"Mangyayari din yun Angela." Confident nyang sinabi.

"Wala ka pala eh, si Eunice nayakap niya na ang leader nila na si Paolo." Nanlaki ang aking mga mata? Bakit nya sinabi iyon? Alam kong hindi sila maniniwala.

Tumahimik ng saglit ang paligid pagkatapos humagalpak ng tawa ang nakakarami.

"Mukhang nanaginip pa kayo.. Nanaginip ng gising! Sa tingin mo ba? Magagawang yakapin ni Paolo yang kaibigan mo? Ilusyonada." Sinasabi ko na nga ba. Walang maniniwala.

Pagkatapos ng eksenang iyon dinanggil ako ni Jane at patuloy parin sa pagtawa. Tawang kaka-asaran mo talaga.

Dumating na ang Physics teacher namin. Nag-discuss  siya about Interference, Polarization at kung ano-ano pa. I tried na makinig subalit walang pumapasok sa utak ko sa kadahilanang naeexcite ako para mamaya.

Angela poked me.

"Si Ma'am tawag ka." Bumalik ako sa ulirat at nagmamadali kong binalik ang atensyon ko sa guro namin.

"Ms. Mendez, Can you explain to us what is Interference?" She said.

Namutla ako pagkatanong sakin ni Miss Gulla.



"Ms Mendez Are you with us?" Aniya.

"Sorry Ma'am I dont know the answer." I honestly said that kasi nga hindi ko naman talaga alam.

"Ms Mendez pagbibigyan kita ngayon, pero sa susunod na magiging ganyan ka ulit, hindi ako mag aatubiling , isumbong ka sa Principal. Scholar ka pa naman." Babala nya. Napasinghap ako at tinuon muli ang atensyon. Tama si Ma'am.

"Sorry Ma'am." I muttered.

---

Natapos narin sa wakas ang klase kaya nanumbalik na ulit ang pagka-excite ko.



Nagkayayaan na kami ni Anj. At sabay na kaming nagtungo sa stadium kung saan mag co-concert ang Dynamic4.





Nabuhayan ang dugo ko nang makarating na kami. This is it. I promised that I will enjoy the moment.



Ano-ano kaya mga sasayawin at kakantahin nila? Tanong ko sa isip ko.









"Grabe ang crowd." Manghang wika ni Anj. Tinignan ko ang paligid. Napakarami nga. At lahat ng mga fans bakas sakanila ang labis na tuwa at excitement.

Pumila na kami para makapasok na kami sa loob.  Sa sobrang daming tao, hindi maiwasan ang pagsisiksikan, at meron ding mga nagtatangkang mandaya at makipag unahan sa pila. syempre di namin sula panapayagan kaya nagkakabanggaan minsan.

"Ouch.." sabi nang  isang nasa likod ko, napasandal kasi ako sakanya dahil may nakikipag unahan na naman, Grabe naman kung maka OUCH akala mo nasaktan talaga ng bongga.

"Oy dalawang panget! yung mga panget dapat nasa likod." What the hell? Even here may bullyhang paring nagaganap? Grow up bitches sabi ko sa isipan ko.

"Pigilan moko bestfriend pepektusan ko sa fallopian tube tong babaeng to," pabulong na sabi ni Angela pero bakas parin ang pagka-irita.

"Teja kakausapin ko.."

"Huh? Bakit naman? Hinarapan ko sila.

"Eh kasi nakakadiri kayo. Kaya dapat sa likod nalang kayo." I wanna punch this mean girl. Grabe sya man-discriminate.

"Teka lang ha? bakit niyo naman kami pinapaalis? pwede fair naman kayo. pare parehas naman tayong nagbayad ah?" Sabi ni Angela.

"Wala kaming pakialam kung nagbayad man kayo." Bully talaga.

Love Me BackWhere stories live. Discover now