II. The Roommate

Começar do início
                                    

Sumandal ulit ako sa headboard at pumikit. "Tell me about Monte Carlo High School." Mukhang nawala na ang panic ng kasama ko at lumakad na muli siya pabalik sa ginagawa niya kanina.

"It's the best high school in the country, I must say. Hindi naman ako ipapasok dito ni Daddy kung cheap dito. And so far in my more than three years of stay here, I could testify na maganda talaga ang palakad sa school."


"Senior ka na?" Tanong ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. I need a diversion. Any kind of diversion.

"Yup! I just went out this weekend with my Daddy. Ngayon lang kasi siya ulit nakauwi after five years. He made a letter for the Admin at pinayagan nila akong makalabas to go out of town with my him." May yabang sa tono ng pananalita niya. Eh ano kung mayaman ka?

"Kung matagal ka na dito, bakit ngayon ka lang nag-aayos ng gamit? Kung weekend ka lang nawala hindi ba dapat nandito lang iyang mga gamit mo? Pagdating ko kasi kahapon walang gamit dito."

Itinigil niya ang kung anumang ginagawa niya at biglang tumahimik ang kwarto. Sinilip ko siya at nakita kong nakatitig lang siya sa kamay niya habang hawak ang isang blouse. Ano'ng masama sa tanong ko? Bigla siyang nag-angat ng mukha at tumingin sa akin. Sa isang saglit, natakot ako sa titig niyang 'yon. Pinikit-pikit ko pa ang mga mata ko at baka namalik-mata lang ako. Nang buksan kong muli ang mga mata ko, abala na siya ulit sa pag-aayos ng mga damit niya.


"I transferred rooms." Hinintay ko pa ang susunod niyang sasabihin, gaya ng madalas niyang pag-ku-kwento pero wala nang sumunod doon. Hindi ko na inusisa pa ang bagay na iyon. Malay ko ba kung mabaho iyong roommate niya kaya siya lumipat.

"Sa tingin ko, pinangangalagaan talaga nila ang mga estudyante nila dito. Isipin mo, may curfew sa loob ng campus." Naisipan kong sabihin para mabasag ang katahimikan sa pagitan namin.

"Ah, oo. If there's one thing the school is perfect at, 'yon ay ang pangangalaga sa mga estudyante nila. Guards are roaming around kapag curfew na at lagot ka kapag nahuli ka nila sa labas at those times."

"Ano'ng ginagawa nila kapag nakakahuli sila ng lumalabag sa curfew hours?"

"Detention for three days."

Woah. "Hindi ba sobra naman yata iyon?"

"I wouldn't dare if I were you. Labagin mo na lahat, huwag lang ang curfew."

"Are you always this law-abiding?" Mamamatay yata ako sa boredom kapag ganito ang roommate ko. 


"I was the Student Council President. I should abide the law." 

Iyon ang nakakuha ng atensyon ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naupo paharap sa kanya. "Was?"

"Yup! I was Student Council President for three straight years."

"What happened? Bakit ngayon, kung kailan Senior ka na, saka ka pa natanggal?" The diversion worked. Kalmado na ako at wala na iyong panginginig ng katawan ko at ang sakit ng ulo ko.

Sumama naman bigla ang mukha ni Rachel. Mukhang mali na naman 'yong naitanong ko. 

"Uhm. Gutom na ako. Tara, mag-dinner na tayo." Pag-aya ko sa kanya. Lumiwanag naman ang mukha niya at sabay na kaming bumaba papunta sa Cafeteria.

***


Habang papunta kami sa Cafeteria, ang daming bumabating estudyante kay Rachel. Siya nga talaga ang dating Student Council President. If the student body loved her so much, kahit na hindi na siya ang president, paano nangyari na natanggal siya sa posisyong hinawakan niya ng tatlong taon? 

Pumila na kami sa counter para kumuha ng pagkain at kahit ang mga tauhan ng Cafeteria ay bumati sa kanya. Umupo kami sa malapit na table at nagsimula nang kumain. 

"Rachel!" Pareho kaming napalingon sa direksyong pinagmulan ng boses. 

Kilala ko 'to, ah. Nawala ang abot-tengang ngiti niya nang mapansin niyang kasama ako ni Rachel sa mesa. Nakalapit na siya sa amin at ngumiti muli kay Rachel. 


"Nakabalik ka na pala. Tama nga ang balitang kumakalat." Hindi siya tumingin sa akin. "Dawn."

"Magkakilala kayo ni Baste?" Tanong sa akin ni Rachel nang hindi tinitignan ang bagong dating. 

Oo, kilala ko siya. Ka-tropa siya ni Peter Castillo, iyong bully sa klase namin.

Tumango lang ako at patuloy na kinain ang aking lasagna. 

"C-classmates kami, Rachel." Narinig ko ang panginginig ng boses niya. Kinailangan pa niyang alisin ang bara sa lalamunan niya para makapagsalita ng tuwid at malinaw. Baka naalala niya kung paano ko inupakan yung Castillo na 'yon kanina. 'Yon ang dapat sa mga pasikat na estudyante! Feeling mga hari ng klase, wala namang binatbat!

"Naku, Dawn, you should beware of this guy at pati iyong grupo nila. They're campus bullies at--"

"Hindi naman, Rachel." Kamot-ulong sabi niya sabay nguso. Hindi cute tignan. "Uhm. Mauna na muna ako, bumili lang kasi ako ng candy."

"Quit smoking, pwede? Ang babata niyo pa, sinusunog niyo na mga baga niyo. Tell that to Peter and the rest of your guys." Sumaludo ito sa kanya at tumakbo palabas ng Cafeteria.


"You seem close." 

"He was a suitor." Sinabi niya 'yon na parang normal na bagay lang. Oo nga naman. Kung kasing-ganda ka ng babaeng ito, tiyak lahat ng lalaki sa iba't ibang baitang magkaka-gusto sa 'yo. 

"So, nakabalik ka na pala talaga. How's your short vacation?" Napa-buntong-hininga na lang ako. Kailan ba mauubos ang kakausap kay Rachel? 

"It's none of your business. If I know, mas gusto mong huwag na akong bumalik. Well sorry to disappoint you, that'll never happen." 

Tinignan ko ang babaeng kumakausap kay Rachel. Kilala ko 'to, eh. Ah, tama! Siya 'yong kasama ng Principal kahapon sa orientation ko. Iyong Student Council President.

"Huwag kang masyadong mayabang. Gusto mo magpasikat dito sa transferee? Bakit hindi mo i-kwento sa kanya kung ano'ng nangyari last year? Isama mo na rin iyong nangyari just last month."


Napatingin ako kay Rachel. Sumama na naman ang mukha niya at sobrang higpit ng hawak niya sa kutsara't tinidor niya. Tumayo siya at hinarap ang SC President.

"Wala akong ginawang masama, Jade. Everybody knows that."

"Everybody's just believing the story that you made, Rachel, because you're their precious SC President. Pero between you and me, alam natin pareho kung ano talaga ang nangyari." Hinawakan ni Jade ang kwelyo ng blouse ni Rachel at inayos ang brooch na nakakabit dito. Tinapik ni Rachel ang kamay ni Jade at sinamaan niya ito ng tingin. 

"I'm not scared of you."

"Of course! I know what you're scared at, my dear." Lumapit ito kay Rachel at bumulong sa tenga niya. "The truth."



---edited 03.28.15 

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighOnde as histórias ganham vida. Descobre agora