Chapter 32: Bakulaw

Start from the beginning
                                    

"Binibingi mo kasi kami!"

"Mabingi ka nga sana! Bwisit! "

Tinalikuran ko siya at naglakad na papuntang van. Kaya lang kung hindi ba naman ako tanga at kalahati, hindi ko napansin 'yung bag ni Josh na nabitawan pala niya nang nagpumuglas ako kaya ayun, plangak. Nadapa ako.

"Ano ba 'yan, Sab?! Tatanga tanga ka na naman dyan. Laki laki ng bag hindi mo ba nakikita?"

"Ikaw ang tanga dyan! Nagtatanong ka pa kung nakita ko ba. Kung nakita ko 'yan tingin mo ba nakasalampak ako ngayon dito?! Letse naman!" Nagtatanong pa kasi halata naman. Hindi naman masamang pairalin ang common sense paminsan minsan.

"Tsk." Pinulot lang nya 'yung bag niya at naglakad na papuntang sasakyan.

Wow naman ha. Nakakahiya naman sa kabaitan niya. Iniwan talaga akong nakasalampak dito. Grabe! Pinaglihi ata sa kasakiman 'yung lalaking 'yun.

Dahil wala namang tutulong sa akin dito, ako na lang ang tutulong sa sarili ko. Sinubukan kong tumayo at syempre, nagawa ko naman. Nakakainis lang kasi nagkasugat ako sa tuhod.

Naglakad na ako papuntang sasakyan kahit masakit pa rin ang tuhod ko dala ng sugat.

Nagulat na lang ako nang makita si Josh sa harap ko. "Oh? Ano? Masaya ka nang nakikita akong – "

Naputol ang sinasabi nang biglang yumuko si Josh. "Kasi naman hindi tinitingnan ang dinadaanan. Hindi ko alam kung lapitin ka ba ng kamalasan o sadyang clumsy ka lang. Nakakadalawa ka na ngayong week." Nilagyan niya ako ng band-aid. Nang matapos ay tumayo na siya at tumango. "Ayan. Pasalamat ka may dala akong band-aid ngayon."

Si Josh ba talaga 'tong kaharap ko? Anong nakain nito ngayon? Bakit parang ang bait?

"Karma siguro 'yan." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong karma?

"Ha? Karma?

"Oo. Kasi napakasama mo sa akin at kasi napakaingay mo kanina. Buti nga." Anak ng... Wala! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Walanghiya pa rin talaga siya.

Karma pala ha? Dahil sa badtrip ako sa kanya ay sinikmuraan ko siya. Halos mapaupo tuloy sya at nakahawak pa sa tiyan nya. Akala niya ha. Tiningnan ko lang siya at nagbelat. "Pagkatapos kitang bigyan ng band-aid, ito pa ang igaganti mo sa akin?"

"Bayaran ko pa band-aid mo, e. Bilhan pa kitang isang box d'yan matahimik at huwag mo lang isumbat sa akin 'yan. Bwisit! Dyan ka na nga!"



***

Sa wakas. Nakarating na kami ng convention. 3:30 pa lang. Masyado nga akong excited. But better early than late.

"Ayan kasi. Masyadong nagmamadali. Maghihintay tuloy tayo," bulong sa akin ng bakulaw nang makapasok kami ng convention. Siniko ko nga. "Aray."

"Guys, doon na lang tayo sa harap para makita natin sila," suggest ni Zoe at syempre pumayag naman kami.

Magkatabi sa pinakadulo si Ice tapos si Zoe tapos ako tapos ang bakulaw. Nasa kabilang dulo naman si Xander at Yannie na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapansinan. Ano kayang pinag-awayan nilang dalawa? Machismis nga si Yannie mamaya.

Nagstart na ang quiz bee at wala akong masabi. Nga nga na lang kami. Ang talino talaga nilang dalawa. Wala pa silang mali. Lahat nang tinatanong alam nila.' Yung mga kalaban nila ang dami ng mali pero sila bongga. Perfect!

Kaya sa dulo, panalo sila Ayu! Sa sobrang tuwa namin ay napatayo na kami at nagtatatalon. Very proud friends here! Hindi pa ako nakuntento kakatalon kaya niyakap ko si Zoe. Ganu'n kasi talaga ako kapag sobrang saya, nangyayakap ng katabi. Lumingon naman ako sa isa ko pang katabi at yumakap din. Si Josh naman 'tong katabi ko, e.

Teka...

Si Josh?! Ay, jusko! Kaagad akong bumitaw sa kanya at nang tingnan ko siya ay mukha siyang nagulat sa ginawa ko. Kung siya nga nagulat kamusta naman ang naramdaman ko?! Mas nagulat ako sa ginawa ko!

Nang makarecover ay nginisian ako niya ako, "Tsansing ka ha."

"Feelingero kang, bakulaw ka. Nagkataon lang na ikaw ang katabi ko!" irap ko sa kanya.

Pinagtawanan lang niya ako sa naging sagot ko. Psh. Tawa tawa pa.

Para maiayos ang mood ko ay tumalon na lang ulit ako at sumigaw. "Congrats, Ayu at Ken. The best talaga kayo!"

Lumingon naman silang dalawa sa akin at kumaway kaya kumaway din ako. "Congrats ulit! Woo! Ang saya! Panalo sila Ayu! Yannie, panalo sila! Dali! Samahan mo ako sa restroom!"

Nnapalingon naman sa akin si Yannie at sinamaan ako ng tingin.

"Kailangan isigaw? Tsk. Tara na," sabi lang niya pero iniwan naman ako at nauna nang lumabas.

Tumakbo naman ako para abutan siya. Sinisigaw ko na rin na huwag siyang magmadali pero hindi niya ako pinapansin.

Pagdating namin sa C.R. ay dumiretsyo ako sa isang cubicle. Paglabas ko sa cubicle na 'yun ay inabutan ko na nakaharap sa salamin si Yannie. Nagbuntong hininga siya at naghilamos na lang bigla.

Nilapitan ko siya at kinalabit, "Ayos ka lang ba? Anong problema?"

"Problema? 'Yung Xander na 'yun. Jusko! Jusko! Sarap ihagis sa pader," sabi ni Yannie at naglakad na naman palabas ng C.R. Iniwan na naman ako! Kaya sunod na naman ang drama ko. Ano ba yan?!

Paglabas ko ng C.R., hahabulin ko na sana si Yannie kaya lang bigla na lang siyang huminto. "Ano ka ba, Yannie. Pinapagod mo ba ko? Kanina pa kita hinahabol."

Deadma na naman ang beauty ko! Hay.

"Hoy, Yannie. Ano ba kasi 'yang kinaiinit ng ulo mo?"

Tiningnan ko siya at parang may tinitingnan lang din siya kaya tumingin ako sa direksyon ng tinitingnan niya.

Oh, si Xander lang pala. As if naman ngayon lang niya nakitang may kasamang babae si Xander kung makatingin 'tong si Yannie. Hindi naman – teka. Si Xander?

Inaninaw kong mabuti kung si Xander nga 'yun. Confirmed!

Si Xander nga! Ayun nga lang, may kasamang ibang babae.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Where stories live. Discover now