V: Estranghero

326 20 0
                                    

"Eres mi única esperanza"

V

"¿Por qué estoy aquí?" nanlaki ang kanyang mata sa pagkabigla at wala sa sariling tinakpan ang kanyang bibig.

Isa lang ang sigurado siya wala siya sa kasalukuyang Iloilo. Sa kabila ng takot at pangamba na dinala siya ng pagkakataon sa panahong sinakop pa ng kastila ang Pilipinas hindi pa rin niya maiwasan mamangha sa kanyang nakikita.

Hindi nabigyan ng katarungan ng mga larawan kung gaano kaganda ang siyudad kung saan siya pinanganak. Ang mga gusali at imprastraktura na nakikita niya lang sa mga larawan ay nakita na niya mismo ng kanyang dalawang mata.

Punong-puno ng buhay ang lugar hindi na rin kataka-taka dahil dito lang naman sa Calle Real matatagpuan ang pangunahing komersiyo sa lugar at noong panahon na sinakop ng mga amerikano ang Pilipinas dito rin matatagpuan ang mga high end shop outlet...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Punong-puno ng buhay ang lugar hindi na rin kataka-taka dahil dito lang naman sa Calle Real matatagpuan ang pangunahing komersiyo sa lugar at noong panahon na sinakop ng mga amerikano ang Pilipinas dito rin matatagpuan ang mga high end shop outlets at iyong tinitindang produkto ay galing pa ng Europa.

Ang suot-suot niyang bestida ay napalitan ng kimona at patandyong na tinernuhan ng bakya at ang kanyang bag na dala-dala kanina ay napalitan ng bayong na may mga bulaklak na disenyo.

Napailing siya sa kanyang natuklasan mukhang lahat ng bagay galing sa kasalukuyan ay napalitan na angkop kung saan panahon siya naroroon.

Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang may kumukuha sa kanyang atensyon.

"Señorita, está perdida?" napatingin siya sa pinagmulan ng malamyos na tinig.

Kitang-kita sa mukha ng binata na halong sinseridad sa kanyang tinig nang tinanong siya nito. Pasimple niyang sinipat ang lalaki. Mukhang disente naman base sa kung paano niya dalhin ang kanyang sarili at ramdam niya  galing din sa may kayang pamilya ito.

Napaatras siya sa kanyang kinatatayuan. Nang maalala niya ang kanyang sitwasyon tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang oras na iyon. Wala siyang oras para mag-liwaliw. Hindi niya alam kung bakit siya napadpad sa nakaraan at kung bakit siya ang napili ni Jacinta para hanapin ito.

Anong gagawin niya ngayon? Iniisip niya kung anong mangyayari sa kanya kung mananatili siya dito ay natutuliro na siya. Napailing na lang siya ng ulo.

Himaya, you can do this! This is your chance. There must be a reason why you're here. What if the answers to your questions lies here to this place.

Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili. Hindi pwede na panghinaan siya ng loob ngayon.

"Tranquila. No voy a hacerte daño, trato de ayudarte." sunod na sabi sa kanyang ng estranghero.

Kinalma muna niya ang kanyang sarili bago magsalita. "Ipagpaumanhin mo, Ginoo sa aking inasal. Sadyang nagulat lang po ako sa inyo."

"Ayos lang po ba kayo, Binibini?"

Jacinta's Conspiracy (WattysPH Breakthroughs Winner 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon