loob ng airport. Huminto kami sa gitna, malapit sa pintuan na tanging si Momti nalang ang pwedeng pumasok.

Niyakap niya muna si Mace, at parang may sinasabi siya dito. Hindi ko masyadong marinig dahil madami ang tao sa airport ngayon.
Sumunod na niyakap ako  ni Momti.

"Anak, iyong bilin ko huh? Wag mong kakalimutan. Wag mong iiwan si Mace, don't make her feel alone. Stay beside her. Anak, magiingat kayo. "Iyon lang at hinalikan na ako ni Momti sa pisnge bago niyakap.

"Momti Im gonna miss you. Momti, I promise I will do my best. "Sagot ko.

Humiwalay na si Momti dahil malapit na umalis ang eroplanong sasakyan niya. Muli niyang niyakap si Mace at hinalikan sa pisnge. Nakita ko naman na umiiyak na silang dalawa. Maging ako ay hindi ko na napigilan ang luha ko ma tumulo.

Tuluyan ng pumasok si Momti Sa pinto. She waved for the last time.

Momti I am going to miss you. This will be the last time. Momti, see you soon.

Nilapitan ko si Mace na ngayon ay humahagulgol na. Niyakap ko siya sa gitna ng maraming tao.

"Mace, shhh everything's gonna be alright. "Sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

Bibitaw na sana ako sa pagkakayakap ng may makita akong isang babaeng nakatingin sa amin.

Anong ginagawa niya dito?

I saw Aexi, looking at us. Why is she looking at us?

I'm Inlove With My BrotherWhere stories live. Discover now