Napasinghap naman ang limang babae nung sinamaan sila ng tingin ni Archles na para bang papatayin sila nito ng tingin kaya walang sabi-sabing umalis ang mga ito bago pa sila paglamayan doon dahil sa nakakamatay na tingin ni Archles.

"May extrang damit ka ba?" Napatingin agad si Suzanne kay Archles na ngayon ay isang maamong mukha ang gumuhit sa mukha nito.

"W-Wala eh, ni-nilabhan ko kasi 'yung P.E. uniform ko. Nasa bahay ko." Ramdam pa rin ni Suzanne ang lamig na nadarama kahit nakabalot s'ya ng twalya.

"You stay here. May kukunin lang ako." Tumango naman si Suzanne bilang tugon at agad namang umalis ng natatorium si Archles. Ilang minuto rin ang lumipas bago ito nakabalik sa pool area at hingal na hingal itong nag-abot sa kan'ya ng isang pares ng P.E. uniform. "Here."

"E-Eh? S-Saan galing 'to?"

"I bought it from the mini mart. Suotin mo na baka magkasakit ka kapag pinatagal mo pang magsuot ng basang uniform." Kahit ginagapangan ng hiya si Suzanne ay tinanggap pa rin n'ya ang P.E. uniform na bigay ni Archles sa kan'ya at hindi naman mapawi ang ngiti n'ya dahil sa ginawa ng binata para sa kan'ya.



Naglalakad na sa tahimik na hallway sina Suzanne at Archles. Matapos n'ya kasing magbihis ay umalis na sila ng natatorium dahil may pupuntahan pa raw si Archles at s'ya naman ay uuwi na dahil hindi s'ya p'wedeng gabihin sa daan. Nilalamon sila ng katahimikan at mukhang hindi rin interesadong makipag-usap si Archles. Gusto n'yang kausapin ito kaso nga lang ay ginagapangan s'ya ng sobrang hiya at kaba.

Napabuntonghininga na lamang s'ya at bahagyang niyakap ang kan'yang sarili.

Tahimik naman s'yang napasinghap nung hinawakan ni Archles ang pulsuhan n'ya para patigilin s'ya sa paglalakad. "Stay here and wait for me. I'll get something."

"T-Teka, Archles—" ngunit hindi na nag-abala pang lumingon si Archles sa kan'ya at dire-diretso itong naglakad sa kung saan. Sinunod na lamang ni Suzanne ang binata at tahimik na lamang s'yang naghintay doon.

Wala pang tatlong minuto ay bumalik na si Archles na may dalang kape at agad itong binigay sa kan'ya. "Drink this so you'll get warm."

Napapantastikuhang dumako ang tingin si Suzanne sa hawak na kape ni Archles. "N-Nag-abala ka pang kuhanan ako ng kape. Hindi mo naman kailangang gawin iyon eh." Nahihiyang tinanggap n'ya ang cup. "M-Maraming salamat."

Ngumiti naman si Archles sa kan'ya bilang tugon at naramdaman n'ya ang pagbilis ng tibok ng puso n'ya.

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit?

Bahagyang tumikhim si Suzanne at nag-iwas ng tingin nung mapansin n'yang medyo napahaba ang eye contact nila ni Archles. "Umm... s-salamat..."

"For what?" tanong ni Archles.

"T-Thank you kasi... kasi tinulungan mo ako," sagot ni Suzanne sa binata habang dinarama ng dalaga ang init ng kape mula sa hawak n'yang cup.

"It's no big deal." Ngumiti naman si Archles sa kan'ya at ginantihan naman n'ya ito ng ngiti. "I have to go now. Are you okay going home alone?"

Tumango naman si Suzanne bilang tugon. "Oo naman. Hindi pa naman gabi eh."

"Okay, if you say so. Just be careful." Tumango naman si Suzanne bilang tugon at agad namang naglakad si Archles palayo sa kan'ya. Nakailang hakbang na si Archles palayo sa kan'ya nung bigla itong natigilan. "Ah, Suzanne..."

"H-Ha? Bakit?"

Bahagya namang lumingon sa kan'ya si Archles. "Next time, don't wear P.E. uniform on situations like this. You should have one spare of uniform, okay?"

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now