Chapter 13

73 3 0
                                    

End This War

Pagod at namamaga ang mga mata na umuwi ako sa bahay. Gusto pa sana akong ihatid ni Lynus kanina pero may klase pa siya hanggang alas nuwebe ng gabi. Sinabi ko nalang na magtataxi ako dahil alam kong nagaalala siya kahit di bagay sa kaniya.

At dahil na rin sa pagod ay napa gastos ako sa taxi. I feel so drained today. Buti natapos ko yung mga klase ko kahit ang tamlay tamlay ko. I never felt this way before.

Empty. Yun yung pakiramdam ko ngayon. Walang galit. Walang sakit. Walang kahit ano. Just plain emptiness. Mukhang nadala lahat sa mga luha ko kanina ah.

Bubuksan ko na sana ang gate namin pagkaalis ng taxi ng masilaw ako sa isang ilaw ng sasakyan. Napatingin ako doon ng mawala ito at nakitang iyon yung itim na Ford Ranger na ilang araw ng tumatambay sa kalye namin tuwing gabi. Kahit na kinakabahan dahil baka masamang tao iyon ay napakunot ang noo ko sa pagtataka.

Biglang umilaw ang sasakyan at bumukas ang pintuan sa driver's seat. Isang itim na sapatos na may tsek sa gilid ang una kong nakita sa baba bago nagtaas ang paningin ko ng tuluyan na niyang isarado  ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako nang mapagtanto kung sino iyon.

"Please let's talk."

Si Kris.

Siya na naman.

At gaya nga ng sabi ko ay walang wala ako. Ni galit o sakit ay wala akong maramdaman kaya siguro napatango ako sa kaniya agad. Agad rumehistro ang galak sa mukha niya nang napagtantong pumayag ako. Tumingin pa muna ako sa bahay bago siya binalingan.

"Pero huwag dito." walang ganang wika ko. Napalunok siya bago tumingin sa bahay namin tsaka sa sasakyan niya at pabalik ulit sa akin.

"Uhm, do you mind if we get inside the car?" Nagaalinlangan pa niyang tanong. Napatingin ako sa sasakyan niya na nasa may likuran niya lang. So sa kanya pala itong sasakyan na 'to?Bakit siya nandito tuwing gabi sa kalye namin?

Napapilig nalang ulit ako sa ulo . Ayan kana naman Shikina eh. Tatanong tanong ka naman. Nakapagdedisyon ka na diba? Tapos na diba?

Tumingin ulit ako sa kaniyang mga matang puno na naman ng mga emosyon. Unti unti akong tumango kaya napabuga siya ng hangin sa ginhawa. Napatango siya at agad na pinatunog ang alarm sa sakyan. Naglakad ako palapit doon pero bago ko pa mabuksan ang pintuan ng shotgun seat ay pinagbuksan na niya ako. Agad kaming nagkatinginan ng saglit ngunit ako rin ang unang umiwas at tuluyan ng pumasok.

Tinitigan ko siya na dali daling lumibot pa driver's seat hanggang sa pumasok siya. Iniwas ko rin ang tingin at bumaling sa bintana. Akala ko dito lang kami mag uusap pero narinig ko ang pag andar ng sasakyan  at ang pagalis nito. Tumingin ako sa labas ng bintana at humilig sa upuan at bintana. Pagod na pagod talaga ang pakiramdam ko. Wala na akong pakialam kung saang lupalop niya gustong mag usap kami basta ba't iuuwi niya ako sa bahay namin.

Napatingala ako sa langit at nakitang natatabunan ng makapal na ulap ang mga bituin na kanina lang ay nagsilabasan. Napapikit ako ng maramdaman na parang gustong tumulo ng luha ko nang biglang sumagi sa alaala ang gabi ng bagong taon na yun.

Jusko. Tatlong taon na. Tatlong taon na ang nakalipas bakit parang kahapon lang yung sakit.

Ang pagtigil ng sasakyan at isang tikhim ang nagpadilat sa akin. Itinigil niya ang sasakyan sa mahabang highway ng Lagoon Bridge. Hindi ako gumalaw at pinanatili ang pagsandal sa bintana.

"Sierra..." napapikit ulit ako ng maramdaman ang kalabog sa puso ko.

Please, tumigil ka na. Hindi ka pa ba nadadala? Isip ko.

"I'm sorry. " aniya. " I'm sorry dahil duwag ako. I'm sorry dahil gago ako. I'm sorry dahil wala akong kwenta. I'm sorry dahil--Fuck!" napalunok ako ng marinig ang bahagyang pagpiyok ng kaniyang boses kasabay sa malutong niyang pagmumura. Tumingin ako sa labas at pinigilan ang sariling maiyak at para na rin hindi ko siya maaninag na ngayon ay napasandal sa manubela.

"Sierra, I know. I know its been years. Fuck! Its been 3 years and I'm sorry if it took me 3 long fucking years to apologise. But fuck!--" tumigil na naman siya. "The moment I step a foot in the Philippines, I already promised myself that I will correct everything I did in the past. I will apologise to you and pay the consequences of it, and that is to see you and accept that maybe you're already moved on and happy with someone new. "

"Na magiging masaya ako para sayo kung sakali man na makita kang masaya sa ibang tao. Isang bagay na hindi ko naibigay saiyo noon" Isang malalim na hininga ang narinig ko sa kaniya. Napakagat ako sa labi ng manginig ito kasabay ng pagtulo ng mga luha ko sa boses niyang basag sa huling sinabi.

"But when I heared Luhan said that you still have no one. Fuck! Babe, I couldn't stop my self to thank the God." Bahagya siyang natawa pero garalgal ang boses.

"Umasa ako." Napabuga siya ng hangin at ganun din ang ginawa ko. Hindi na ako halos makahinga sa pagpipigil ng hikbi. Basang basa na ang pisngi ko sa mga luhang hindi ko mapunas punasan dahil baka mahalata niyang umiiyak ako. Napatingala ako sa langit ng unti unting bumuhos ang ulan sa labas. Nakikisabay sa mga luha namin ni Kris ngayon.

"Fuck! Alam kong wala akong kwenta. Wala akong karapatan na mahalin at magmahal. Na hindi mo naman talaga ako minahal noon. Na--Na experience mo lang ako..." walang tigil na nag uunahan ang mga luha ko sa pagkabasag ng boses ni Kris. Sa bawat pagpiyok ng kaniyang boses. Sa bawat salita niyang puno ng sakit sa pagbanggit ay doble para sa akin.

"But shit! Sierra... umaasa ako na baka may konti ka pang nararamdaman para sa akin. Kahit konting saya man lang na naiparamdam ko saiyo noon" humina ang boses niya sa huling sinabi.

"Pero yung konting pag-asa na pinanghahawakan ko ay biglang naglaho nung una nating pagkikita sa parking lot. The coldness of your eyes broke the tiny hope I have. The coldness I saw in your eyes as it saw me, sent shivers to my spine. It scared me. "tumaas bahagya ang boses niya. " I told myself that time, that maybe you have fully moved on. That you have fully forget me. Us, Sierra. Natakot ako na kung ibabalik ko pa ang nakaraan sayo ay baka bumalik yung sakit na nakita ko sa mga mata mo nung gabing yun. So I tried my best to act normal. I thought by that, I can finally start a new with you. But Babe, every time I try to get near you, you always have a way to leave..."

"Just like how you did that night." mahina ang boses niya ng banggitin niya iyon. Bakas ang sakit na taglay sa bawat salita .

" All I want is to end the invisible war we have. The war that our siblings have, na dapat ay hindi tayo damay pero dahil gago ako ay napasali tayo." napalitan ng galit ang lungkot sa boses niya.

"That's why I have decided. Sierra... Babe, I want you back--no." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napadilat ako. T-teka! Ano daw?

"I will have you back." He said and every word is marked with finality.

Just Wtf?!

Crazy thing called Love (LS2)Where stories live. Discover now