CHAPTER 12

1.6M 29.6K 8.6K
                                    

A/N: The longest chapter I've ever written. Happy Reading.

And Hi to Joanne Alsonado and Anne Alcones.

CHAPTER 12

PANAY ANG sulyap ni Ivy kay Andrius habang pinapanuod nila ang pelikula na hindi niya maintindihan. Siguro dahil na di-distract siya sa presensiya ni Andrius sa tabi niya na hawak ang kamay niya at pinaglalaruan ang daliri niya.

Panay ang hinga niya ng malalim para mawala ang kakaibang kabang nararamdaman niya pero ayaw talagang mawala. Iba talaga ang epekto sa kaniya ng binata.

At dahil nasa iba ang atensiyon niya, napapansin niyang sila lang ang tao sa buong sinehan. Walang pumasok maliban sa kanilang dalawa.

And she can't help but to ask. "Bakit tayo lang ang nandito?"

Nakatutok ang atensiyon nito sa pinapanuod nila. "I rented the whole cinema."

Napatanga siya rito. "You what?"

He glanced at her, "I rented the whole cinema." Ulit nito sa sinabi, "we can't be in a large crowd. Hindi kita mababantayan ng maayos."

He's thinking of her safety again. Parang may kamay na humaplos sa puso niya. Andrius is not just sweet, he's also caring and its making her fall for him even more, it's scaring her.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka humugot siya ng malalim na hininga. She can't keep running away and deny her feeling for him. Dapat na niyang harapin 'yon. She's already going against her father's wishes because of Andrius. There's no point in being scared of what she feels now.

Lunod na lunod na siya sa nararamdaman niya. Hulog na hulog na siya. Ilang beses na niyang sinuway ang gusto at plano ng ama niya, tatanungin pa rin ba niya ang sarili kung ano itong nararamdaman niya? No. She already knew what this is. She already knew what she feels.

"It's a yes." Wika niya habang titig na titig sa binata.

He frowned at her. "Yes to?"

"Pumapayag ako sa sinabi mo kanina." She leaned in and kiss the corner of his lips then whispered while staring intently at him, "puwede mo akong ligawan."

Ilang beses itong napakurap-kurap sa kaniya na parang hindi makapaniwala bago gumuhit ang ngiti nito sa mga labi. "Wala nang bawian yan ha? Totohanan 'to."

Natatawang tumango siya. "Walang bawian. Promise."

Andrius grinned before kissing her hard on the lips. And when he pulled away, he looks very happy, his eyes are sparkling.

"You look happy." She pointed out.

Andrius nodded, happiness is still on his face. "I am." Hinalikan siya nito sa nuo saka niyakap siya sa beywang ng mahigpit. Nang pakawalan siya nito sa pagkakayakap, pinakatitigan siya nito ng matiim. "I really, really, want you right now."

Luminga-linga siya. "There's no bed here." Biro niya sa binata, "hindi puwede ang gusto mo."

Desire flared in his eyes. "We don't need a bed." He wiggled his eyebrows at her. "I can still make you scream without it."

"Ayoko nga." Sinimangotan niya ito. "Baka may makakita pa satin."

Tumawa ang binata saka mahigpit na hinawakan ang kamay niya saka hinalikan-halikan ang likod niyon habang nakatingin sa mga mata niya. "I promise, I'll take care of you. I will not hurt you and you will always be my first priority."

Hindi niya maiwasang mapatitig sa binata. Ito ang gusto niya nuong una palang. Ang marinig ang mga salitang iyon sa bibig nito, ang maging mahalaga siya rito at mahulog ang loob nito sa kaniya.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon