CHAPTER 28

1M 26.4K 27.2K
                                    

Happy Reading 😘

CHAPTER 28

PAREHONG HUBAD si Andrius at Ivy ng makarinig sila ng katok mula sa pinto ng inuukupa nilang Hotel. Sabay silang nagising at nagkatitigan kapagkuwan ay naging alerto silang dalawa.

Maingat siyang bumangon saka pinulot ang mga damit na nasa sahig at mabilis na nagbihis, habang ang mga damit naman ni Andrius ay pinagbabato niya sa binata.

Nang pareho na silang nakadamit, patuloy pa rin ang pagkatok ng nasa labas.

Kinuha ni Andrius ang baril sa bedside table saka ikinasa iyon, itinutok sa pinto at inilagay ang daliri sa gatilyo.

"Open it." Sabi ni Andrius sa kaniya habang ang baril at mata ay nakatutok sa pinto.

Hinawakan niya ang doorknob at mabilis iyon hinila pabukas.

Nang makitang hindi kilala ang nasa labas, mabilis na sumipa ang paa niya para tumama sa leeg ng lalaki pero mabilis nitong nasalag 'yon.

"Cabron!" Mura niya.

Nagtagis ang bagang na ang kaliwang paa naman niya ang sinipa niya ng tatlong beses pero madali iyong nasasalag ng lalaki. Naningkit ang mga mata niya sa galit habang nagpapakawal ng malalakas na suntok.

Nang tumama ang kanang kamao niya sa gilid ng labi ng, tumalim ang mga mata nito saka inatake siya.

Mabilis niyang nakailag sa bawat suntok ng kalaban. Mabilis siyang umuklo para iwasan ang malakas nitong sipa at isinipa ang paa niya sa tubig nito. Nang bahagyang gumiwang ang lalaki sa pagkakatayo, itinukod niya ang mga palad sa sahig sa buong lakas na isinipa ang dalawang talampakan sa dibdib ng lalaki dahilan pa matumba ito.

"Culo." She hissed.

His companion grab her feet, and pulled her, making her fell to the floor. Pero bago pa tumama ang ulo niya, mabilis na naihagis ni Andrius ang unan sa sahig at doon tumama ang ulo niya.

Mabilis siyang tumayo at nagpakawala ng sunod-sunod na sipa pero nahuli ng lalaki ang paa niya at hinila siya.

She jump closer to him, hold his nape and bash his head to the nearest wall.

Napaatras ito at binitiwan ang paa niya saka sinapo ang likod ng ulo. "Fuck you."

Akmang aatake ang kasama nito ng magsalita si Andrius.

"Meet my fiancé, lunatics."

Napatigil ang pag-atake sa kaniya ang dalawang lalaki at hindi makapaniwalang bumaling kay Andrius. Siya man ay nagulat din na kilala ni Andrius ang dalawang kalalakihan dahil wala naman itong sinabi.

"Your fiancé?" Sabay pang tanong ng dalawa, bakas ang gulat sa boses.

Tumango si Andrius saka lumapit sa kaniya saka ipinalibot ang braso sa beywang niya. "Baby, meet my friends." Tinuro nito ang dalawang lalaking nakalaban niya. "Phoenix and Titus." Pagkatapos ay tinuro nito ang ibang lalaki na kapapasok lang. "You already know Sanford and Yrozz."

Tumiim ang titig sa kaniya ni Sanford. "Akala ko patay ka na."

Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. "Planning to put me behind bars again?"

"That's where you belong."

She smirked. "Go ahead. As far as I know, Ivy Gonzaga died years ago. I have her death certificate if you want proof."

Tumiim ang bagang nito. "Don't you dare make fun of the law—"

"Or what?" Nanghahamon ang boses niya.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon