"Bakit parang sumikip?" tanong ni Nikko for the 100th time. Kanina pa nagrereklamo na parang sumikip daw yung suot niya. Ang aga aga pa naman, sinuot niya agad. Tapos huhubarin ulit. At isusuot ulit.

"Ano ba Nikko? Pwede bang kalma lang muna?" inis na sabi ni Zeus na kagagaling ng cr. Nakabath robe na siya at may hawak na toothbrush.

"Kasi nga sumikip. Kasyang kasya kaya sa akin to." sabi ni Nikko at hinubad ito ulit.

"Kasi siguro busog ka." kalmadong sabi ni Jimboy na ngayon ay nasa harap na ng vanity, tinititigan ang sarili sa salamin.

"Iutot mo nalang yan." natatawang sabi ni Ronnie. Nasa tabi ni Jimboy.

1:30.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Na lahat ng ito hahantong din sa simbahan. Na magiging masaya pa pala ang ending. Kahit madami na kaming pinagdaanan. At muntik na kaming mawala sa mundo.

But still, nandito kami.

Hindi ko na sasayangin pa ang chance na to. Ang chance na mabuhay. I will spend every second of it with her.

Ilang minuto nalang at finally, mag-uumpisa na lahat ng pangarap ko kasama siya.

"McCoy! Bihis na!" sigaw sa akin ni Luke. Tinulak niya ako papuntang cr. Naligo ako at nagtoothbrush narin. Sabay suot ng tuxedo at diretso sa vanity.

Kokonti lang naman. Buhok lang at konting kaekekan then TADAAAAA! Tapos na.

Pinaupo nila ako sa harap ng vanity. Binabayaan ko lang sila kung anong gustong gawin nila sa mukha. Which is, sigurado naman akong hindi masyado abala. At, mabilis lang.

Etong si Nikko naman, patuloy ang pagrereklamo. Sumikip nga kasi yung susuotin kaya ayun, hanggang ngayon hindi parin matahimik.

Pero namanage namang masuot ng naayos kaya nagkasya. Which shut him up. Thankfully.

Matapos ang lahat lahat ay sumakay na kami sa kotse, si Tom, nagdrive papuntang venue. Na nasa isang garden. Dito sa Batangas.

Dun ko lang narealize na kinakabahan din pala ako. Nagpapawis na ako ng konti pero pinupunasan ko agad. Hanggang sa makarating kami.

1:39.

Medyo malayo layo pa. Siguradong hindi pa tapos sina Elisse. I examine the place. Napakaganda ng pagkakaayos.

Puro flowers. Natural, garden nga eh. Ang path na lalakaran niya ay may sari-sarung bulaklak sa gilid. May nga vines at tela na nakakabit sa taas.

Basta ang ganda.

A perfect aisle for the most beautiful bride.

Not to mention, malayo ito sa altar.

Yess malayo. Medyo malayo.

Papagurin pa si Elisse nito. Hahaha.

Nagsidatingan ang ibang guest pati, mga kaibigan, at iba pang kakilala. Kaliwa't kanang 'Best Wishes' ang naririnig ko na parang music of the day ngayon.

Papalapit ng papalapit ang oras. Palakas ng palakas ang kabog sa dibdib ko.

Everything will be ok.

Ayos lang yan.

Basta ang importante lang ngayon.

Ay finally.

Malaman ng mga tao.

At makita nila.

Na susumpa kami.

Ng forever sa isa't isa.

AYIEEEE. ANG CORNY KO NAAAAAAAAA!

Elisse's POV

The Arranged Marriage | McLisseWhere stories live. Discover now