Chapter 23

511 16 0
                                    

Mace's PoV

Nandito ako sa gitna ng hallway ngayon. Nagtataka ako kung bakit halos lahat ng studyante dito ay nakatingin sa akin. May dumi ata sa mukha ko kaya dali dali kong kinuha ang phone ko na may basag na. Matagal na rin itong phone na ito, regalo ito sa akin ni mama noong grumaduate ako ng Highschool. Anyway, wala namang dumi sa mukha ko. Ano kayang problema nila? Maayos naman ang suot ko. Hindi pang nerd at hindi din pang sosyal.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Nang makarating ako sa floor namin ay nakakapagtaka dahil kokonti lang ang mga estudyante. At gano'n pa din sila, lahat nakatingin sa akin. Iyong iba iniirapan ako, tinitignan ako ng masama. Iyong iba naman parang kinikilig na naiinggit. Ewan ko! Hindi ko sila maintindihan.

Nasa tapat na ako ng room namin. Walang tao. Kahit isa. Nasaan sila? Nakakapagtaka namang walang tao dito. Eh karamihan sa kanila ay maaga kung pumasok. Ang room namin ay napupuno ng matatalino, karamihan nerd. Dadalawa lang ang mga mahihina ang utak. Nakakapagtaka na late sila ngayon. Bakit kaya?  Pumasok na ako at umupo sa upuan ko. Pati heaven wala din. Nasaan ba kasi sila. Ano bang nangyare at napaka weird ng mga tao ngayon.

Naalala ko si Mama pati siya wierd.

Flashback

"Mace gising" isang yugyug ang gumising sa akin. Pag mulat ng mata ko ay bumungad sa akin ang taong hinihintay ko. Si mama.

"Mama? Mama, nandito na po kayo! Saan po kayo galing? Bakit po ngayon lang kayo umuwi? Mama miss na miss ko na po kayo"masayang bati ko.

Oo andito na si mama. Umuwi na siya.

"Anak pasensya na hindi ko nasabi agad sayo. Mayroon kasi akong bagong trabaho. Anak, sa trabaho kong iyon ay minsan lang ako umuwi. Hindi ako makakauwi araw araw dahil malayo ang pagtatrabahuan ko. " pagpapaliwanag niya sa akin.

"Mama? Saan po ba iyon? " tanong ko.

"Sa ibang bansa anak. Kailangan kong gawin ito para sa atin. Huwag kang mag-alala lagi kitang tatawagan. "
Ang sagot niya

I'm Inlove With My BrotherWhere stories live. Discover now