“Such a pretty girl, Andrea.” naka ngiting sabi sa akin ni Mia. Napangiti naman ako.

“Eihh nemen Mia eh. Wala akong pera enebe.” naka ngiti kong sabi at tumawa naman siya.

“Ok maganda na kayo. Tara na.” bagot kunwaring sabi ni Charlie. Napatingin naman ako sa kanya, “Tanggalin mo kaya ang eye glass mo 'no? Sigurado ang gwapo mo.” sinubukan kong tanggalin ang salamin niya kaso nilayo niya ang mukha ko.

“Charlie naman! Patingin lang.” sabi ko pero lumayo na siya at tumakbo na sa elevator.

Natawa lang kami ni Mia at kinuha ang mga bag namin at sumunod na kay Charlie.

“Hmm, ang tagal mo sa office ng boss ah. May nangyari ba?” naka ngising tanong sa akin ni Mia at nag iwas naman ako ng tingin.

“W-wala naman. Nag kape at may tinanong lang ang b-boss.”

“Nagkape?” napatingin ako sa kanya ng magtanong ito. “Oo. Diba nag kape din kayo.” tanong ko pero kumunot ang noo niya.

“We're not. Umupo lang kami sa harap ng boss at nagsagot ng tanong then go. That's what happen.”

*gulp!*

E-edi sa akin niya lang ginawa yun?

O-oh god!

“Uy! Ang bagal niyo naman! Tara na!” inip na sigaw ni Charlie kaya nagmadali na kaming sumakay sa elevator.

H-hindi ko ma digest lahat, grabe!

Pagbaba namin sa elevator ay nag deretso na kami sa exit. Paglabas namin ay sumakay kami sa taxi at pumunta sa Mall. Waaaaah! Na miss ko naman mag gala, haha.

“Guys kain muna tayo.” sabi ni Mia pagpasok namin sa Mall.

“Busog pa ako, kayo na lang ni Charlie.” sabi ko. Totoo naman eh, kakainom ko lang ng kape!

“Nagtitipid ka ba Andrea? Mura lang naman sa Jolibee noh.” sabi niya sa akin. Naka ngusong umiling ako. “Busog lang talaga ako, kayo na lang kumain. Bye! Kita na lang tayo sa fun house!” agad na iniwan ko sila doon at nag deretso sa escalator, sa taas kasi ang Fun House nila.

Oww I miss that one!

“One, two, three, four!” bilang ko sa token na hawak ko. Bente lang naman ang igugugol ko dito, muahaha.

Nag deretso ako sa machine na pinaka paborito ko! Ang basketball machine! Pero mas paburito ko yun ano, yung kailangan mong maka-alis? Basta ayun haha. Nagderetso ako sa basketball machine at inihulog ang isang token. Ibinaba ko ang bag ko at kunwaring nag stretch.

1,2,3... Go!

Agad na nag shoot ako ng mga bola para mas marami points! At natutuwa ako kasi wala pang pumapalya! Simula bata kasi dito na ako mahilig, pero if your going to ask me in the real life? Wala akong hilig sa sports hehe.

Nagpunas ako ng pawis ko ng matapos ako sa unang round. Hinubad ko yung blazer ko at inilapag sa bag ko bale naka sleeveless dress na lang ako, hehe.

And the second round started! Nag shoot ulit ako ng nag shoot ng ball ng walang tigil. May ilan na hindi nag sho-shoot pero ayos lang. Patapos na ako sa pag shoot ng may umagaw ng bola sa akin at siya na mismo ang nag shoot ng pang huling bola!

“Nice one Andrea.” napalingon ako sa boses na yun.

Shet! Ang boss!

“B-boss? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko at lumingon lingon pa. May ilan na nakatingin sa amin kaya naiilang ako.

Napaharap naman sa akin ang boss at tinignan ang kabuuan ko. “Y-you're beautiful.” sabi niya ng tumingin sa mukha ko.

Ey enebe matagal— oh god! Anong sabi niya? Maganda ako? Waaah! Ang pula na ng mukha ko!

“Waaah! Mag syota ba sila? Bagay sila! Maganda at gwapo!”

“Oo nga kaso, parang kilala ko yung boy.”

“Ako nga rin eh, di ko lang matandaan kung saan ko nakita.”

“Sh*t!” nabigla ako ng hilahin ako ng Boss. “W-wait!” kinuha ko yung bag ko at sumama sa kanya. Ano akala niyo di ako sasama? Na-uh! Ang dami kayang nakatingin! Mapagkamalan pa kami!

“Breydon wait! Saan mo ba ako dadalhin?” napatigil siya sa pag hila sa akin at tumingin sa akin.

“You called me Breydon.” naka ngiti niyang sabi. Natawa naman ako, “Tss.” kunwaring sabi ko na tinatago ang kilig ko.

“Saan mo ba ko dadalhin?” balik na tanong ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin at nag buntong hininga.

“Honestly I don't know. Umalis lang ako doon kasi baka makilala nila ako.” sabi niya at may binulong. “And kung malaman 'yun ni Dad, I'm dead.”

“Huh?”

“Nothing.” naka ngiti niya ng sabi. Tumingin siya sa relo niya.

“I need to go, Enjoy.” nagulat ako ng lumapit ito sa akin at—

Hinalikan ako sa pisngi!

“Bye Ms Andrea.” naka ngisi niyang sabi at iniwan akong nakatayo sa gitna ng Mall.

WHAT THE HELLLLL!!!

———


A/N: Vote and Comment please 💛

Young BossWhere stories live. Discover now