Chapter 2

7.6K 88 5
                                    

Chapter 2













Eunice's PoV

< school >

"Eunice kanina pa po kita kinakausap. What's the matter? Bakit parang puyat na puyat ka yata?" Sabi ni Anj habang kumakaway-kaway sa tapat ng mukha ko.

"Ahh.. sorry may iniisip lang ako." Lutang kong sabi. Patuloy ko parin kasing naiisip iyong nangyari kagabi.

"Wag mong kalimutan.  Mamaya ha? Diba wala ka ng problema may ticket ka na. Wag mung sabihing nawala mo? Naku. Patay talaga kung nagkataon!" Bagabag na wika nya. Maybe she thought ganun yong nangyari dahil sa panananimik ko.

"Hindi ko nawala don't worry. May iku-kwento ko sayo. May nangyari kasi kagabi." I decided na ikwento na sakanya.

"Anong nangyari?" Nagpalumbaba sya sa at halatang kyuryoso.

Kinwento ko sa lahat ng nangyari kagabi lahat ng ginawa ko pati yung pagyakap ko kay Paolo. Hindi niya naman mapigilang mapagili. Tumilu siya ng pagkalakas-lakas. Para syang inasinan na bulate. Naitapon niya pa lahat ng nakapatong sa desk niya.





"Talaga Nangyari yon?! Buti pa ikaw!  Ako kailan ko kaya magagawa yun. Kahit labag sakanya atleast nayakap mo parin siya, kung ako din siguro ganun din ang gagawin ko," Wika nya.

"Ssshh.." I warned her. Masyado na kasi syang maingay.

Pinagtitigan na kasi kami ng mga kaklase namin dahil dito kay Angela.

"Huwag  masyadong malakas Anj. tignan mo mga mata ng mga kaklase natin? Ang sama na ng tingin nila." Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng kaklase naming nakatingin sa amin.

"Anu kaba, hayaan mo sila," kibit balikat nya.

"Hoy kayong dalawang panget? Pwede 'wag kayong maingay nakakairita na kayo kanina pa kayo!" At ayun na nga, nairita na ang pinaka-attitude naming kaklse.

"Ano naman sayo?" Matapang na sagot ni Angela. Inawat ko kaagad tong kaibigan ko alam ko kasing may pag ka war-freak to.

"Pabayaan mo nalang," bulong ko.

"Anong pabayaan nalang Eunice? Kita munang nilalait lait na tayo tapos papabayaan lang? Mukahang hindi talaga nagustuhan ni Angela ang pagtawag nya sa aming pangit.

"So well... Pinag-uusapan nyo na naman ang D4 tama ba 'ko? Pwede ba tigilan niyo na ang pagkakandarapa niyo sakanila. Asa naman kayo na mapapansin kayo ng mga yun? Eh ang papangit ninyo?"

Nanlumo  ako doon sa sinabi Jane. Kailangan ba talagang ipagduldulan? Inspite of that I remained calm. Pero itong si Anj umuusok na sa galit.

"Ang kapal mo naman?" Singhal nya.

Pasugod na sana si Angela dito kay Jane na akmang sasampalin na niya ito,pero agad ko itong pinigilan.

"Oh ano?" Hamon nya.

"Ang sama talaga ng ugali mo. Akala mo ba ikaw papansinin nila?" Ani Angela.

"Yes.Mas bagay sila sa'kin." Mahangin nyang sinabi. What? Iba rin talaga ang confidence nya e fangirl din naman sya?

Nagsisigawan na ang mga kaklase namin dahil sa eksenang nagaganap.

Humalakhak si Anj "Ikaw nakita mo na ba sila face to face? At nayakap mo na ba sila? Kung makapagsalita ka,eh hanggang pangarap ka lang din naman."

Love Me BackWhere stories live. Discover now