Agad na nag sink-in sa utak ko ang panaginip ko.
The old lady inside my dream is wearing the same necklace that I am wearing right now.
Si Mama at si Papa. Sila nga 'yung nasa panaginip ko. Pero sino 'yung bata? Bakit Mama at Papa ang tawag n'ya sa mga magulang ko? Am I that little girl?
Pero magara ang suot n'ya. Para s'yang isang prinsesa. Maging si Mama at si Papa ay magara din ang kasuotan. Para silang mga maharlika na nakatira sa isang palasyo. Weird.
Well, panaginip lang naman 'yon. Simple lang naman ang buhay namen.
Tinapik-tapik ko ang aking pisngi. Okay Dawn. Stop thinking about those dreams.
Matapos kong magligpit ng higaan ay naisipan ko nang lumabas sa aking kwarto ngunit 'di ko pa man napipihit ang doorknob ay kusa nang bumukas ang pinto.
"Happy Birthday, Dawn!" Malakas na sigaw agad ng best friend ko ang bumungad sa akin sa labas ng kwarto. May hawak s'yang cake at may suot pang party hat.
"Thank you Alice!"
Oo nga pala, mula noong gabing nawala sila Mama at Papa ay dito na tumutuloy si Alice sa bahay namin. Sinabihan ko kase s'ya na dito nalang tumira para 'di na s'ya bumayad ng apartment. Tulad ko kase, wala s'yang mga kakilala o malapit na kamag-anak dito. Tuwing tinatanong ko namay ay nagkikibit-balikat lang s'ya bago ibahin ang topic. Hinayaan ko nalang.
Nung una nga'y ayaw pa n'yang pumayag na tumira dito pero napapayag ko din naman nung sinabi kong natatakot ako na baka bumalik 'yung mga dumukot sa magulang ko. Buti nalang at labs na labs ako ng best friend ko.
"Oh, hipan mo na ang kandila bago pa tayo masunog."
Nag-wish na 'ko bago hipan ang dalawang kandilang hugis number 1 at 8.
"Oh, anong plano mo ngayong birthday mo?"
"Ewan. Mag-aapply? Nasa legal age na 'ko para magtrabaho. Paubos na din kase 'yung ginagamit kong pera na naitabi pa nila papa." Bigla tuloy akong nalungkot. Sila mama kase ang lagi kong kasama sa pagse-celebrate ng birthday ko tapos kung kailan naman debut ko tsaka naman sila wala.
"Baliw ka talaga kambal. Trabaho agad? Magcelebrate naman tayo. Nagtext sa'kin si Emm, pupunta daw s'ya dito mamaya."
"Ha? Eh bakit naman daw?"
"Nasa legal age ka na daw kase. Baka manligaw na 'yon."
"Tss. Bakit nga daw? Ikaw ang ililigaw ko d'yan eh."
"Eto naman, galit agad? Sasama daw sya sa'tin. Birthday mo kase kaya naisipan kong isama ka sa adventure ko. Inaya ko na din so Emm. Hehe."
Heto na naman s'ya sa pagiging adventurer slash risk-taker slash treasure hunter n'ya. At talagang idadamay pa 'ko.
"Ano? Natigilan ka na d'yan. Please kambal, pumayag ka na. 18 years old ka na. Dapat at that age maranasan mo na ang mga ganitong adventure at tsaka kasama naman natin si Emm kaya safe ka."
"Baliw."
Pero pumayag na din ako dahil sa kakulitan n'ya at dahil gusto ko ring madistract. I need to distract myself to lessen the sadness I'm feeling right now. It's still my day. I still deserve to be happy despite the situation.
"Pero teka, saan ba yang sinasabi mong adventure kambal?" Curious na kasi ako eh.
"Ganito kasi 'yan kambal. Nung isang araw kase habang nililinis ko 'yung kwarto nila tita Charlotte at tito Dharimus, nakita ko 'tong mapa."
Teka, 'di ko alam na may itinatago palang secret map sa kwarto nila sila Mama at Papa.
"And know what? Saktong dito sa bahay n'yo ang start ng adventure naten!" Nakangiti pa s'ya nang ituro sa'kin ang pulang bilog sa mapa na may nakasulat na "Celestial's House". Weird.
YOU ARE READING
UNIVERSITY OF ADVANCED ABILITIES And The Elemental Princess
Fantasy~•THE WATTYS 2018 LONG LIST•~ Isang University na nakatago sa gitna ng kagubatan? Isang University na nagtuturo ng kakaibang bagay? Hindi pumasok sa isip ng isang dalaga na makakapasok s'ya sa lugar na tulad nito dahil sa dalawa n'yang kaibigan. K...
Chapter 1: THE BEGINNING
Start from the beginning
