“Lihtan...” nakangiting bulong niya sa sarili niyang pangalan.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inabot ang kamay ko sa kanya.

“Masaya akong makilala ka, Lihtan.”

Napahinto ako nang hindi ko maramdaman ang pagsunod ni Lihtan sa akin.

“Lihtan?” taka kong tawag dito na hindi mapakali sa pagtingin sa paligid.

“H—Hindi ako dapat nandito, Cane.” natatakot na sambit nito sa akin

Nilapitan ko siya at kinuha ang nakabalot niyang mga kamay nga sinuotan ko ng itim na gloves na baon ko. Hehehe, sakto sa kanya. Nahirapan akong kumbinsihin siyang wag nang isuot ang maskara niya.

Gusto kong ipakita sa maganda niyang mga mata ang magagandang bagay sa mundong ginagalawan niya. Gusto ko siyang alisin sa madilim na mundong kinalakihan niya at ipakitang kahit na gaano karahas ang mundo ay matatago pa ring kulay at kagandahan.

Napangiti ako dahil hindi niya napapansin na pinagtitinginan siya ng mga kababaihang nagnining sa paghanga na nakatingin sa kanya.

“Samahan mo ako. Wag kang matakot. Kasama mo ako.” inabot ko ang kamay ko habang naka-puppy eyes na nakatingin sa kanya.

“N—Ngunit Cane baka mapahamak ka dahil sa akin.” natatakot niyang sambit.

“Walang mangyayaring masama, akong bahala. Tara na Lihtan.” hinila ko ito at wala na siyang nagawa pa. Hahaha.

Huminto kami sa mga nagtitinda ng mga matatamis na pagkain. Tumusok ako ng bilog na kulay puti at tinikman. Napangiti ako at tumusok muli at tinapat sa bibig ni Lihtan.

“Tikman mo. Ang sarap nito, Lihtan!” Nginuya niya ang sinubo ko sa kanya. Nagningning pareho ang mga mata namin at sabay na tumango.

“Masarap nga, Cane.” manghang sang-ayon niya. Hihihi.

“Kay gandang binibini at ginoo.” sambit ng ginang na nagtitinda sa harapan namin. Nginitian ko ito.

“Narinig mo ‘yon, Lihtan? Maganda ka raw.” nakangiting baling ko kay Lihtan na namumula. Hehehe.

“Bigyan niyo po kami ng tag-iisang kilo nito, nito at nito. Hahaha.” sambit ko sa ginang.

“Libre na lang ang isang kilo para sa inyo. Maswerte ako dahil kayo ang unang bumili sa aking paninda at masaya akong nakikita kayong nasasarapan sa mga luto ko, binibini.”

“T—Talaga po? May discount kami?”

“Ha? Ano ‘yon, binibini?”

“Ah eh, hahaha. Ang ibig ko pong sabihin ay kasing-ganda ng anyo niyo ang sarili niyong kalooban!” Natawa ito nang mahina.

“Salamat, binibini.” Binalingan ko si Lihtan at nakangiting itinaas ang hawak kong nakabalot sa malinis na tela. Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa akin. Eh?

“Lihtan? Ayos ka lang?” Bigla siyang ngumiti na saglit kong ikinagulat.

“Ang kisig ng ginoo na ‘yon.”

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now