33

5.4K 116 2
                                    

Chapter 33: Long Lost and Found

Ciara's pov

"You may now kiss the bride-"

"Itigil ang kasal!"

"I-ikaw?!"

"Akala niyo ba patay na ako? Well, hindi pa dahil nagbabalik ako para tapusin kayong dalawa!"

"Tigilan mo na 'to!"

"Matagal nang tapos 'yon! Ano pa bang kailangan mo?!"

BANG!

NO!!

Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang bigla akong magising dahil sa masamang panaginip na 'yon. Agad ko namang hinabol ang hininga ko dahil parang bigla akong kinapos.

"What's that for?" Hingal na hingal na tanong ko sa sarili.

Bakit ko pa napanaginipan ang bagay na 'yon?

"No~ No, No, No, No Waaaay!" Kumunot ang noo ko nang may marinig akong kumakanta, at sa tingin ko ay dito siya papunta.

Inabangan ko namang bumukas ang pintuan at hinintay kung sino ang kumakantang 'yon.

"Gising ka na pala, Ara. Good Morning!" Nakangiting bati nito sa akin.

"Ano ba 'yang kinakanta mo?" Takhang tanong ko dahil 'yun ang huling salitang narinig ko sa panaginip ko.

"Ginagaya ko lang 'yung sa commercial na kanta. No, no, no, no waaaay! Aaaaaaaaah!" Pag-uulit niya pa sa kanta, habang kinukumpas pa talaga ang mga kamay. Agad naman akong napatakip sa mga tainga ko nang nagawa niya pa talagang bumirit kahit wala naman sa tono.

"Ate! Ano ba, kahit kailan talaga napakaingay mo! Baka magising si Ciara. Oh.. nevermind. Gising ka na pala. Good Morning!" Ngiting-ngiti na bati nito, dahilan para mawala ang mga mata niya.

"Kumusta naman ang eyebags mo, Ciara. Nanganak na ba?" Natatawang tanong nito.

"Ewan ko sa'yo! Tigilan mo nga ako, baka mabatukan kita. Ang aga aga nang-aasar ka na naman." Nakangiwing sambit ko.

"Sorry na. Pinapangiti ka lang, eh." Nakangusong saad nito.

"O' siya, tumigil na kayo at magsikilos na, kasi naghihintay na sa atin sila Raiza," utos nito.

"Sinong Raiza? Chix ba 'yan?"

"Hoy, anong chix?! Huwag mong isasama si Raiza sa mga babae mo Tyler, ha! Sinasabi ko sa'yo!"

"Nagtatanong lang naman ako. Masama ba 'yon?"

"Oo! Kasing-sama ng pagmumukha mo!"

"Ha! Gwapo ako!"

"Pwede ba, timigil nga kayong dalawa. Ang aga-aga nag-aaway kayo!" Suway ko sa magkapatid, dahilan para pareho silang manahimik.

"Saan ba tayo pupunta?" Takhang tanong ko.

"Nakalimutan mo na agad? Hindi ba nga, kikitain natin sila Raiza ngayon kasi alam na nila kung na saan ang mga totoo mong magulang." Pagpapaalala nito.

"Bakit? Ampon lang ba si Ciara?" Inosenteng tanong ni Tyler.

"Heh! Huwag ka nang makisali, maligo ka na lang!" Masungit na saad ni Jennifer, dahilan para mapanguso ito at lumabas na ng kwarto ko.

"Hoy, ikaw nga Ara! Umamin ka sa akin. Sino 'yung lalaki na nag-tagged sa'yo nung nakaraan, ha? Nakakausap mo ba 'yon? Sino ba 'yun? Manliligaw mo? Balak mo ba siyang sagutin, ha?" Sunod sunod na tanong niya, dahilan para kumunot ang noo ko.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon