Kabanata XI. I can feel you, Zai.

Start from the beginning
                                    

At kapag minamalas ka nga naman.. Papaakyat na ang kabilang sa apat na sikat sa school. Nang makita ako ni Enzo ay agad syang natigilan at bahagyang nanlaki ang dalawa nyang singkit na mata. Ha! Dapat lang magkaganyan sya pag nakikita ako dahil may atraso sya sa akin. Hindi ko pa rin nakakalimutang nagpanggap syang stranger at hindi nagpakilala agad.

Inhale Exhale.. Ang sabi ni Yue dapat daw maayos ang pakikitungo sa mga costumers kaya naman hinayaan ko silang makadaan habang si Zai ay abala pa rin sa ginagawa. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang salubong na kilay ni Ace ng makita si Zai na nagmamop. Samantalang si Zai ay di sya pinansin o tinapunan ng tingin manlang. Huminga pa ako ng malalim at sinabi sa isip na tiis lang Hope. Kaya mo yan. Aja!

"Nagtatrabaho pala kayo dito?" tanong ni Enzo ngunit di ko sya pinansin bagkus ay nagtungo na lang ako sa ginagawa ko kanina. Ang ayusin ang dumbbell.Ang bigat naman ng mga 'to. Buti nakaya ni Zai lahat ng gawain na 'to kahapon ng mag-isa. Ang hirap din pala magtrabaho sa gym. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Enzo sa akin. "Pahiram naman ako ng dalawang dumbbell." sabi nya at inilahad ang mga palad. Akala mo nanghihingi lang ng papel ah. Ayoko syang tignan ngunit napilitan na ako. Napangiwi naman ako sa reaksyon sa mukha nya ng lingunin ko sya. Nakangiti sya sa akin.. at.. at..

Ang gwapo nya!

Hindi ko namalayang napatulala ako sa kanya hanggang sa sabihin nyang.. "Can I get the dumbbells?" tanong nya sa isang mapang-akit na tono. Parang biglang naging sexy ang boses nya. Ano ba 'to! Gising Hope!

"A-ah e-eto." sabi ko at bubuhatin sana ang dalawang dumbbell ngunit tinangay ako nito pababa.

wooosh.. Ang bigat pala talaga neto! Anak ng patola at upo!

"Pfft." sya na parang natatawa pa.

sheeez! Hindi manlang ako tinulungan.

"Ako na." sambit nya at kinuha ang dumbbell sa mga kamay ko..

At parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ang pagdidikit ng aming mga kamay.

Nanlalaki ang mga mata kong nasambit na, what was that? sa isip ko. Nang kunin nya ang mga dumbbell sa akin ay parang wala lang sa kanya ang pagbubuhat nito. At hindi nakawala sa mga nanlalaki kong mata ang mga biceps nya! Naging firm ito ng buhatin nya ang dumbbell at bumakat sa fitted white sports t-shirt na suot nya. Napalunok ako ng malupet ng makita ko ang mga yun ngunit tumalikod na sya dala ang mga dumbbell.

Haaaaay. Biceps come to mama again.Kaso laos hindi na sya bumalik. Iniwan na ako dito.

Napabuntong hininga na lang ako at marahas na umiling. Hope get a grip! Nasambit ko sa isip at tumagilid. At doon ko nakita sa human size mirror ng gym ang itsura ko. At..

at..

mapula ang mukha ko hanggang leeg! Pag nakita ako ni Zai tutuksuhin na naman ako ng baliw. Agad agad akong pumunta sa cr na pinakamalapit at doon ako nagpalipas ng pamumula ng mukha. Letseng Enzo yon ang lakas ng dating!

Hindi kaya.. hindi kaya..

Nagkakagusto na ko sa kanya??

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip ngunit..

"Bakit ba ayaw mong linisin 'to?! LINISIN MO NA KASI!" isang malakas na boses ang narinig ko galing sa gym. At dali dali akong lumabas. Sa isang matinis na boses ng babae nagmula iyon.

Nang makalabas ako'y doon ko nakita ang babaeng bagong transfer din sa SVU kagaya namin. Si Monique!

At ano namang ginagawa nya dito? Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at ang sexy nya sa suot na pink pair na sports wear. Bakat ang hubog ng katawan nya at..

THE COLDEST (in major revision)Where stories live. Discover now