VI: Piging

382 26 9
                                    


Ikaw ang ilaw sa daang puno ng kalituhan at pangamba.

VI

Pagkatapos nilang maghiwalay nina Cinta sa pamilihan ay sinamahan siya ni Mateo pumunta sa bahay paupahan.

Sinalabong sila ng Tiya ni Cinta ng mainit na pagtanggap. Nakipagkwentuhan pa nga ito ng mga hinaing niya sa pinapataw ng buwis sa sakahan ng kanyang magulang pati na rin sa bahay na kasalukuyang pinaparentahan ang mga silid nito.

Hindi maiwasan ni Himaya mapaisip mula noon hanggang sa kasalukuyan ang buwis ay isang pasakit sa mga pangkaraniwang Filipino habang ang mga nasa posisyon sa gobyerno ay nagpapakasasa sa pera halos kulang na lang isama dugo't laman ng mamamayan para mairaos ang kaukulang buwis.

Kaya naniniwala siya na hindi pwedeng kalimutan kung anong nangyari sa nakaraan dahil sumasalamin din ito sa kasalukuyan.

Hindi na rin siya nagulat kung bakit ang bansang Pilipinas sa kasalukuyan ay hindi umuunlad dahil na rin sa korupsyon sa gobyerno at pagiging gahaman ng mga politiko sa pera at kapangayarihan.

Sa saglit pa lang na pananatili niya dito ay binuksan niya ang kanyang sarili sa mga bagay na nangyayari  sa paligid niya. Hindi siya pwedeng magbubulag-bulagan at magkunwaring maayos ang lahat kahit ang totoo ay hindi.

"Binibining Himaya?" napakislot siya sa upuan nang tinatawag ang kanyang atensyon ni Mateo.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo? Kanina ka  pa kasing walang imik."

"Ayos lang ako, Ginoo." tipid niyang tugon sa binata.

Kasalukuyang nakaupo sila malapit sa balkonahe ng bahay habang si Señora Isabel ay naghahanda ng kanilang makakain na meryenda.

"Bakit mag-isa ka lang na nagtungo ng Yloilo? Hindi ka ba natakot na pwede kang pagtangkaan ng mga magnanakaw papunta dito."

"Hindi naman, Ginoo. Nakasanayan ko ng maglakbay kung saan-saan kasama ang ina at mga kapatid ko." mabilis niyang paliwanag.

"Bago ko makalimutan mamayang gabi ang piging sa bahay nina Cinta. Sunduin kita dito."

"Hindi ba sa atin sasama si Señora Isabel sa atin?" bago sagutin ni Mateo ang tanong niya ay nakabalik na sala ang ginang may dala itong mga biskwit at mainit na tsokolate.

"Hija, wala akong hilig sa mga ganyang pagsasalo. Naiintindihan naman iyon ng kapatid ko." paliwanag nito sa kanya.

"May isusuot ka na ba mamaya?" tanong ni Señora Isabel sa kanya.

Bigla siyang napailing at napakibit balikat nang napagtanto niyang wala siyang dalang mga kasuotan sa paglakbay niya. Nakagawian ni Himaya kapag umaalis ng bahay na may bitbit na damit sa kanyang bag pero sigurado naman siyang hindi iyon papasa nakasuotan sa piging na dadaluhan nila.

"Huwag kang mag-aalala, Himaya pahiramin na lang kita ng magandang camisa't saya. Tamang-tama kasya iyon sayo." nagnining-ning ang mga mata ni Señora Isabel na tila hindi makapaghintay na bihisan at ayusan siya nito.

"Malaking abala naman po iyon sa inyo, Señora." nahihiya niyang wika.

"Huwag kang mag-aalala akong bahala sayo sisiguraduhin ko ikaw ang isa mga pinakamagandang dilag sa piging at siyempre ang kaisa-isa kong pamangkin na si Cinta."

*****************************************

Hindi nga siya binigo ni Señora Isabel na aayusan at pagagandahin siya nito. Namangha siya sa suot niyang damit napag-alaman niya na si Señora mismo ang gumawa. Isa ito sa mga nakagawiang libangan nito sa maghapon ang pagbuburda at pananahi.

Hinaplos ni Himaya ang mga burdadong printa sa kanyang camisa. Kulay krema ang pang-itaas niya na pinatungan ng abung kulay na panuelo na katerno din ng saya. Hawak niya rin ang pamaypay na may nakaburdang bulaklak na desinyo.

Nakakasuot lang siya dati ng mga ganitong klaseng damit kapag may programa sa kanilang paaralan.

Napangiti siya habang tinitignan ang repleksyon sa salamin. Hindi niya napigilan ang sarili na umikot at mapasayaw sa tuwa para siyang bata na binigyan ng bagong damit.

Bigla siyang napahinto nang makita niya sa may pintuan si Mateo. Hindi maipagkakaila ang kakisigan nito sa suot na barong tagalog na kulay abu na tinernuhan ng itim na pantalon. Hindi niya alam kung sadyang sinadya nito na magkapareha sila ng suot.

Nakita niya kaya ang pinag-gagawa ko? Nakakahiya! sigaw ng kanyang isipan.

Ngumiti ang binata sa kanya at naglalakad ito patungo sa kinaroroonan niya.

"Ginoo, nandito ka na pala. Akala ko mamaya ka pa darating." patay malisyang sabi niya habang pilit niyang kinakalimutan ang kalokohang ginawa  kanina.

"Ang totoo niyan, Binibining Himaya hindi ako makapaghintay kaya umalis ako ng maaga para makita kitang muli. Isa bang kalabisan na ang minimithi ko lamang ang masilayan ang kagandahan mo?" paliwanag nito.

"Ginoo, kanina lang tayo nagkita. Nangungulila ka na ka agad sa presensiya ko?" napataas ang kilay niya sa pahayag nito.

"Isa bang kalabisan ang maghayag ng nilalaman ng damdamin?" nanunudyong hamon nito sa kanya.

Hindi niya matanto kung ano ang nasa isipan ni Mateo. Aaminin niya hindi niya masyadong inaasahan na magiging bukas ito sa pagpahayag ng saloobin nito.

Mukhang sinsero naman si Mateo sa mga salitang binitawan. Kung nabibilang ito sa panahon niya sigurado siyang marami na itong napaiyak na mga kababaihan. Mabulaklak ito magsalita at bolero.

"Walang mali doon, Ginoo. Ang mahalaga ay pawang katotohanan lamang ang sasabihin mo. Huwag mong kalimutan ang salita ay may kakayahan makapanakit ng iba depende sa kung paano mo ito gamitin."

Nagulat ang binata sa sinabi niya hindi na rin siya nagtaka dahil karamihan sa kababaihan noon ay tinatago kung ano ang nasa isip nila. Nililimitahan sila maglabas ng kanilang mga hinaing kahit na may punto ito at nasa tama sila.

"Bakit kaya masyado akong lapitin ng mga babaeng matalino at matapang hinahayag kung ano sa kanilang isipan? Kahit saang hukom kami magharap hindi talaga ako mananalo."

"Ang punto mo, Ginoo?"

"Nakikita ko sayo ang kababata ko sayo. Mamaya mabibigyan kayo ng pagkakataon ng magkakilala pa ng lubusin."

Nakita niya sa mukha ni Mateo masaya ito sa natuklasan kung ibang kalalakihan ito baka mairita pa sa kanya.

"Sino?"

"Nagkakilala na kayo. Ang kababata ko at malapit na kaibigan si Jacinta Ledesma Y Lacson."

No way! awtomatikong sigaw ng kanyang isip. Hindi siya mapaniwala ang babaeng lumapit sa kanya at nag-imbita sa piging ay walang iba kundi ang babaeng sa ipinintang larawan sa bahay ng Nana niya.

I guess this is destiny telling me. I'm taking the right track. No matter what happens I'll unveil your own truth, Jacinta.

Napatawa siya ng mahina at tinakpan niya ang kalahati sa mukha niya ng pamaypay.

"Tara na, Ginoo. May piging pa tayong dadaluhan." masigla niyang pahayag.

Jacinta's Conspiracy (WattysPH Breakthroughs Winner 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon