VIII: Liham

227 18 2
                                    

Yuki Yna's Notes:

Thank you for continuous support for this story. I hope this story inspires you to be better and have love to our motherland.

I'll dedicate this story to you. I'm a fan of your work and congrats on your book publishing.


"Of writing many books there is no end;

And I who have written much in prose and verse
For others' uses, will write now for mine,-

Will write my story for my better self, As when you paint your portrait for a friend, Who keeps it in a drawer and looks at it Long after he has ceased to love you, just To hold together what he was and is."

-Elizabeth Barrett

Naramdaman ni Himaya na niyuyugyog ang balikat niya napamulat siya ng mata at tinignan ang gawing kanan niya at nakita si Malaya. Hindi siya naka imik ka agad at tinitignan niya lang ang pinsan niya.

"Himaya, ayos ka lang? Kanina pa ako salita ng salita hindi ka naman nakikinig." reklamo ni Malaya sa kanya

Gulong-gulo ang isip niya at hindi niya maiwasang isipin na nasisiraan na siya ng bait. Napatingin siya sa kanyang sarili at papaano siya nakabalik sa kasalukuyan at ilang minuto ang nakalipas simula naglakbay siya sa nakaraan?

Naramdaman niya ang pamamawis ng noo niya at napatingin sa buong paligid niya. Nakabalik siya sa kasalukuyan at kinurot niya ang sarili baka sakaling nanaginip pa siya. Papaanong nangyari iyon? Buong magdamag siyang naroon sa panahon ni Jacinta. Hindi niya na malayan napasalampak siya sa daanan parang naglakad siya daang-daang milya ng layo kung saan siya naroon.

Mabilis siyang dinaluhan ni Malaya at inalayan na makatayo at pinagpagpag ang pantalon niya.

"Himaya, ano natabo sa imo? Naurungan ka da ya haw? Ok ka lang?" sunod-sunod na tanong sa kanya ng pinsan niya.

Napatango na lang siya sa sinabi ng pinsan niya naramdaman niya ang panunuyo ng lalamunan niya tila uhaw na uhaw siya. Dala na rin ng panahon dahil mainit sa Iloilo pag tag-araw.

Sa kabila ng hindi maipaliwanag na pangyayari. Hindi nawala sa isipan ni Himaya ang mga sinabi Jacinta na tila may malalim na kahulugan lahat ng sinasabi nito. Marami pa ring mga tanong gumugulo sa isipan niya.

Paano kung totoo may mga sulat na ito na sadyang iniwan para matunton si Jacinta.  Ito na  ba ang susi upang malaman ang biglang pagkawala niya?

Naalala niya kung paano nagtapos ang pagdiriwang na wari pakiramdam niya kanina lang nangyari iyon kasi ang pakiramdam niya.

Nang matapos ang kasiyahan sa tahanan nina Jacinta ay inihatid na siya ni Mateo sa bahay ni Ginang Isabel. Nakipagkuwentuhan pa siya sa ginang ng saglit bago siya nagpahinga. Nang hindi siya nakaramdam ng antok ay lumapit siya kanyang bintana at tinatanaw ang mga bituin sa kalangitan.

Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa sinaunang panahon ang tanging alam niya ang pananatili niya roon ang magiging susi sa pagtuklas ng hiwaga sa pagkawala ni Jacinta.

Matapos ang pagmumuni-muni niya. Heto siya ngayon nakabalik siya sa panahon niya. Inihatid na siya ni Malaya sa Jaro at umuwi na rin ito ng bahay niya. Dalawang eskinita na lang siya nasa lumang bahay na siya. Bigla siyang natigilan at tumigil sa paglalakad. Kailangan niyang mahanap kung saan ang tamang lokasyon kung saan nakalibing ang mga sulat ni Jacinta.

Napatakbo siya ng matulin papunta ng bahay nang malapit na siya hinihingal si Himaya. Kita niya kung paano tumaas baba ang kanyang dibdib. Mabilis niyang pinahiran ang namumuong pawis sa noo at leeg.

Nakaramdam siya ng kaba at may halong kuryosidad habang hinahanap ang tamang lokasyon kung saan ito binaon.

Nanghihina at nangangatog ang mga tuhod niya sa antipasyon.Nakita niya ang pala sa gilid ng gate mahigpit niya itong hawak-hawak habang papunta sa likuran ng lumang bahay. Nanalangin siya na sana makita ang hinahanap niya doon.

Nagsimula siyang magbungkal ng lupa malapit sa puno. Hindi siya sigurado kung iyon ang puno kung saan na paglagakan ng mga sulat.

Halos nabungkal niya na sa paligid ng puno. Pakiramdam niya naubos ang kanyang lakas sa pagbubungkal ng lupa. Nanghihina na siya sa pagod at gusto niya lang kalimutan ang lahat ng ito na tila hindi nangyari ngunit may munting tinig nagsasabi sa kanya na huwag sumuko.

Hanggang sa may matigas na bagay siyang nakapa sa hukay. Isa itong maliit na baul agad niya itong pinagpag ang lupa nakadikit dito at mabilis niyang binuksan ito. May nakita siyang dalawang nakatuping papel sa loob at binuksan niya ang isa. Kung paano nakaligtas ang mga sulat ni Jacinta sa dami ng natural na kalamidad sa Iloilo isa lang ang naisip niya isa itong milagro. Sa palagay niya, ito pinapahiwatig ng tadhana na ipaalam sa lahat ang naging buhay ng binibini.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula habang sinusulat ang liham na ito. Ang alam ko lang gusto ko kahit papaano mag iwan ng mensahe hindi lang para sarili ko kundi para sa makakabasa nito.

Ako  ay isang anak ng isang principalia at isa sa mga makapangyarihan angkan sa bayan ng Yloilo. Oo kung nababasa niyo ito siguro sasabihin niyo napaka suwerte ko na pinanganak ako sa isang mayamang pamilya at pwede kong gawin kung ano man ang aking nais ngunit doon kayo nagkakamali.

Para sa isang babae na pinanganak sa panahon ng mga mananakop ang buhay ko ay hindi puro saya. Nakaramdam na ba kayo ng uhaw na alamin ang mga bagay-bagay sa paligid mo?

Ang puso't isipan ko nagpupuyos sa galit sapagkat ang tulad ko ay walang kalayaan magpahayag ng aking saloobin.

Sabi nila, ang babae ay dapat mayumi , masunurin at pino ang kilos.

Hindi ko mapigilan na maramdaman na ang tingin nila sa akin ay isang pang dekorasyon lamang. Isang tropiyo na ipagmamayabang sa iba at nagmumukhang pribelihiyo dahil ikaw napiling handugan ng espesyal na pagtingin. Kailanman hindi ko naman inasam-asam o hiniling.

Hanggang sa pagiging asawa at ina na lang ba ang magiging papel ko? Hindi naman sa minamaliit ko sila sa mga pinili nilang landas ngunit ayoko na ganong landas din ang tatahakin ko.

Alam ko sa puso't isipan ko na may misyon ako dito sa mundong ibabaw kung ano man iyon malalaman ko rin sa nakatakdang oras at panahon.

Gusto kong maging malaya. Malayo sa dinidikta kung ano lang ang papel ko sa lipunan.

Merong mga pagkakataong naiinggit ako sa mga ibon dahil mapalad ang mga ito na makapaglakbay sa kalangitan.

Alam ko sa takdang panahon makakalaya ako sa lahat ng ito at hindi na kailangang magtago ng lihim na hinahangad ng aking damdamin. Kung dumating man ang panahong iyon taas noo kung susuungin ang lahat ng walang alinlangan at pangamba.

Ako si Jacinta. Ako'y malaya.

Jacinta's Conspiracy (WattysPH Breakthroughs Winner 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon