Chapter 8

942 28 0
                                    

Travis PoV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng makita kong nawalan ng malay si Mace. Natataranta, natatakot, kinakabahan ako ngayon. Hindi ko alam na allergic pala siya sa pinya. Kasalanan ko ito. Huhuhuhuhu nagsisi na ako sa ginawa ko.

Dinala namin agad siya sa clinic upang malaman kung anong lagay niya. At kung okay lang ba siya. Lumabas ang nurses sa galing sa loob ng clinic.

"Anong nangyare sa kanila?" Tanong ng nurse sa amin.

"Nurse, nakakain po kase siya ng pinya. Allergic po siya doon" sagot ni Heaven. Bakas ang pag aalala sa kaniyang mukha at tono ng pananalita.

"Nurse okay lang po ba siya? " tanong ko sa nurse na may bahid ng pag aalala.

"Okay na siya ngayon. Sana sa susunod wag na siyang pakainin ng mga pagkaing allergic siya." Sabi ng nurse. Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko. Ngunit nandoon parin ang konting takot at pag sisi. Kasalanan ko kung bakit siya nawalan ng malay.

Pumasok na ulit ang nurse matapos sabihin iyon. Sisiguraduhin kong hindi na ito mauulit pa.Kasalanan ko kung bakit siya nawalan ng malay. Kung sana inalam ko muna kung may allergic ba siya sa pagkaing inorder ko ay sana hindi na mangyayari pa ito. Sambit ko. May bakas iyon ng pag sisi.

"Wala kang kasalanan travis. Walang may kasalanan. Ang sabi ng nurse ay okay na ang lagay niya. Maya maya lang ay magigising na siya. " ani heaven

"Sana nga magising siya agad. " sabi ko ng may halong lungkot.

Aalamin ko kung saan pa siya allergic para maiwasan ko ang bagay na ito. Hindi ko kayang makita siyang nawawalan ng malay ng dahil sa akin. O kung kanino man.

Mace's PoV

NAGISING ako sa isang kwartong kulay puti. Pilit kong inaalala kung anong nangyare. At kung bakit ako nandito. Oo nga pala, nawalan ako ng malay dahil nakakain ako ng pinya. Allergy ako sa pinya, peanuts, peanut butter, carrots. Nawawalan ako ng malay sa tuwing makakain ako ng mga iyon.

Biglang may lumapit sa aking babae, batid kong nurse iyon.

"Kamusta na ang pakiramdam mo iha? " tanong niya.

"Mabuti naman po. Maari po ba akong mag tanong? " sagot ko.

Gusto kong alamin kung anong oras na. Ang alam ko ay may klase kami.

"Ano iyon iha" sambit niya na may ngiti sa labi.

Mukhang mabait ang nurse na ito base sa kinikilos, pananalita, at itsura nito. Mga nasa 27 na siguro ito. Maganda din siya.

"Anong oras na ho? " tanong ko sa kaniya.

"1:30 pm na iha"sagot naman niya. May kung anong inabot siya sakin. Batid kong gamot iyon at kailangan kong inumin.

"Salamat po" sagot ko sa kaniya at tsaka muling nahiga. Umalis naman siya agad. Iniisip ko kung nasaan si heaven ngayon. Paniguradong nag aalala siya.

Muli akong uminom ng tubig.

"Iha, ang swerte mo sa boyfriend mo" nasamid ako sa sinabi niya. B-boyfriend? Wala akong boyfriend.

"W-wala po akong boyfriend" sagot ko. Sino naman kaya ang tinutukoy niya.

"Hindi mo ba boyfriend yung lalaking naghatid sayo kanina? " tanong niya. Pilit ko namang inaalala kung sinong lalaki ang kasama ko bago ako nawalan ng malay. Si T-travis kaya ang tinutukoy niya? Nako!

"Ah hindi ho. Hahaha Kaibigan ko lang ho siya. " sagot ko naman.

"Akala ko boyfriend mo siya. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. Pero iha,bagay kayo." sambit niya ulit ba para bang nanunukso.

Nako po! Wala sa isip ko iyon.

"Ay nako po, heheheh. "

"O siya sige. Kung mabuti na ang lagay mo ay pwede ka ng bumalik sa klase mo. Umalis din kanina ang mga kasamahan mo dahil mayroon daw silang klase. " sabi niya.

"Mauna na po ako. Salamat po ulit"
Sambit ko naman. At tsaka dali daling umalis sa kama at inayos ang sarili.

"Walang anuman iha. ".

Nagpaalam na ako sa kaniya at umakyat na sa classroom ko. Walang ingay sa corridor dahil oras ng klase ngayon.

Ng makarating ako sa labas ng classroom namin ay agad na akong kumatok.

*TOK TOK TOK*

Bumukas ang pintuan at nakita ko ang aking guro sa oras na ito.

"Magandang hapon po maam. Pasensya na po kung ako'y nahuli sa klase" pagbati ko sa guro namin ngayon. Sa klase niya ay bawal kang magsalita ng ingles maliban sa apelyido mo at ang salitang maam.

"Pumasok ka. " sagot ng aking guro na si Maam Torres.

Pumasok na ako ng tuluyan at naupo sa aking upuan katabi ni heaven.

"Uy, maayos na ba ang pakiramdam mo? " tanong niya.

Tumango lang ako bilang sagot at nakinig sa klase.

I'm Inlove With My BrotherWhere stories live. Discover now