Chapter 18

57 5 0
                                    

To  Stay

Sa mga sumunod na araw ay mas naging busy ako sa pag-aaral. Maraming kinailangang tapusin na mga requirements para sa Finals. Magtatapos na ang 1st Semester at parang hangin lang ang nagdaang mga oras.

Time seems to be in hurry these days. Parang kailan lang nung mag graduate ako ng Senior High tapos yung mga unang araw ko sa kolehiyo. Tapos ngayon, Isang taon at kalahati nalang ay gagraduate na ako.

"Montefalcon, mag memeeting daw tayo sa GC mamayang alas 8 ng gabi. Dun nalang natin pag usapan yung flow ng Film natin ah. Nagmamadali kasi ako. Sorry." sabi ng isang kagrupo ko sa Ethics. Nangunot pa ang noo ko ng makitang parang naiihi siya sa pagmamadali. Tumango nalang ako sa kanya na agad naman na nagpapalatak sa kaniya.

"PAKI INFORM NALANG YUNG IBANG GROUPMATES NATIN AH. LABYO!" sigaw niya pa habang nagmamadaling kinuha ang mga gamit niya tsaka kumaripas ng takbo palabas. Napatigil pa kami lahat at napatingin sa kaniya nang mahulog yung mga gamit niya sa bag sa pagmamadali. Di niya pala na sira ng maayos yung bag pack niya.

Umiiling na nagpatuloy nalang ako sa pag aayos sa gamit ko. Paniguradong pupuntahan na naman niya yung boyfriend niya. Tsk. Tsk.

Buti nalang dahil kailangan ko ring pumunta ng National Bookstore. May mga materyales na kailangan kong bilhin para sa Art Appreciation namin bukas.

Habang naglalakad palapit sa gate ng school ay nagsimula na namang kumalabog ng mabilis ang traydor kong puso. Na para bang excited sa kung ano mang nasa labas.

Napairap nalang ako sa kawalan ng matantong alam na alam ko kung bakit na naman. Alas 4 palang ng hapon ng mapasulyap ako sa orasan kanina. Hindi ang kadalasang uwian ko kaya di ako sigurado kung nasa labas nga siya.

Sa naalala ko ay 4:30 ng hapon pa ang out niya sa kompanya nila na kung saan siya nag OJT nang minsan ay magkwento na naman siya--kahit di naman ako nagtatanong.

Agad akong pumara sa Jeep ng tumapat ito sa Ayala Mall. Kailangan kong makabili ng mga materials para sa apat na Artworks na gagawin namin. Napabalik pa ako ng isang baitang nang biglang pumreno ang isang taxi sa gilid ko.

Sorry naman, Manong. Kung makapag preno akala ko isang dangkal na ang layo namin. Hmp!

"Bag po, Ma'am." nilahad ko naman ang nakabukas kong bag kay Kuyang Guard. Ngumiti naman ako pabalik ng nginitian niya ako tsaka tumango.

"Montefalcon!" Napabaling ako sa tumawag sa akin. Isang kaklase ko sa isang General subject ko last year ang magiliw na kumakaway sa akin sa isa sa mga Cashier Section ng Rustans. Kumaway ako tsaka siya ningitian. Yaman oh, sa Rustans talaga nag grocery.

Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad patungo sa National Bookstore ng Ayala Mall. Ang daming mga tao kahit hindi pa rush hour.

"Excuse me po." Ani ko ng may makabangga akong isang babaeng pumepila para sa isang ATM Machine. Nakita ko pang inirapan niya ako at umismid. Wow ha. Nakapila ka po sa gitna ng daanan ng Mall. Kung ayaw mong may dumaan pwes mag request ka sa Management ng Ayala na lagyan ng barriers yang linyahan niyo. Chura nito.

"Good Morning Ma'am" ngumiti at bumati ako pabalik sa guard ng NBS. Yun yung gusto ko dito eh, walang humapay kung bumati ang guard. Kahit nung isang beses na sunod sunod ang pag labas pasok ko sa NBS ay di siya napagod sa pag bati sa akin ng pa ulit ulit.

Wala lang. Trip ko lang gawin yun. Bakit ba?

Nahanap ko na ang lahat ng kakailanganin kong materyales para bukas. Kakatapos ko lang maybayad sa Counter ng mahagip ng mata ko ang mga nakahelerang mga libro. Gusto kong magbasa kahit sandali lang. Nakagawian ko na na sa tuwing pumupunta ako ng NBS ay lage akong dumadalaw sa mga Book sections. Titingin lang tapos pag may nagustuhan at pag may pera ay bibili. Pero ang dapat na sandali lang ay umabot ng ilang oras. Di ko talaga namamalayan ang oras lalo na pag may nagugustuhan akong libro pero di ko mabili dahil sa mga priorities ko kaya binabasa ko nalang dito mismo sa NBS. Nakabasa na ako, wala pa akong gastos.

Crazy thing called Love (LS2)Where stories live. Discover now