Chapter 5

81 3 0
                                    

Trust me

"Alis na po ako!" Sigaw ko bago nagmamadaling lumabas ng bahay. Pano ba naman kasi, ngayon na ang alis nila ate para sa kasal ni ate Andi tapos kung ano anong bilin pa ang sinasabi nila na para bang Isang taon silang mawawala. Jusko! Isa hanggang dalawang linggo lang naman.

"Kina! Yung shop ha, wag mong kalimutan!" sigaw na naman ni ate Mika na siyang nagpaikot sa mata ko. Grabe ah, walang pakundangan mag pa remind ate ah. Hindi ko na mabilang-bilang kung ilang beses na niyang nasabi sakin yun.

"Oo na!" sigaw ko pabalik at tumakbo na palabas ng bahay. Mahirap na at baka sundan pa niya ako at magsimula na naman sa walang hanggang bilin nila.

Hello! 19 year old girl here, I'm not a 9 year old little girl anymore.

"Ay butikeng bakla!" napatili ako nang may isang Unggoy ang bigla-bigla nalang tumambad sa harapan ko. I glared at the ugly walking Monkey who's laughing his ass-out in front of me. Walanghiya talaga ang lalaking 'to kahit kailan eh!

"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito!" sigaw ko't inirapan siya. Padabog ang bawat hakbang ko nang nagpatuloy ako sa paglalakad at iniwan ang baliw na lalaki doon. Narinig ko naman na tinawag niya ang pangalan ko at hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang presensya niya sa may likuran ko. Ang kulet talaga ng Unggoy eh.

"Tigil tigilan mo 'ko Lynus ha. Umagang-umaga nangiinis ka na naman" babala ko sa kung ano mang pinaplano niyang kalokohan.

"Ito naman, sinasabayan lang kita eh." masuyong wika niya sa gilid ko. Huminto ako saglit ng may jeep na dumaan sa harap ko. Pabalik-balik sa kaliwa't kanan na daan ang paningin oo. Sinisiguradong hindi ako masasagasaan kung tatawid ako.

"Kung gusto mong sumabay pwes, tumahimik ka dahil nakakagigil sa inis yang bunga-nga mo" irap ko kahit hindi niya naman nakikita. Narinig ko pa siyang may kung anong binubulong kaya inis na tinapunan ko siya ng matatalim na tingin. Ang loko, nag peace sign pa at ngumisi ng makita ang matalim na tingin ko sa kaniya. Nakakainis talaga ng pagmumukha ng lalaking 'to.

Narating namin ang campus na parehong tahimik. lang. Salamat naman at marunong palang tumahimik ang Unggoy na ito. Nagtaka pa ako ng maramdaman parin ang presensya niya sa likod ko kahit na lumiko na ako sa hallway na papunta sa classroom ko. Hindi nalang ako nagsalita at tuloy-tuloy na pumasok sa classroom ng klase ko.

Inilalagay ko ang aking gamit sa aking upuan nang mapatingin ulit ako sa labas ng classroom. Nakita ko ang nakangiting mukha niyang nakahilig sa gilid ng pintuan habang hawak hawak ang strap ng kaniyang bag habang nakatingin sakin.

Ano pang ginagawa niya dito? Hindi kami magkaklase sa klase na 'to ah.

Nagtaas ako ng kilay sa kaniya nang nagdaan ang mga minutong hindi parin siya umaalis na siyang nagpanguso sa kaniya na para bang nagpipigil ng isang ngiti. Rinig na rinig ko naman ang mga hagikhik at tili ng mga kaklase kong babae habang nakatingin sa lalaking nakangiting umiiling sa pintuan ng classroom namin.

I narrowed my eyes at him and roll it at him. Bahala siya. Pasikat rin 'tong isang 'to eh. With one last glance with his knee-trembling smile, he turned around and left our classroom.

Baliw.

Nagdaan ang ilang oras ay namalayan ko nalang na tapos na pala ang klase ko. Nililigpit ko na ang gamit nang may kaklase akong lumapit at kinalabit ako sa gilid. Napatingin ako sa kaniya at kitang kita ko ang namumulang pisngi at pigil na ngiti niya sa labi. Napataas ang kilay ko. Anong problema niya?

"Ah... ano... anjan na ang sundo mo sa labas.." wika niyang nakatungo habang hawak hawak ang magkabilang pisngi niya. Anong ka artehan ng isang 'to? Sinong sundo ang sinasabi niya at parang kilig na kilig naman siya.

Tumingin ako sa pintuan ng classroom namin pati sa bintana ng classrooom pero wala akong makitang pamilyar na mukha maliban sa mga kaklase kong nag-uunahang lumabas ng classroom at ibang estudyante sa labas ng hallway.

Magtatanong pa sana ako kay Crissy ng bigla nalang siyang tumalikod at iniwan ako.Naiwan akong nagtataka, magdaan ang ilang minutong nakatunganga ay nagpasiya akong lumabas ng classroom.

Pagliko ko pa lang sa hallway ay agad nang bumungad sakin ang nakaupong lalaki sa sahig ng hallway. Nakasandal ang likod niya sa dingding habang nakaangat ang isa niyamg binti para sumuporta sa isa niyang kamay na nakalagay doon.

Nang makita niya ako ay agad na rumihestro ang ngiti sa labi ng lalaking nasa harap ko at agad na tumayo at pinagpagan ang slacks niya na nadumihan yata sa sahig.

"Tagal mo naman.." aniyang nakangiti pero hindi na yung klaseng ngiting nangaasar. Kusang pumungay ang mata ko nang makita ang pagod at sinseredad sa mata ng walking-fan na 'to kaya umiwas ako ng tingin.

"Anong na namang ginagawa mo dito?" tanong ko sa mahinang boses. Ano ba yan! Sa pagkakaalam ko alas 4 natapos ang klase ng isang to eh. Alas 6 na ng gabi pero andito pa rin siya. Teka, siya ba yung tinutukoy na sundo ni Crissy kanina? Malamang.

Nagulat ako ng may biglang humila sa bag ko. Napatingin ako sa harapan at mas lalong nagulat nang makitang ang lapit na pala sakin ni Lynus. Hawak-hawak niya sa kabilang balikat ang shoulder bag ko. Nagpigil ako ng ngiti ng makitang kahit suot-suot niya ang bag ko na yun, hindi yun nagpababa sa pagkalalaki niya.

In fact, he look so manly with him holding that shoulder bag. Hindi siya mukhang bakla pero... ang cute niya lang tignan. Pigil ang tawa ko sa nakikita.

Kusang napaatras naman ang paa ko nang mas lumapit pa siya lalo sa akin. At mas lalo akong nagulantang ng hawakan niya bigla ang kamay ko at pinagsiklop iyon sa mga kamay niya. Napatanga ako sa kamay naming dalawa na magkahawak. Kahit na may isang pakiramdam na  pilit na bumabagabag sa akin ay iwinaksi ko iyon sa isipanz

"Ano ba oy!" pigil ko namg hilahin nalang niya ako bigla patungo sa kung saan. Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kaniya na mas lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakasiklop niyon.

Napatigil lang ako ng tumigil siya sa paglalakad at binalingan ako sa likod niya. Akala ko ay sa wakas ay bibitawan na niya ang kamay ko pero, nagkamali ako dahil inayos niya lang iyon at mas hinigpitan pa lalo ang pagkakasiklop noon bago ako tinignan sa mga mata. Puno ng mabibigat na tingin at pinaghalo-halong pakiramdam.

"Just trust me, okey? Trust me.." a small sincered-smile creaped on his lips. And I don't know if is it because of his smile or his eyes or the way he spoke those words,

But after 3 years, I felt that same feeling again, that crazy feeling to trust someone without a doubt. Again.

Crazy thing called Love (LS2)Where stories live. Discover now