"GUMISING KA BRUHA ANG PANGIT MOOOO!" narinig kong may sumigaw.

Jusko naman Sofia, dahan dahan lang.

"ANG GULO NA NG MAKE UP MO HALIKA DITO!" sabi niya at hinila ako papunta sa harao ng vanity. Agad ako nitong pinaupo at inayos ang itsura ko

I glanced at the clock. 2:00.

At grabe naman sila makareact.

Si Sofia ang nag ayos sa mukha at si Michelle at Yassi naman ay kinulit ang dulo ng buhok ko. They want it to be simple kaya kinulot nalang ang dulo.

Nakabihis at nakaayos na sila. Ako nalang hindi.

Pinasuot muna nila sa akin ang gown bago magpatuloy sa mga ginagawa nila.

Nung natapos na sila, pinatayo nila ako at pinatingin naman sa human-sized mirror.

I gasped in awe as I saw myself.

Me be like: Omeyghed tao na talaga ako!

Pero yung totoo, nakakagulat lang na makita ang sarili kong nakawedding dress. Parang nagfaflash na sa isip ko yung future.

Sinuot nila ang veil sa akin. After taking a few selfies, lumabas na kami sa pansamantalang dorm namin nmdito sa rest house namin sa Batangas.

Maingat nila akong isinakay sa van at pumunta na sa venue.

2:48.

Ganon ba katagal ang pag ayos sa akin? Grabe naman.

Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Ibig sabihin nandito na kami.

Hala nandito na kami.

Pwede 5 minutes muna?

"Lisse, baba na." narinig kong sabi ni Yassi. Hindi ako nakagalawa. Kinuha niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Ayos lang yan." sabi niya. Nginitian ko siya pabalik at maingat na bumaba sa kotse.

Paglabas ko ay pumunta na kami sa harap ng pintuan papasok sa green house. Nakita ko doon si Mommy.

Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakangiti.

"Ang ganda ng anak ko."

"Dati pa Mi. Ngayon mo lang na-appreciate." sabi ko kaya napatawa siya.

"Basta ah. Palagi kang mag-iingat. Kahit anong mangyari, ikaw parin baby girl ni Mommy." sabi niya. Niyakap ko siya.

"I love you Mi."

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko. Sabay harap sa pinto.

Unti unti na itong nagbukas. Napahigpit ang hawak ko sa bouquet. Huminga ako ng malalim lalo na nung nabuksan na ng maiigi ang pinto.

There he is.

Ngumiti siya sa akin. Kahit malayo ako, kitang kita ko sa gilid ng mata niya ang luha. Napangiti ako pabalik at nag-umpisang maglakad.

Hindi nawawala ang tingin ko sa kanya. Umiiyak na siya ngayon. Ang sarap picturan at ipost sa Instagram. Ang gaan sa feeling na sa sobrang saya niya, napaluha na siya.

When I finally reached the end, inabot ni Mommy ang kamay ko kay McCoy.

"Love her more than I did." sabi ni Mommy. Hinalikan ko siya sa pisnge.

"I will." ang tanging sagot ni McCoy. Inalalayan niya akong makaayos ng posisyon paharap sa mini altar na pinuno din ng bulaklak.

"Bat ka umiiyak?" pabulong na tanong ko sa kanya. Nakaharao na ako sa pari.

"Can't help it. Ang saya saya ko lang." sabi niya at tumingin sa akin. Tumingin ako pabalik at ngumiti.

The ceremony goes on hanggang sa dumating na sa point the nasabi ko na, finally.

"I do."

"I may now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Tumingin si McCoy sa akin, iniangat ang veil sa ulo ko.

"Hello Mrs. De Leon." sabi niya at linagay ang kamay niya sa bewang ko.

"Hello Mr. De Leon." sagot kong nakangiti. Then wrap my arms around his neck.

"Salamat. Sa lahat." sabi niya. Then he dipped me down and kissed me happily. Napangiti ako pero binalik ang halik. Naririnig ko ang mga hiyawan ng mga tao mula sa likod.

When we pull away, the words 'Congratulations' rang through my ears. Sa moment na to, wala na akong ibang maisip. Sobrang saya ko lang talaga.

Bago magsilabasan sa venue, hinawakan ang kamay ko ni McCoy. Napa tingin ako sa kanya.

"Salamat." sabi niya ulit.

"Para saan?" tanong ko.

"Kung hindi ka pumayag sa deal, wala tayo dito ngayon." sabi niya. Napangiti ako at hinalikan siya ulit. Masanay ka na hahahaha.

"Mabuti nalang at pumayag ako." sabi ko at yinakap siya ng mabilis.

"Tara na." sabi ko at hinila siya palabas.

I can't imagine a world without this guy beside me. Napaka thankful ko dahil pumayag ako sa business deal nayun.

Kung hindi, wala akong Mokya ngayon.

Lumabas ako sa venue bilang isang Mrs. De Leon.

The Arranged Marriage | McLisseWhere stories live. Discover now