6. Ang Kalokohan ni Best Friend...... AGAIN!

271 7 5
                                    

A/N : Sorry kung may maling spelling or grammar minsan. Minsan kasi, limitado lang yung oras ko kaya no time to correct it. Pero, kung may mali man, you can comment. Tapos try ko nalang nun i-edit yung mali. Salamat. =)) 

- - - - -

6. Ang Kalokohan ni Best Friend...... AGAIN!

SHAN’S POV

*Tok tok tok*

Aww! Sino ba yun? Pasok po. Hindi ko pa minumulat mata ko, antok na antok pa ako e. Super! -_-

"Anak, gising na!" Si Yaya Luding din pala.

Binuka ko na mata ko at umupo sa kama ko.

"Ha? Anong oras na po ba? E hindi pa naman po tumutunog yung alarm clock ko." Habang kinukusot ko mata ko.

"Aalis kasi ako, uuwi ako ng probinsya. Sila Mama at Papa mo, umalis na pumunta ng Cavite. Yung dalawa mong Ate, hindi daw makakauwi." Yaya.

"Ha? E si Bunso po?"

“Anak, nasa 3 days camping siya e.” Yaya.

O_____O Nanlaki mata ko sa mga narinig ko.

"Hoooo? E sino pong kasama ko dito sa bahay?"

"Ikaw lang, Anak kaya siguraduhin mo laging naka-lock ng mabuti yung mga pinto tapos magsarado ka na din ng mga bintana. Eto yung susi ng bahay. Sige, alis na ako Anak. May pagkain na pala ha? Pero, ikaw nalang bahala ng kakain mo sa susunod na araw. Bye Shan. Ingat." Yaya.

"Ah sige po. Ingat po."

Waaaaaaa! Ako lang mag-isa sa bahay! T.T Samahan mo ako? :))) As if naman! :((

Bumaba na ako. Ughh! Aga nilang wala. 5:10 AM palang e. >.< Kumain na ako, naligo, at nagprepare para pumasok. Pero, masyado pang maaga kaya humiga lang ako sa kama ko, kinuha ko phone ko. Nagbasa ako ng messages, puro si France. HAHA. Parang may kulang. Parang may hindi nagpakita sa akin kahapon at hindi nagtext. Si si si MARCO!!! </3

Nakalimutan niya na ba ako? Katulad din ba siya ni Ryan?! Ganyan na ba talaga? What's wrong with me? :((

Hey Shan! Okay ka lang? Ikaw nga din, hindi mo man lang naalala si Marco e. :P

Kahit na. Nanliligaw siya sa aken. Tsaka lalaki siya, kailangan siya yung una yung magtext. :((

Pasok na nga ako ng school kahit 6:30 palang, nakakabaog sa bahay e. Walang magawa.

Naglakad ako papunta kina Mang Ben para magpahatid, malapit lang naman bahay nila sa amin e.

“Tao po! Tao po.”

“Ay, Shan ikaw pala.” Asawa ni Mang Ben, si Aling Rose.

“Hehe. Opo. Papahatid na po sana ako e.”

“Ah kaya pala, napaaga ka ata Shan ngayon?” Aling Rose.

“Ah e kasi po, nakakainip po sa bahay. Wala po kasi akong kasama.”

“Ah sige, tawagin ko lang si Ben.” Alling Rose.

“Sige po, salamat po.”

“Ay Shan Anak, hindi ka maihahatid ni Ben ngayon kasi, nirarayuma na naman siya. Pasensya na.” Aling Rose.

"Ay, ayos lang po. Hehe. Magcocommute nalang po ako." Waaaaaaaaaaaaa! Paano na 'to? Paano na ako? Hindi ako marunong magcommute! Heeeeeeeeelp! T.T

Ano? Turn off ka no? Magcommute lang hindi pa ako marunong. E kasi naman, may sasakyan at driver kami kaya hindi ako nagcocommute. Pasensya na ha? Pumunta na ako sa bahay namin. Nakatayo lang ako ngayon sa may gate. Wehehehe! Tetext ko nalang si Mariel, papasundo ako. Hahahahaha. ^______________^

COUSIN-TAHAN OR COUSINS FOREVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon