39

5.5K 132 14
                                    

Chapter 39: Bleeding

TW: softie husband

Ciara's pov

"Cheers!! Wooh! Congrats!!" Sabay-sabay na hiyawan nilang apat, at saka kami nagtawanan matapos naming kampayin ang mga baso namin sa isa't-isa.

Napangiti na lang ako nang mapagmasdan ko silang lahat. And now, we're totally complete. I can't believe it.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Jennifer sa akin bago pa kami pumasok sa simbahan.

'Shut up! Just keep your mouth shock.'

Yeah. Ngayon naintindihan ko na 'yung sinabi niyang shock. Well oo, na-shock ako talaga ako, dahil hindi kapani-paniwala 'yung nangyari at halos kapusin na ako sa hininga kakahagulgol nang makita ko ang taong hindi ko inaasahan.

Until now, I still can't believe kung paano ko siyang araw araw na iniiyakan at pinagsisisihan ang pagkakataon na makasama ulit siya, knowing that he's dead. But when everything seems to be fine, because finally I'm with my biological parents already, I didn't expect him na biglang na lang susulpot sa harapan ko bilang groom ko, dahil ang buong akala ko ay sila Raiza talaga ang ikakasal at nagkamali lang na ako ang hinila nila, pero it turns out na ako lang pala ang mali, ako lang ang walang alam.

Dahil lahat sila ay pinlano ang lahat nang 'to. But I won't deny, ito 'yung pinaka-nagustuhan kong plano na ako ang dahilan.

Natawa na lang ako sa isip ko dahil ang tinutukoy pala nilang magiging partner ko ay ang inaakala kong patay na, pero muling nabuhay para lang tuparin ang pinangako niya sa akin na oras na suotin ko ang gown na ito ay sisiguraduhin niyang naroon siya sa tabi ko.

"Kaya pala," wala sa wisyong asik ko sa sarili, nakita ko naman silang lima na kunot noong napatingin sa pwesto ko, dahilan para irapan ko silang lahat.

Pinagkaisahan niyo ako.

"Wife? Who's your talking to?" Tanong ni Tyron.

"What's with that-" hindi na natuloy ni Altair ang sasabihin niya nang ituro ko silang lahat.

"Kayo! Ikaw! Ikaw! Ikaw! Ikaw! At lalo na ikaw!" Huli kong tinuro si Tyron.

"W-what about me? Bakit ako nasama?" Si Tyron.

"Woah! Anong ginawa ko?" Si Tyler.

"Hoy, Ara! Wala kaming ginagawa, ah?!"

"Anong wala? Kayong lima! Pinagkaisahan nyo ako! Pinagloloko niyo ako, mga walang hiya kayo!" Pag-iinarte ko.

"Huh? Wala kaming ginagawa, Ara. Baka batukan kita diyan!" Jennifer.

"Anong wala? Eh, hindi ba magkakasabwat kayong lima? Pinaniwala niyo akong patay na ang siraulo na 'to." Dinuro ko pa si Tyron.

"Eh, kung kayo kaya ang patayin ko?!" Sabi ko.

"La, hindi ako kasama diyan, ah! Wala akong alam diyan, 'no. Noon ko nga lang nalaman na si Axel pala 'yong tinutukoy mong asawa mo na namatay, pero Tyron pala talaga true name niya, 'no? Gagi pre, pinaniwala mo rin ako," ginatungan ni Tyler ang pagtatampo ko.

"Naiihi ako, hehe wait lang." Aktong aalis si Jennifer sa kinauupuan niya nang pigilan ko sya.

"Hep! Walang aalis! Bulok na 'yang pagpapalusot mo. Sinong pasimuno sa inyong lahat?!" Nakatayo at nakapawaywang, habang nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila. Nakita ko naman silang tatlo na nakatingin sa gilid ko, kaya kunot noo ko ding binalingan ng tingin 'yun. Napaawang naman ang labi ko nang mahuli kong nakangiti na sa akin ng malapad si Tyron.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon