14th Glimpse

811 30 6
                                    


" Seth, may assignment ka na? Pakopya naman."
" Sige. Kunin mo na lang yung blue na notebook sa bag ko. "
"Salamat. "

"Seth, tapos ka na sa math? Pakopya naman nung solutions mo. "
"Nakapatong sa desk ko, Jam. Kuhanin mo na lang. "

" Seth, pwedeng pakopya nung essay natin sa english?"
"Hindi pa kasi ako tapos Jam, e."
Ah ganun ba.
" Ganito na lang. Pumasok ka ng maaga bukas tapos papakopyahin kita. "

Like what my friend Seth says, I went to school early. I was there at the exact time 4:00 am. It's too dark. Mabuti na lang at bukas na yung ilaw sa classroom namin. I saw her silhouette. She was standing there kaya't nagmadali ako para lapitan ito.

" Pakopya nung essay mo. "

" H-here."

I noticed that there is something wrong with her. Hindi ko mipaliwanag. Pero gan'on pa man, kinuha ko na agad yung inabot nya sa'king notebook at kinopya ang mga nakasulat dito.

Our class starts. Bakante ang upuan ni Seth. I don't know where she is right now. Natigil lang ako sa pag iisip ko ng tawagin ako ng professor namin sa english. He talk to me privately. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na ipinatawag nya ako.

Kinakabahan akong lumapit sa kanya. I saw him stare at me na para bang tinitingnan kung may mali sa akin.

"Sir, bakit nyo po ako pinatawag?"

He handed me my notebook.

" Open it. "utos nya

Nagtataka man ay binuksan ko ito. And to my surprise, my notebook was full of blood. Walang kahit anong nakasulat dahil punong puno ito ng dugo at mga hibla ng buhok.

"What's wrong with you, Miss Saavedra? "

Nangilabot ako sa nakita ko kaya't dali dali akong pumunta sa bahay nina Seth. Napakaraming tao kaya't maski ako ay naguguluhan na din sa mga nangyayari. Agad kong nilapitan ang kanyang ina na tila kakagaling lamang mula sa pag iyak.

" Tita si Seth po? "

" Hindi mo ba alam iha? Kagabi pa syang patay. "

Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa narinig ko. Naninidig man ang mga balahibo ko ay lumapit ako sa kabaong na pinaglalamayan nila. Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang katawan ni Seth na payapang nakahimlay doon. Pinakatitigan ko ito.

Gan'on na lang ang pagkagulat ko ng biglang nagmulat ang mga mata nya.

" Ano? Mangongopya ka na naman ba? "

Just A GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon