Hmm? Photography?

———

“Kailangan niyong makabalik sa oras na 12:50 PM. The new boss will visit all department, kaya dapat lahat kayo ay nandito.”

Rinig ko ang mga bulungan ng mga employee dito. Napabuntong hiningang iniubob ko na lang ang ulo ko sa table at pinikit ang mata.

Gosh! Inaantok ako! I need to sleep!

“Andrea tara na.” naatingin ako kay Mia at Charlie na nasa harap ko.

“Kayo na lang mag lunch, inaantok na kasi talaga ako eh *yawn*” inaantok na sabi ko sa kanila.

“Huh? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?” tanong ni Mia. Tumango ako, “Yung kapatid ko kasi nagpagawa ng assignments, tss.” inub-ob ko na lang ulit ang ulo ko sa table.

“But you need to eat. Para naman maganahan ka at hindi ka antukin.” sabi ni Charlie, winagayway ko naman ang kamay ko sa kanila.

“Ok lang ako. Itutulog ko lang naman eh.”

“But—”

“Hep!” putol ko sa sasabihin nila.

“Ok lang ako. Kumain na kayo! Ilang minuto lang meron tayo oh!” naka ngiti kong sabi sa kanila. Napahinga sila ng malalim.

“Dadalhan ka na lang namin ng lunch, alright?”

“Sige, t-thank you.” naka ngiting umalis sila at ako na lamang ang naiwan sa floor. Wala din si Ma'am Era dahil kumakain din, tao din yun noh.

Kinuha ko ang phone at earphone ko. Pinasok ko ang earphone ko at nagpatugtog, nilagay ko na sa tenga at umub-ob gamit ang dalawang kamay ko  sa table at natulog.

*yawn!*

[After 50 minutes]


Third Person's POV

Samantala, bumaba sa 14th floor ang bagong boss. Bumaba siya sa Art Department.

“Head master Era?” tanong nito ng makitang walang tao sa floor.

“Head master?” tanong nito pero wala pa ring sumasagot. Nangunot ang noo niya at nakapamulsa na lang naglakad sa elevator.

Papasok na sana siya sa elevator ng may marinig siyang humihilik.

“What's that noise?” tanong niya sa sarili. Narinig niya ulit ang hilik kaya sinundan niya ang tunog. Natagpuan niya ang sarili na nasa pinaka dulo ng cubicle at nasa harap ng babae na natutulog habang humihilik.

Nagulat ang boss. “You're the girl in the coffee shop.” sabi niya. Nilapitan niya ang babae at nakikitang mahimbing ang tulog nito.

‘Such a gorgeous girl...’

Bulong niya sa sarili niya. Kinuha niya ang ID ng babae at tinignan ang pangalan.

“Andrea Zheon, Artist Department.” basa niya sa ID ng employee.

Napa ngiti siya ng malaman ang pangalan ng babae at naka pamulsang bumalik sa elevator.

“We're going to see each other again, Andrea.” naka ngisi niyang sabi at sumakay sa elevator.

Andrea's POV

“Andrea! Gising na! Paparating na daw ang boss!” nagising ako sa malakas na pagyugyog sa akin ni Mia.

“Hmm.. Ano ba yun?” inaantok na tanong ko. Ang ganda na ng tulog ko eh!

“Wake up! Parating na daw ang boss! Ayusin mo ang sarili mo.” tinanggal ko ang earphone ko at tinago sa bag ko kasama ang phone ko. Tinignan ko ang oras at ala una na.

“Tayo na diyan! Hinihintay tayo!” agad na tumayo ako at nagpahila kay Mia. Dinala niya ako sa harapan ng elevator at naka hilera ang ibang mga employees doon.

“Now we're complete. Just wait to our boss, parating na siya.” nagbulungan ang mga ibang employee at yung uba ay aligagang nagpapaganda.

Ano ba yun?

Hayy sayang tulog ko eh!

“Here use this. Mag suklay ka, tignan mo ang buhok mo!” bulong ni Mia. Kinuha ko naman ito at saka nag suklay. Binalik ko na ito sa kanya at tinignan niya naman ako.

“Hmm beautiful.” sabi niya, ay ganun? Suklay lang ganda ko na. Haha.

*ting!*

Biglang natahimik ang floor ng marinig ang pag tigil ng elevator. Sabay sabay na inaantay namin kung sino ang lalabas sa elevator.

Sino ba kasi yung boss na yun?

Maya maya may lumabas na isang lalaki at—



O-OH MY GOD!




S-SIYA YUNG BOSS?!




YUNG LALAKI SA COFFEE SHOP!



“Everyone this is Breydon Scherzy, the CEO's son and OUR YOUNG BOSS.”





PAAAAATTAAAAAAAYYY!


———


A/N: Vote and Comment please💛

Young BossWhere stories live. Discover now