Kinuha niya iyon at pinakita sa lahat.

Pregnancy test. Positive.

Naghiyawan ang lahat at agad niya akong niyakap, kissing my head in the process.

"Thank you." bulong niya sa akin. Yinakap ko siya pabalik.

"Thank you for giving me the best gift ever."

Hinalikan niya ako sa noo. Linagay ang kamay niya sa tiyan ko pagkatapos.

"Di mo pa mafefeel yan." sabi ko at tumawa.

"At least alam kong nandito siya." sabi niya at ngumiti sa akin. Niyakap ko siya ulit.

Lumapit sa akin si Mommy, isang yakap din ang natanggap ko. Sumunod naman si Tita Sheila.

"Dapat kamukha ko ah." sabi ni Tita Sheila kaya napatawa naman ako.

Sumunod sina Sofia, Yassi, at Michelle. Pati na din ang Hashtags. Napinag-awayan pa kung sino ang magiging kamukha.

"Were happy for you. Congrats." sabi ni Nikko. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.

"Ililista na namin ang nga dapat bilhin para sa baby. Kami na bahala." sabi ni Yassi. Tumango naman si Sofia at Michelle.

Wala na akong dapat ipag-alala. Sila na bahala sa lahat ng nga dapat bilhin. Hahahah.

"Alagaan mo yan ah. Make sure to get more sleep. Tapos kumain ka. Exercise ka din. More on calcium ka dapat kasi buntis ka. Tapos dapat din magpacheck-up ka na sa doctor. Syempre para makasigurado. Tapos kung babae yan, susunod yan sayo. Mini Elisse. Kung la-"

"Sofi, kalma ka lang. Oo, alam ko na ang gagawin." sabi ko sa hyper na hyper about sa news na si Sofia. Niyakap niya lang ako, na naging group hug na kasi sumali silang lahat.

Kumain na din kami then afterwards, lumaoit sa akin si McCoy.

Tinitigan niya lang ako at nilagay ang kamay niya sa bewang ko. Nakangiti.

"Salamat ulit. Kinompleto mo na ako." sabi niya. Naluluha na.

"Eto na yun. Nag-uumpisa na." dagdag niya.

"Magkaka baby na tayo."

"I  love you Elisse." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"I love you too Mokya." sabi ko then gave him a kiss.

Life is too short to be unhappy. My ups and downs man, sa huli, ikaw parin ang masusunod kung magiging masaya ka ba, o hindi.

May problema man, alalahanin mo na may nga taong nakapaligid sayo. Na mahal ka.

Napatunayan ko sa sarili ko, na ang mga tao sa buhay mo ay dumadaan at nananatili dahil may rason.

Lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan.

Kung hindi dahil sa business deal na iyon, wala ako dito. Wala ako sa tabi ni McCoy. Masaya siguro ako sa piling ng ibang tao.

Pero hindi, pumasok siya sa buhay ko. Hindi lang para sa pagbangon ng isang kompanya, kundi ang pagpalit sa pwesto ng isang taong naging malaking parte ng buhay ko.

At yung taong yun, na kusang umalis tapos bumalik para sirain kami? Hindi pa din nanalo.

Because I know, true love casts out fear. Kaya sa huli, natalo parin namin siya.

Kung hindi dahil sa arranged marriage na yon. Hindi matutupad ang pangarap ko.

Dahil dun, nahulog ulit ako.

Dahil dun, nakilala ko ang taong kukumpleto ng buhay ko.

Dahil ang lahat sa isang arranged marriage.

Hindi man naging perpekto ang takbo ng kwento namin, heto parin kami. Masaya.

McCoy De Leon. Salamat.

Sa pagkumpleto ng buhay ko.

Dahil sa pagpayag mo.

Sa arranged marriage na to.

The End

The Arranged Marriage (McLisse)




The Arranged Marriage | McLisseWhere stories live. Discover now