Dumaan sila sa isang drug store at doon ay biniling lahat ni Wilfred ang nakalagay sa reseta na binubuo ng bitamina para sa buntis. Lalo siyang nawindang nang makita niyang pumulupot na naman ang kamay ni Vida kay Wilfred.

Mukhang magtatagumpay ang Vida na ito na makuha si Wilfred. 

Nakakalungkot naman. Wala ka na talagang pag-asa, Rowelyn!

Nasa likod siya ng dalawa nang mula sa kamay ni Vida ay nalaglag ang resetang hawak nito nang hindi namamalayan. Dinampot niya iyon at mabilis niyang itinago sa kanyang bag. Pag-uwi ng bahay ay binusisi niya ang resibo. Nakita niya ang pangalan ng OB-gyne na nagbigay ng reseta.

Kinabukasan ay nagdahilan siyang masama ang pakiramdam at hindi pumasok.


"MAGPAPA-pregnacy test ka ba o magpapa-prenatal?"

"Hindi po, Dra. Ramos. May gusto lang po sana akong alamin kung totoo."

"Tungkol saan, hija?"

"Kasi po, ang may-ari ng resetang ito, ay nagsasabing buntis siya. Pero hindi ko ho mapaniwalaan. Pwede po bang malaman kung nagsasabi siya ng totoo?"

Kumunot ang noo ng doktora at kunuha ang resetang hawak niya.

"Ah, ito ba? Totoong buntis siya, hija. Pangalawang pa-check-up na niya ito."

"Pangalawang pa-check-up?"

"Oo. Dalawang buwan na ang tiyan niya. Ano mo ba siya?"

"Kakilala po siya ng kaibigan ko."

"Sa pagkakaalam ko ay tinakbuhan iyan ng ama ng bata," nadulas na wika pa ng doktora.

"Maraming salamat po sa information, Doktora," anya at saka nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.

Nagpupuyos ang kalooban niya sa nalamang katotohanan. At tangka pala talagang gaguhin ng babaeng iyon si Wilfred at ipasagot ang dinadala nito sa kaibigan niya. Nag-stay siya sa isang coffee shop na malapit sa opisina nila at nang inaakala niyang malapit nang lumabas si Wilfred ay nagtungo na siya sa parking area para abangan ang kaibigan.

Maya-maya ay nakita na niya itong parating. Pero ang masaklap ay kasama nito si Vida at mukhang masaya pa ito ngayon na kasama ang babae.

Mahal mo nga siguro ang babaeng iyan, Wilfred. Pero ito na ang huling pagpapakagaga ko sa iyo. Promise, hindi na ako makikialam, masakit ang dibdib na saisip niya. Mabigat ang kaloobang lumapit siya sa dalawa.

"Excuse me. Pwede ba kayong maabala sandale?" matigas ang tinig na tawag pansin niya sa dalawa.

"Rowelyn! Akala ko ay masama ang pakiramdam mo?" gulat na gulat na react ni Wilfred.

Hindi tumatawang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.

"Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko ganyang nakikita ko na sweet naman kayo. Pero hindi ko maatim na itago ang natuklasan ko."

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" untag ni Vida.

"Nanggaling ako sa OB-gyne mo, Vida. At doon ay nalaman ko na dalawang buwan ka ng buntis. Kaya hindi si Wilfred ang ama ng batang dinadala mo. Nalaman ko rin na tinakasan ka ng lalaking nakabuntis sa iyo. Iyon lang. Kung gusto pa rin ninyong magmahalan, wala na akong pakealam!" medyo galit na wika niya at saka sinabayan ng talikod.

Narinig niya na tinatawag siya ni Wilfred pero tumakbo na siyang palayo at nang makakita ng taksi ay pinara na iyon. Habang sakay ng taksi ay hindi na niya nakayanan ang nararamdaman at napahagulgol ng iyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon