Abaddon School 2.12

Începe de la început
                                    

Nang makita naming hindi na sila nagbibiro at mukhang gutom at pagod na silang tatlo.

"Pumunta na kayo sa pinto, bubuksan na ni Adessa 'yon!" Pagkasabi ni Fayce tumakbo na sila sa pinto ng parola.

Pumasok na kami sa loob at sinabi ni Fayce kay Adessa na nandyan na ang tatlong kupal kaya pinabuksan nya ang mga ito ng pinto.

Bumalik na ulit silang tatlo sa pagkukumpuni kung paano tatanggalin ang collar na 'to.

Umupo ako sa mahabang bakal na inuupuan ni Ms. Niña.

"Tngina! Buti na lang nahanap nyo sila agad! Buti na lang din 'di pa kami nakakalayo ng mabuti. Nang makita namin ang fireworks at narinig ang tatlong putok. Nagsipagtakbuhan na agad kami. Buti na lang talaga." Sabi ni Rey nang makaupo ito sa tabi ko.

Bakas sa mukha nilang tatlo na tumakbo sila. Puro pawis sila sa mga mukha nila.

"Kain na muna tayo, Guys. Tapos na kami magluto. Kaya ka--" Hindi naituloy ni Debra ang sasabihin ng mapadako ang tingin niya sa tatlo.

"Nandito na kayong tatlo! Buti na lang 'di pa kayo nakakalayo? Tamang-tama ang dating nyo kakain na!" Masayang sabi ni Debra.

Tinigil muna nina Adessa, Jupiter at Ivan ang pagkukumpuni kung paano matatanggal ang mga collar namin.

Pumunta kaming lahat sa isang kwarto at doon nagsalo-salo para sa niluto nina Debra at Maddie.

Infairness, masarap din pala magluto itong sa Maddie.

"Sino nagluto nitong ginisang sayote?" Tanong ni tukmol habang may laman pa ang bibig.

"Kadiri ka Gino, lunukin mo nga 'yang kinakain mo bago ka magsalita! Pusanggalang 'to!" Saad ni Fayce.

"Pasensya na," Taas kamay agad ni Gino.

Kaya napuno ng halakhakan ang buong lamesa. Tss. Mga ulupong talaga.

"Tapos na ako kumain."

Napatingin kami kay Ivan at umalis na ito agad. Kahit kailan talaga ang isang 'to! Akala mo laging may mens eh.

Pagkatapos namin kumain, kami na ni Gino ang naghugas, nakakahiya naman kina Debra at Maddie kung sila pa rin ang maghuhugas. Pero, 'yong dalawang kupal na sina Spencer at Rey tinakasan kami. Sabi nila sila ang magliligpit ng pinagkainan namin pero nawala bigla.

"Mandaraya talaga 'yong dalawa. Hindi sila nagligpit!" Bubulong-bulong na sabi ni Gino habang sinasabon ang mga ginamit namin sa pinagkainan namin.

"Wag ka na magreklamo. Sila naman mamaya maghuhugas." Saad ko rito.

Pagkatapos namin maghugas, naabutan namin sina Rey at Spencer na nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa bakal.

"Hindi kayo nagligpit ng pinagkainan. Kayo mamaya maghuhugas!" Sabi agad ni Gino pagkalapit niya sa dalawa.

Tumango ang mga ito sa kanya. Pakiramdam ko kami na naman maghuhugas mamaya. Tss.

"Malapit na ba matapos 'yan?" Rinig kong tanong ni Fayce sa dalawa.

"Konti na lang, mahahack na namin ang system nila." Sagot ni Ivan habang nakatingin sa laptop ni Adessa.

Natutulog si Adessa ngayon kasama niya sina Maddie, Debra at Ms. Niña. Kaya si Ivan ngayon ang gumagamit sa laptop ngayon.

"Sana nga lang 'di pa nila kami napapansin." Dagdag ni Jupiter.

"Hindi ba nila tayo naririnig?"

Shete, anong tanong 'yon, Gino? Hindi naman voice recorder 'to! Siraulo talaga 'to!

"Pusanggala ka, Gino! GPS 'tong collar natin at hindi voice recorder para marinig pinag-uusapan natin." Napahalakhak kami sa sinabi ni Fayce. Grabe rin 'tong mag-bars. Burn na burn si Gino.

"Pasensya na! Kasi sa mga pinapanood ko ganoon,e."

"Okay lang 'yan, Bro. Akala ko rin gan'on din 'yon. Akala ko naririnig din nila tayo."

Isa rin 'tong si Rey. Magsama-sama sila. Buti pa ako, tahimik lang para hindi ma-burn. Baka kasi ma-Finish ako.

"Kung GPS 'to, so, alam nila na nagkukumpulan tayo sa lugar na ito? Alam ni--"

Hindi natapos ni Gino sasabihin niya ng may biglang nagsalita sa buong isla. Boses na kaytagal naming hindi narinig. Boses na gusto na namin ibaon at limutin. Pero, heto maririnig ulit namin.

"MALIGAYANG ARAW SA INYO MGA MINAMAHAL KONG MANLALARO! SA PAGTAPAK N'YO SA ISLANG ITO, KAYO AY BINUBUO SA 22 NA KATAO, SA NGAYON 16 NA LANG KAYO. 6 NA ANG NAMATAY SA INYO. SINO ANG SUSUNOD NA MAGIGING MALAMIG NA BANGKAY? SINO ANG MATITIRA SA INYONG 16? MAY APAT NA ARAW PA KAYO PARA PATAYIN ANG ISA'T ISA. ITO ANG MGA PANGALAN NG MGA NASAWI; LOREN JIM, JONVIC GOZMA, ANTON ANTONIO, LIAM PAYZON, ATHENA LIMUEM AT ARWEN LIM."

Hinintay pa namin kung may kadugtong pang sasabihin ang mastermind pero wala na.

"Tngina! Ayan na naman 'yung boses niya! Gumagamit pa rin siya ng voice changer!" Galit na sabi ni Rey.

Malaki at parang galing sa hukay ang boses ng nagsasalita. Kaya hindi namin matukot kung sino ang nasa likod nun.

"P-patay na 'yung Athena. 'Yong babaeng siga sa classroom natin. Ibigsabihin naabutan sila nina Anton at Liam? Pero bakit hindi nabanggit si Macky?"

Oo nga. Ibigsabihin buhay pa si Macky o baka naman siya ang pumatay kay Athena?

Napatingin kami kay Spencer, "Baka si Macky ang pumatay kay Athena? Hula ko lang. Dahil 'di nabanggit si Macky sa listahan ng mga namatay. Kung naabutan man sila nila Anton dapat maski si Macky ay patay na rin. Sina Anton at Liam alam n'yong papatay talaga sila katulad na lamang ng nangyari sa atin."

Parehas kami ng hinala ni Spencer. May point sya roon. Kaming pito nga lang, tinadtad nila kami ng bala 'yong sina Macky at Athena pa kaya, dalawa lang 'yon.

"Tsk. Basta kung ano man mangyayari walang titiwalag. Uuwi tayong lahat ng ligtas. Uuwi tayo sa mga magulang natin." May diing sabi ni Fayce habang nakakulom ang mga kamay niya.

"Poprotektahan natin ang isa't isa." Segunda ni Rey.

"Walang mag-iiwanan. Para sa mga pinatay ng mastermind, lalaban tayo!"

Napatingin ako kay Spencer na madilim na mukha ngayon.

"Lalaban tayo!

- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

A/N:

Nag-update ako para sa inyo! Nagchampion kasi Ginebra kahapon!🎊🎉  Ginebra! Ginebra!

Abaddon School (Part 1&2) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum