2. My Super Duper Crazy Best Friend.

398 7 7
                                    

2. My Super Duper Crazy Best Friend.

SHAN’S POV

TWO WEEKS BEFORE INTRAMURALS!

Practice na naman. Lagi nalang masakit katawan ko. Oops! No complain! Yan ang rule sa room namin. Hahaha. :D Tsaka, sinalihan ko ‘to e kaya dapat kong harapin ang body pain.

“Juniors, upo muna pala kayo sa mga bleachers. Props men,  tayo muna ang mag-usap-usap.” Sigaw ng D.I./Dance Instructor namin.

“Okay Sir.” Sagot naman naming mga Juniors.

“Bhest, tara. Upo muna tayo.”

“Sige Bhest.” Mariel.

Umupo naman kami ni Mariel.

Tumitingin ako sa mga Props Men, tinitignan ko lang kung may kilala ba ako. Friendly ako pero konti lang ang mga kilala ko sa mga 3rd year students. Kung hindi pa ata ako sumali ng Cheer Dance, hindi madadagdagan ang mga kilala ko sa mga 3rd year. Hehe.

May nakita akong isang lalaki, isa sa mga Props Men. Parang nag-iba pakiramdam ko, parang  gusto ko siyang makilala. Ano ‘tong nararamdaman ko? =_=

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya, nagbasa nalang ako. Pero, ba’t? Bakit gan’to pa rin nararamdaman ko. Kakaiba! -_____-

Yung feeling ba na…

Gusto ko siyang nakikita! =_=

Ano ‘to? Love at first sight! O.O

Totoo pala ‘yon?!

Hindi ko pa siya kilala, ayaw ko ng gan’to. Naguguluhan ako! >_____<

“Bhest.” Mariel

“Bakit Bhest?”

“Biscuit o!” Mariel, sabay offer niya ng biscuit sa akin.

“Ayoko, sige lang Bhest. Thank you nalang.”

“Sige.”

Iniintindi ko pa rin kung ano ba talaga tong nararamdaman ko. Ang gulo kasi e.

“Bhest?” Mariel.

“Ow?”

“May problem aka?” Mariel

“Wala. Bakit?”

“E kasi ang tahimik mo, hindi ako sanay.” Mariel

“Ahh, may iniisip lang ako.”

“Ano naman yun?” Mariel.

“E kasi-----.” Sasabihin ko na sana kay Mariel kaso bigla na kaming tinwag ng D.I. namin.

“Bhest, maya mo sabihin” Mariel, habang tumatakbo kami.

“Okay.”

LUMIPAS ANG 1 AND HALF HOUR.

“Okay, 30 minutes break” D.I.

“Okay Sir.” Juniors.

“Bhest, samahan mo akong bumili sa canteen. Bibili lang.” Mariel.

“Sige, sure.”

Nung palabas na kami ng canteen, nasalubong namin yung lalaki na sinasabi ko na na-Love at First Sight ako sa kanya. Ang lakas ng dating niya. Hindi naman siya ganon ka-gwapo tas maitim pa ng konti pero ang lakas ng dating niya sa aken.

“Bhest Shan, may sakit ka?” Mariel.

“Ah? Ako? Wala naman. Bakit?”

“Namumula ka kasi e.” Mariel.

COUSIN-TAHAN OR COUSINS FOREVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon