19.5

13.8K 290 142
                                    

CONTINUATION

Ciara's pov

Napabuntung-hininga na lamang ako sa mga naririnig kong samut-saring hiyawan. Pinipilit nila akong sagutin ko ang lalaking na sa harap without knowing kung ano-anong katarantaduhan ang mga pinaggagawa nito sa akin at mga naranasan ko sa kanyang trauma. Halos mamatay na ako nang dahil sa kanya, tapos ngayong may chance na akong mabuhay ng matiwasay ay pagbibigyan ko pa siya?

No way.

"Oo nayaaaan!"

"Um-oo kana ate, kyaaaah!"

"Yieeee, oo na 'yan! Oo na 'yan!

"Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo!oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo!oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo!oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo!oo! Oo! Oo! Oo! Oo!!"

"Oo nayaaaan!!"

"Yeeeessss!!" Napapikit ako dahil sa sunod-sunod na sigawan ng mga tao.

Napalingon ako kay Tyron na ngayon ay nakaluhod pa rin habang nakangiti sa akin. Hindi ko mapigilang mainis, bakit niya ba ginagawa 'to?! Ano bang tingin niya sa akin?! Tanga?! Oo, tanga ako, pero hindi ako madaling magpatawad, lalo na kung wala akong nakikitang dahilan para patawarin siya!

"Ano bang ginagawa mo? Anong wife ang pinagsasabi mo diyan? Anong second chance?" Sunod-sunod na tanong ko at pilit inaalis ang inis sa tono ng pananalita ko.

Ayoko ng ganito, gusto kong umalis at tumakbo papalayo. Naaasar ako sa kanya, hindi ko kinakaya ang mga ipinapakita niya, dahil noong nasa kanya pa ako, bakit hindi niya 'to magawa-gawa? Tanga ba siya?

Napansin kong tumayo na ito sa pagkakatayo at narealized niya siguro na tama ako, na tamang hindi niya kailangan ng second chance dahil hindi niya naman ako tinuring na asawa noon.

"Um-oo naba si ate girl?"

"Hindi ko alam, diko narinig eh!"

"Bakit tumayo na si kuya?"

"Baka sinabi niya, maganda naman ang ginawa mo, pero its a no."

Saglit siyang ngumiti ng pilit bago bumuntong hininga.

"Pasensya na, alam kong mali ang ginagawa kong 'to, dahil wala kang naalala na may namamagitan sa ating dalawa. Kaya naiintindihan ko kung hindi mo man maintindihan ang ginagawa ko ngayon, pero sana, hayaan mo akong palitan lahat ng masamang alaala na ginawa ko sayo noon." Sambit niya, habang nakaguhit ang maliit na ngiti sa labi. Mapait na ngiti.

Is he deadly serious? The fuck.

Gusto kong matawa sa harap niya mismo. Tama ba ang naririnig ng mga tainga ko? Sino namang sumanib sa kanya ngayon at para siyang naging santo sa kabaitan? Nasaan na ang Tyron na kinamumuhian ako at makita pa lang ako nagliliyab na agad sa galit? Ito na ba 'yun? Well, if he is. Pwede bang lumayo na lang siya sakin.

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko na kunyari ay walang alam sa mga sinasabi niya.

"Ay, may amnesia si ate?"

"Kaya pala hindi agad nakasagot!"

"Hihintayin ko ang sagot mo, Mrs. Ciara Hilvano Collins... My wife." Nakangiting sabi nito, dahilan para mag-ingay na naman ang lahat ng tao.

I secretly scoffed in disbelief. Ginagago niya ba ako? He's saying all of that nang hindi iniisip si Hannah. Hindi ba 'yon ang mahal niya? Ano 'tong ginagawa niya? Nanggagago ba siya?

"Aray ko, kinagat ako ng langgam!! Masiyado kaseng sweet! ayiee!"

"Ang sweet! Naiinggit ako!"

"Happy birthday, Ciara." Bati niya at iniabot ang bulaklak saakin, may nilabas naman siyang maliit na kulay red na box.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon