Alam niya na malapit ng bumigay ang lalaki sa kanya. Men will always be men. Tatanggi pa ba ang mga 'to pag palay na mismo ang lumalapit? Of course not! Kahit nga kasal na e nadadala sa temptasyon but of course, not unless he's gay.

Dinial ni Scarlett ang numero ni Theo. She misses him so much already! Damn that guy. She misses his presence and Theo's mysterious but sexy eyes. And the way his lips curve makes her shiver in an instant.

Laking tuwa ng babae ng sagutin ito ang tawag niya.

"Hello, sexy thing.." She purred and bit her lower lip erotically even though Theo can't see her.

Narinig niya ang mahinang paghalakhak nito sa kabilang linya na tila ba'y naaaliw sa kanya ang kausap. "Oh, Scarlett.. You never changed."

She let out a sexy and proud smile. "Of course, sexy! I miss you. Don't you miss me too?" Kunyaring nagtatampong ani niya.

"Well, think whatever you want to think." Theo said in a baritone voice.

Two can play this game Scarlett. Ani ni Theo sa kanyang isip.

"Okay, sweetie. I'll think whatever I want to think. I want to see you. Are you free right now?" Scarlett asked.

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot ang lalaki. "Yeah.. I'm free tonight. Sabihin mo sa akin kung nasaan ka. I'll pick you up."

Isang matangumpay na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Oh, yes! Thank you, sweetie! Sure, sure! See you later!"

Hindi niya maiwasan wag kiligin at maging excited. Finally! She will see him in person again. Thinking about being with Theo tonight makes her feel scorching hot.

Agad na nagpaalam si Scarlett sa mga kaibigan na aalis na siya maya maya. Her friends asked her why but she just gave them a "I'm going to do something very important tonight.". Gets na agad yun ng mga kaibigan niya kaya hindi na din siya pinigilan ng mga 'to.

Isang oras din ang lumipas at tsaka lang nagtext si Theo na nasa harapan na daw ito ng Bar kung nasaan siya. Nagmamadali siyang nagpaalam at umalis sa table nila.

Medyo nakainom na din siya but she's still aware of her surroundings. She wants to be pumped up kasi. Mas wild, mas masaya at mas masarap. She's planning to seduce Theo tonight. Ewan na lang talaga niya pag hinindian pa siya ng lalaki. Men and their libido.

She immediately saw Theo standing a few steps away from the area. As always, the man looks ruthlessly handsome. Damn! She wants to devour that man!

She let out a sexy smirk and walked towards him, hips swaying like a beauty queen walking towards her prized crown. The thing about Scarlett is that kaya niyang umarte na hindi siya lasing kahit na may tama na siya. Sanay na sanay na kasi ang bituka niya sa hardcore liquors kaya hindi siya agad agad natutumba.

Agad niyang niyakap ang nakapa mulsang lalaki. Theo is huge compared to her. Ano ba kaya ang malaki sa kanya? Ani ng malanding pag iisip niya.

"Hey there, sexy thing!" She tried to kiss him on the lips but he looked away kaya sa pisngi tumama ang labi niyang pulang pula.

Hindi siya sigurado but the man looks cold and annoyed. But she doesn't care! Ang mahalaga ay kasama niya ito ngayon at hindi yung jologs at pangit na nurse na 'yon!

Nagulat siya ng hawakan siya ng lalaki sa braso at marahas na hinatak papunta sa sasakyan nito. Nagpadala naman si Scarlett at naka ngisi dahil sa nangyayari.

"So.. Theo likes it rough, huh?" She mentally told herself.

Ang hindi nila alam ay may dalawang pares ng mata ang nakatingin kila Scarlett at Theo. Kunot na kunot ang noo nito at nakaramdam ng sobrang inis.

Lasing siya, oo pero alam niya ang nakita niya! Hindi siya bulag para hindi makita iyon! Tila ba'y nawala ang pagkalasing niya at nagising ang kanyang diwa.

"Gagong lalaki 'yon, ha!? Puta, lumalandi pa ng ibang babae! Pare parehas lang talaga ang mga lalaki na 'yan! Manloloko!" Gigil na gigil na sabi niya habang nakakuyom ang kamo.

Balak na sana niya sugurin ang mga 'yon ng nagmadali ang mga ito na umalis. Hindi na niya nagawa ang balak niya. Gusto niyang hatakin ang buhok ng malanding babae at ilampaso ang mukha sa sahig.

Gusto naman niyang sapakin si Theo dahil sa panloloko nito! What a gago!

My Billionaire Patient (TLS #1) Where stories live. Discover now