IV: Iloilo, Ang Banwa Ko

461 25 6
                                    

"Ikaw lang ang tinatangitangi ko sa lahat."


IV

Paano siya maghahanap sa isang taong matagal ng patay at walang iniwang bakas simula ng mawala ito? Paano siya magsisimula?

Umaalingaw-ngaw sa kanyang isipan ang huling katagang binitiwan ni Jacinta.

Venid a buscarme, Himaya.

Kung makipag-usap sa mga kamag-anak ni Jacinta ay malabo na magbibigay ito ng impormasyon tungkol sa kanya . Itinanggal ang dalaga sa tala ng kanilang "family tree" iyon ang una niyang tinignan pagkatapos ng sunod-sunod na pagpaparamdam ni Jacinta sa kanya.

Sa angkan niya walang ipinanganak na Jacinta Ledesma tila isa itong alaala na hindi nangyari kahit kailan. Ano ba ang totoong nangyari? Bakit pakiramdam niya itinakwil ang dalaga ng walang kalaban-laban.

Papaano niya ipapaliwanag sa pamilya at mga kaibigan niya ang kababalaghang nangyayari sa kanya? Kung sasabihin niya na nakakapaglakbay siya sa nakaraan baka ituring siyang luka-luka ng mga kamag anak niya. Walang maniniwala sa kasalukuyang nangyayari sa kanya ngayon.

Sasabihin ng mga tao sa kanya ay nag-iilusyon o nanaginip lang siya. Natakot sa kanya si Mayumi sa kanya noong nakaraang araw sa nangyari. Buong akala nito ay nag-dedeliryo siya dahil may sakit siya noong binisita siya ng pinsan niya. Mabuti na lang at nakumbinsi niya itong na huwag ng sabihin kay Nana ang nangyari baka lalo mag-aalala pa iyon sa kanya.

"Jacinta, why me?" usal niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan nito ang pulseras.

Malaking palaisipan pa rin kung paano sa kanya napunta ang isa sa mga gamit ni Jacinta. Naalala na niya ang nangyari nang unang araw niyang bumalik sa bahay ng Nana Imelda niya. Buong akala niya ay nanaginip siya noong mga panahon iyon pero totoong nangyari iyon.

Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang makita niyang tumunog ang selpon niya agad niya itong tinignan. Nag-iwan ng mensahe sa kanya si Malaya na mag-kikita sila ngayong araw kaysa mukmok siya dito mas mainam pa nga na magliwaliw siya kasama ang pinsan niya.

Wala namang magagawa ang pagmumuni-muni niya sa lumang bahay. Hindi niya makukuha ang mga sagot sa tanong na bumabagabag sa kanyang isip. Malay niya kapag namasyal siya may maisip siyang paraan para hanapin si Jacinta.

*****************************************

*****************************************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa dami ng pagkain na natikman ko, ito pa rin ang mananatili kong paborito sa lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa dami ng pagkain na natikman ko, ito pa rin ang mananatili kong paborito sa lahat." nasisiyahan niyang pahayag habang ninanamnam niya ang bawat subo ng siopao.

Nakangiti lang si Malaya habang pinagmamasdan siyang kumain. Kasalukuyan silang sa downtown ng Iloilo at kumakain ng pananghalian sa Roberto's.

Hindi pa rin nag bago ang lugar kahit matagal na siyang hindi napapagawi dito. Kilala na itong institusyon sa siyudad nila at madalas na pinupuntahan ng mga taga-roon at turista. Sabi nga nila, hindi kompleto ang pag-bisita mo ng Iloilo pag hindi ka kumain ng "Queen Siopao" kaya ang suwerte niya na tinitinda ito nang pumunta sila ng pinsan niya.

"Himaya, maghinay-hinay ka nga sa kinakain mo baka mabulunan ka." paalala sa kanya ni Malaya.

"I couldn't help it." nakangisi nitong tugon.

"Nanghihinayang nga si Mayumi dahil hindi makakasama sa atin. Pinakiusapan siya ng Mama niya na bantayan ang cake shop nila." kwento sa kanya ng pinsan.

"Alam mo pagkatapos nating mamasyal dito. Bakit hindi natin siya puntahan sa shop nila? Dalhan na rin natin siya ng siopao. Paborito niya rin kasi ang pagkain dito." suhestiyon niya.

"Sige, sige. Matutuwa iyon. Alam mo naman si Mayumi hindi iyon mapipirmi sa isang lugar."

Pagkatapos nilang kumain ay nakagawian na nilang libutin ang downtown. Natutuwa si Himaya sa mga pagbabago sa lugar. Ang mga lumang gusali na tinayo pa mula ng mga panahon pa ng mga kastila ay inayos at pinaganda ito. Tinanggal ang mga anumang karatula na nagkukubli sa mga disenyo ng gusali. Hinihiling niya na sana sa lahat ng parte ng Iloilo ay mapreserba ang mga tinuturing na historical sites pero sa tingin niya kailangan ng dobleng pag-sisikap at pakipag-ugnay sa lokal na pamahalaaan para mangyari ito.

Hindi niya nakalimutan nang minsan naikwento sa kanya ni Mayumi tungkol sa iprinisenta na proyekto dati para sa Iloilo na gagawin din ito tulad ng sa Calle Crisologo sa Vigan ngunit hindi natuloy ang plano dahil may ibang kalye sa siyudad na hindi pwedeng daanan ng mga sasakyan at tanging kalesa lang makakaraan doon.

Nakaramdam siya ng pagkahinayang at lungkot. Sayang at hindi niya naabutan ang karangyaan na kasaysayan ng bayan niya.

"Isn't our hometown lovely?" pamumuna sa kanya ni Malaya. Tumango siya bilang tugon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang pinsan kung gaano niya kamahal ang Iloilo. Madami na siyang napuntahang magagandang lugar ngunit nanatili sa puso niya ang lugar na ito.

"I wish that the local government will continue to protect this heritage sites because this is what defines us. It's reflects our life and culture. It's our own identity." pahayag ni Himaya habang nakatingin si Malaya sa mga lumang gusali sa Calle Real. Nakakapanlulumo dahil iba sa mga gusali ay nawala na at pinalitan ng makabagong imprastraktura.

"We could all wish for the best, aren't we?" nakangiting wika ng pinsan niya.

Sa kanilang tatlo na mag-pipinsan silang dalawa ni Mayumi ang mahilig sa kultura at kasaysayan si Malaya hindi gaano nahawa na lang ito dahil sa kakasama sa kanilang dalawa ni Mayumi noong mga bata pa sila.

"Look at this place... It's almost down to its ruins before but its a great thing people realize its worth before its too late. What a beauty... How I wish I'm able to witness its glorious times? When Iloilo is known as La Muy Noble in the past because of the Ilonggo's loyalty the  title that bestowed by Queen Regent Maria Cristina. Over time our city earn the reputable title as the Queen City of the South or The Queen's Favored City in the South." pagmamalaki niyang kwento. Napapangiti siya sa tuwing sinasalaysay niya ang kasaysayan.

Bigla siyang napatigil sa paglalakad at napalingon sa kanyang likuran nang napansin niyang hindi na umiimik si Malaya. Ang pinsan niya ay  makwento at hindi sila nawawalan ng pag-uusapan kapag bigla itong tumahimik ibang usapan na iyon.

Unti-unti siyang nakaramdam ng pagkataranta doon niya lang nalaman na wala si Malaya sa tabi niya.

"Malaya?" tawag niya. Sa mga oras na iyon ay parang pinagtatambol ang kanyang puso sa kaba.

This can't be real. himutok niya sa kanyang sarili.

"¿Por qué estoy aquí?"

*****************************************

Happy Reading!

Yuki Yna's Talahuluganan:

¿Por qué estoy aquí? -Why am I here?

Jacinta's Conspiracy (WattysPH Breakthroughs Winner 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon