11th Glimpse

882 34 1
                                    


My Ugly Suitor

" Bakit nandito ka namang panget ka? Hindi mo ba talaga ako tatantanan?" sigaw ko kay Miko. Kinuha ko yung hawak nyang bulaklak at itinapon ito sa mismong harapan nya.

" Trisha, I'm sorry. Wag mo naman akong ipagtabuyan, please. Bakit ba ayaw mo na sa'kin? "

" Tinatanong pa ba 'yan!? Syempre kasi ang panget panget mo. Nakakasuka ka!" muli kong sigaw at malakas na pinagsaraduhan ito ng pinto. I don't care if I hurt his feelings because he's very ugly. Mayroong malaking peklat ang gilid ng kanyang mukha at putol pa ang kaliwa nitong paa. I will never entertain an ugly man like him. No way!

" Hindi ka ba talaga titigil!?" nandito na naman sya sa labas ng school ko at naghihintay. Sobrang nakakahiya kasi pinagtatawanan na ako ng mga kaklase ko. Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya ay dahil mahirap lang ito. Balita ko'y nagtitinda lang sya ng sampaguita sa labas ng simbahan.

"Kausapin mo naman ako, Trisha."
At talagang inuubos nya ang pasensya ko. Hindi ko sya pinansin at mabilis akong sumakay sa kotse ko.

" Hindi ka aalis o sasagasaan kita?"

" Hindi kita susukuan, Trisha."

Dahil sa matinding galit ay pinaandar ko ang kotse ko. Nahagip nito ang katawan nya. At nakita ko ding tumama ang ulo nito sa may bato. Kasalanan nya naman kasi pahara hara sya sa daan.

Pagkatapos ng insidenteng iyon, tatlong buwan din ang lumipas at wala ng Miko na nangungulit sa akin.

" Trisha, I know what you did to Miko." sermon sa akin ni mama.

" So what? At bakit ba kilala mo ang panget na 'yon?"

" Naririnig mo ba ang sarili mo? Bumalik ka dito. Kahit kailan talaga ay wala kang utang na loob!"

Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni mama. The next day, nakaabot sa akin ang balitang patay na si Miko at may iniwan daw itong liham para sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. May parte sa puso ko na sobrang nasasaktan dahil sa pagkawala nya.

Dear Trisha,
If you're reading this right now, I just want to say sorry. Sorry kung pinagtatawanan ka nila ng dahil sa'kin. I'm sorry if you regret and hate each day everytime you see me. But as what I promised you after the accident happened, I will not get tired until you remember me.
Five years ago, there was a fire happened. Nasunog ang bahay namin at nando'n ka sa loob kasama ang mga magulang at kapatid ko. I was lucky to save you. My parents as well as my siblings died because of that. I am the only one left in our family until I remember that I still have you.Nang dahil sa naganap na sunog, you lost your memories. Tumama ang ulo mo sa isang matigas na bagay causing you to have an amnesia and forget me. Nagkapeklat man ang mukha at naputulan man ako ng kaliwang paa, hindi ko 'yon pinagsisisihan kung kapalit ng lahat ng 'yon ay ang maligtas ang buhay ng pinakamahahal ko. Please don't push me away, Trisha. Ikaw na lang ang meron ako. I love you Trisha. Even if you push me away, I will always come back to you.

Love,
Miko

Napahagulgol ako sa iyak dahil sa nabasa ko.

I'm sorry Miko. I'm sorry...

Just A GlimpseWhere stories live. Discover now