17th Glimpse

752 27 4
                                    





MAMA

" Anak, maghugas ka ng plato."

" Sandali po. "
" Xhianna, magwalis ka sa sala!"
" Wait. "
"Nalinisan mo ba yung kulungan ni Blackie?"
" Mamaya po. "
" Eh nakaligo ka na ba?"
"Kahapon pa po. "

Ganyan si mama. Utos doon, utos dito. Sermon doon, sermon dito. Paulit ulit na lang. Parang sirang plakang nakakainis na pakinggan.

Sabado, alas nuebe ng gabi, umuwi ako sa bahay dahil kakatapos ko lang sa ginawa naming proyekto. Paniguradong aandar na naman ang bunganga ni mama. Gaya ng inaasahan ko, kabaligtaran yata ang nangyari. Naabutan ko sya na nagluluto.

"Xhianna anak, kumain ka na ba? Nagluto ako ng dinuguan. " lumapit sa akin si mama at pinaupo ako.

" May pera ka pa ba? Oh ito 500. Baka wala ng laman yung wallet mo. "

Napakunot ang noo ko. Bakit ang bait ni mama ngayon? May kailangan kaya ito sa akin.

" Ang sarap po ng luto nyo, ma. Nakalimutan ko nga po palang linisan yung kulungan ng aso natin kanina. "

" Wag mo ng intindihin yun. Patay na sya. Niluto ko na yung aso natin. "

Naibuga ko yung kinakain ko dahil sa biro ni mama. Matapos ay tumawa ito ng napakalakas. Weird.

" Mamaya ko na po huhugasan ang mga plato. "

"Ako na ang maghuhugas. Magpahinga ka na. " wika ni mama at hinalikan ako sa pisngi. Aakyat na sana ako sa taas kung wala lang akong narinig na kumatok sa may pinto. Siguro ay si kuya iyon. Bakit kaya late na din sya umuwi?

Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Nakita ko doon na nakapamewang si mama.

"Ma, anong ginagawa mo dyan?"

"Malamang hinanap kita! Ikaw na bata ka bakit ba gabi ka na umuwi!? Alam mo bang pagod na pagod at nag aalala ako sa paghahanap sayo. Lintek kang bata ka san ka pumunta!? "

Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni mama. Halos hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko.

Kung gan'on, s-sino yung kasama ko kanina?

Just A GlimpseWhere stories live. Discover now