Cuarenta Y Ocho

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko pa nasasabi kila Nanay ang magandang balita. Hindi ko kasi alam kung maganda ba talaga 'yon o hindi. Naiinis nga ako sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari.

"Ano ba dapat ang gagawin ko?" Wala sa sarili kong tanong sa hangin habang nakaupo sa kama at nakayap sa isang puting unan.

Tagapagsalaysay

"Make sure you'll stick to the plan, Scarlett! Alam mo na kung anong mangyayari sa lover boy mo pag nagkataon."

Scarlett just rolled her eyes dramatically sa sentiment ng kausap niya sa phone habang naninigarilyo sa gilid ng isang kilalang bar mag isa.

Kinalingan niya pang iwan ang mga kaibigan para lang kausapin ang lalaki. Imbes na nagsasaya siya ngayon ay sisirain ni Luke ang kanyang mood!

"Of course, I will! Will you shut the fuck up na, Luke!? Naririndi na ako sa bunganga mo!" Inis na aniya sabay bato sa upos ng sigarilyo sa lapag at gigil na inapakan.

Padabog na pinatay niya ang phone niya pagtapos. She has no time to hear Luke's craziness! She has to admit, nabibwisit na talaga siya sa siraulong lalaki na 'yon nitong mga nakaraang araw.

Ang daming pinapaggawa sa kanya! Can she just enjoy her life without any demands from this asshole!?

Kung hindi lang siya takot sa lalaki e hinding hindi siya magpapautos dito. Well, not unlike before na may gusto pa siya kay Luke at willing siyang gawin ang mga utos na'to to please him but right now? She's pretty sure that she has no feelings for that guy anymore.

Alam niyang din na ang daming problema ni Lucas ngayon pero hindi naman dapat na pati siya ay pagbuntungan ng inis ng lalaki!

Yes, she's fully aware of Luke's debt from the mafia people. Alam niya kung gaano kalaki ang utang ng lalaki sa mga 'to. Ayun na nga din ang isa sa iniisip ni Scarlett. Baka madamay pa siya sa mga kalokahan ni Luke!

Dinamay na nga siya sa nangyari kay Migi, pati ba naman dito ay idadamay pa siya? Oh hell no!

"Inhale.. Exhale.. Scarlett. You're too beautiful to be stressed!" She reminded herself.

Ang tanging nakakapag paganda lang ng mood niya e tuwing makakatext niya si Theo. Hindi man ito madalas mag reply sa kanya at sagutin ang kanyang tawag e at least, pinapansin siya.

Ano ba talaga ang gusto ni Theo? Well, kahit ano pa man 'yon, she's willing to do anything for him. Ganito siya dati kay Luke pero magmula ng makilala niya ang lalaki ay nagbago ang ihip ng hangin.

Iba ang pagkagusto ni Scarlett kay Theo. Alam niya sa sarili niya 'yon. First time niya nakaramdam ng sobrang pagkagusto sa isang lalaki. Never niya naramdaman kay Migi o hindi kaya kay Luke ito. Kay Theo Inoue lang.

She can easily make a guy go gaga for her but for some reason, Theo's one tough cookie. Hindi ito basta basta nadadaan sa charms which challenges Scarlett more.

She likes the chase and she will do anything to win that guy. Wala siyang paki sa jologs na nurse na gusto ni Luke. Wala naman panama 'yon kumpara sa kanya.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon