4. Sana'y Ako Nalang.

316 6 3
                                    

 Eto na! Pasensya na kung ngayon lang. :)

 - - - - -

4. Sana'y Ako Nalang.

SHAN'S POV

"Shan, kita tayo bukas ng 7 sa school garden tomorrow. Please? Thanks. Good Night."

Uggh! 7 talaga? Aga! >.< E pumupunta palang ako ng school nun e. Ano ba kasing kailangan nya? Pssh.

Dahil sa 7 na 'yan, 5:30 ako nagising. Ang aga diba? 1 hour lang akong nag-aayos. 6:30 palang, aalis na ako ng bahay para mga bandang 6:45 nasa school na ako. Ayoko kasi ng hinihintay ako, nahihiya kasi ako. Tinuro din kasi ni Mama yun sa akin, "Mas maganda ng ikaw ang naghihintay kaysa ikaw yung hinihintay."

Inaya ko na si Mang Ben na ihatid nya na ako school ko, pagkarating sa school.

Lakad lang papunta ng school garde. Lakad. Lakad. Lakad.

Pumasok ako sa garden, umupo muna ako sa bench. Nagulat ako ng...

May nag-abot ng bouquet ng flowers sa akin galing sa likod ko sabay sabi ng, "Shan, para sa'yo."

"Ma-Marco?" Hindi ako makapagsalita ng maayos kasi gulat na gulat talaga ako. Umupo nalang si Marco sa tabi ko.

"Sorry ha?" Marco.

"Ahh? Para saan?"

 "Napaaga ka ng gising at pasok nang dahil sa akin." Marco.

"Ahh, ayos lang yun Marco."

"Salamat. Kung mamaya pa kita kakausapin, maraming makakakita sa atin baka mahiya kapa." Marco.

"Ah? Sabagay. Pero, anong sasabihin mo? Ayy, salamat pala dito sa flowers."

"Wala yun. Kasi, nagbreak na kami nung girlfriend ko." Marco.

"Ah bakit naman? Napano kayo?"

"Nakipagbreak ako, nakipagbreak siya. Nagdesisyon kami na maging magkaibigan nalang kami kasi wala na kaming sweetness na nararamdaman para sa isa't-isa." Marco.

"Ahh kaya pala."

"Shan, may gusto talaga akong sabihin sa'yo e." Marco.

Hala! Bumilis na ang tibok nang puso ko. Bakit kaya?

"Ano yun, Marco?"

"Pwede ba kitang ligawan? Kung pwede lang. Nung una palang kitang nakita, nagustuhan kita agad e. Na-love at first sight ata ako sa'yo." Marco.

Awww. Ako, na-crush at first sight ako sa'yo. Hahaha. :">

"Sige, papayagan kita pero hindi ako sure kung masasagot kita ha?"

"Sige." Sabay ngiti niya.

Tas nagkuwentuhan na muna kami.

"Tara na, punta na tayo ng gymnasium."

"Tara." Marco.

Nag-aya na ako kasi 7:15 na, 15 minutes nalang mag-uumpisa na yung practice.

Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si France. Nagkatinginan kami pero agad kong tinanggal yung tingin ko sa kanya.

END OF SHAN'S POV

FRANCE'S POV

Nakasalubong ko si Shan may kasamang lalaki. Oo, alam ko pangalan niya kasi tinanong ko sa classmate namin kahapon. Nung una ko palang siyang nakita, natamaan na ako sa kanya. Ang lakas ng appeal niya, hindi ko alam kung bakit. Nung nakita ko siyang may kasamang lalaki, may hawak hawak pa siyang flowers. Gusto kong lumapit kay Shan at gusto kong tanungin na, "Shan, ano mo siya?" Nasaktan talaga ako nung nakita ko silang masaya na naglalakad habang nag-uusap, parang may kumurot sa puso ko. Masakit. </3

COUSIN-TAHAN OR COUSINS FOREVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon