Cincuenta Y Tres

Magsimula sa umpisa
                                    

Naging isang tanong, isang sagot si Theo kanina sa amin ni Yenny pagtapos. Alam kong nawala ito bigla sa mood. Hindi ko lang alam kung nahalata iyon ng kaibigan ko o hindi.

"You didn't tell me.. May balak ka pala umalis ng bansa?" Theo suddenly stopped walking and sarcastically blurted out of nowhere.

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. He's eyeing at me with so much disbelief on his face. Kitang kita ko iyon dahil nasa ilalim kami ng isang street light. Nakaramdam ako ng guilt dahil ni banggit sa kanya ay hindi ko nagawa.

Nagulat ako ng tumawa ito ng nakakaloko.

"Sabagay.. Sino ba naman ako, 'diba? I'm not even your boyfriend kaya hindi mo naman kailangan ipaalam sa akin ang lahat lahat." He bitterly uttered while shaking his head.

Nakatangang nakatingin lang ako sa kanya at napaawang ang mga labi. I looked away when our gaze met. Hindi ko kayang tignan siya sa mga mata dahil naiinis ako sa sarili ko for not telling him immediately.

"H-Hindi.. Hindi ko na sinabi dahil hindi naman ako tutuloy.. B-Believe me.." I stammered.

He frustratingly ran his fingers through his unruly hair. "Kahit na, Aura. Kahit na." The coldness in his tone made me shiver. I tried to reach for his arm pero marahas niya itong tinabig.

I know, kasalanan ko. It's my fault. I should've told him. Naramdaman ko ang pag init ng gilid ng mga mata ko. Hindi ako sanay na ganito si Theo sa akin. For the first time, he got mad at me and I freaking hate myself for it.

Siya lang ang hindi ko napagsabihan patungkol doon. Si Nanay ay nasabihan ko na nung isang linggo. Sinabi lang nito na malaki na ako para magdesisyon para sa aking sarili. She will just support me whatever decision I'm going to choose.

Lumipas ang ilang mga minuto. Walang nagsalita sa aming dalawa. Nagpakain lang kami sa katahimikan ng palagid. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya ako sa sarili.

"Am I not that important to you?" Punong puno ng hinanakit nitong. His bloodshot eyes stared at me with unshed tears. He's clenching his fist so hard.

Sumakit ang puso ko ng marinig ang sinabi niya. Importante siya! Importante siya sa buhay ko! Paano niya nasasabi ang mga ito!?

"Mahalaga ka, Theo! Mahalaga ka sa buhay ko!! Wag mong sabihin 'yan.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinawid ko na ang distansya naming dalawa at mahigpit siyang niyakap. Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko.

Ramdam na ramdam ko ang paninigas ng katawan niya sa kinatatayuan. He didn't even hug me back but I understand him.

"Mahal mo ba ako, Aura? Kahit na konti lang??" He painfully whispered but enough for me to hear it loud and clear.

Napahagulgol ako lalo sa tanong niyang 'yon. Wala na akong pakielam kung may makakita sa amin o mag mukha na akong tanga. Ako at si Theo lang ang importante ngayon. Sa ilalim ng buwan at ng mga tala.

Isang lang ang napagtanto ko sa pangyayaring ito...

Mahal ko na talaga si Theo. Mahal ko na siya. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula. Basta alam ko at sigurado na ako sa puso ko na mahal ko na siya. Kaya na din siguro ayokong umalis. I don't want to leave him. Ayokong iwan ang taong mahal ko.

Siguradong sigurado na ako. Theo owns me now. He owns my whole heart already. Naguguluhan lang ako nitong mga nakaraan dahil natatakot akong aminin na talaga sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon